NAKATITIG lang si Ferlyn sa loob ng mini refrigerator nila ni Gavin na nasa loob ng kanilang silid. Nagugutom siya pero noong nasa harapan na siya ng refrigerator ay hindi naman niya alam kung ano ba ang kaniyang kakainin? Napakislot siya nang makarinig ng singhap mula sa nagulat na tao. “Sweetie,” gulat pang bulalas ni Gavin nang makita si Ferlyn na nakaluhod sa sahig paharap sa nakabukas na refrigerator. “Ano’ng ginagawa mo riyan?” taka pa nitong tanong. Nang ibalik ni Ferlyn ang tingin sa may mini refrigerator ay minabuti na muna niyang isara iyon. Pagkuwan ay ipinasya ng tumayo mula sa pagkakaluhod. Agad naman siyang inalalayan ni Gavin sa pagtayo. “Nagugutom po ako,” ani Ferlyn kay Gavin. “Kaya ka bumangon?” Tumango si Ferlyn. Nagising siya ng dis oras ng gabi. Kahit kumain nama

