Chapter 56

2127 Words

MATAPOS mag-almusal ni Gavin, sunod niyang ginawa ay ang maligo. Wala siyang balak na mag-stay sa malaking bahay na iyon. Lalo na at mukhang naghihintay lang ng tamang pagkakataon si Danna para ma-corner siya. Ganoon ang pakiramdam niya. Kaya nga kanina, nang mag-almusal siya ay mas pinili niyang kumain sa may tabing dagat. Habang ang mga magulang niya ay magkatabing nakaupo paharap sa may dagat. “Saan ka pupunta?” taka pang tanong sa kaniya ni Danna nang makita siyang lumabas sa silid na ukupado niya. Nakasuot kasi siya ng dark shade sa mata at may sumbrelo pa. Halatang may pupuntahan siya. “Diyan lang,” tipid niyang sagot. “Gusto mong i-tour kita rito sa isla?” pag-aaya pa nito sa kaniya. Umiling siya. “I want to be alone,” aniya bago ito nilampasan. Nahabol tuloy siya nito ng tingin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD