“WHAT’S WRONG? Ang lungkot na naman ng mukha mo, Darling.” Sinulyapan ni Helen ang kaniyang kabiyak na si Gabriel na nilapitan siya. Napabuntong-hininga siya. “Kadarating lang ni Gavin buhat sa kung saan. I don’t think, magiging successful ang binabalak natin na pag-ma-match maker sa kanila ni Danna. Ang anak mo kasi, halatang walang kainte-interes sa anak ni Mareng Dina.” Inakbayan siya ng asawa at hinimas-himas ang balikat. “Sabi ko naman sa iyo, kausapin mo muna ang anak mo. Malay mo naman at may napupusuan na iba kaya walang interes kay Danna.” “Gabriel, thirty-seven na ang anak mo. Gusto mo ba na patay na tayo saka lang niya maiisipang mag-anak? Sayang ang tinatamasa natin kung hindi mapapakinabangan ng saling lahi ng anak natin. Matanda na rin tayo. Wala akong ibang gusto kung ‘di