GUSTONG pisilin ni Ferlyn ang kaniyang pisngi kung totoo ba ang kaniyang nakikita o bahagi lamang ng kaniyang imahinasyon? Na oras na kumurap siya ay magbabago ng tuluyan ang mukhang kaniyang nakikita? Maging ang kaniyang paghinga ay sandali rin niyang napigilan. Hindi makapaniwala sa nakikita ng kaniyang mga mata. Sa huli, hindi rin niya napigilan ang sarili na mapakurap. Pero sa ginawa niyang pagkurap ay hindi naman nagbago ang kaniyang nakikita. Ganoon pa rin ang hitsura ng lalaking palapit ngayon sa kaniya. Katulad niya, hindi rin ito makapaniwala na makita siya. Nang makabawi sa pagkabigla ay saka lang niya nagawang umatras ng kaunti palayo kay Gavin na tuluyan ng nakalapit sa kaniya. Kaya pala pamilyar ang boses na iyon. Na kahit lumipas ang limang taon, napakabilis pa rin niya