TULALA lang si Ferlyn nang makauwi siya sa bahay niya. Hindi pa rin makapaniwala sa nakita. Pinigil din niyang umiyak dahil pilit pa rin niyang pinaniniwala ang sarili na may side story ang nakita niya. Iyon ang gusto niyang paniwalaan at itatak sa isipan niya. Bago umuwi si Gavin ay dumiretso pa ito sa Day Care Center dahil kasama na nito ang tatlo nilang anak nang umuwi sa bahay. Ni hindi niya ito magawang tingnan sa mga mata. Kahit nang hagkan siya nito sa labi ay naiiwas pa niya ang mukha kaya sa pisngi niya tumama ang labi nito. “Maghahanda lang ako ng para sa tanghalian,” aniya na hinayaan na si Gavin sa pag-aasikaso sa mga anak nila. Nasundan siya ni Gavin ng tingin. May pagtataka sa inakto niya. Habang naggagayat ng sibuyas ay dumulas pa iyon sa kamay niya kaya ang nahagip ng

