WALANG nais pumutol sa halik na pinagsasaluhan nila ng mga sandaling iyon. Ramdam na ramdam din ni Ferlyn ang pananabik sa kaniya ni Gavin. His sweet kisses tell it all. Magkahinang pa rin ang kanilang mga labi nang buhatin siya ni Gavin at dalhin sa silid nila. Ni-lock din nito ang pinto gamit lamang ang pagkapa ng kamay. Pagkuwan ay maingat siya nitong ibinaba sa may kama. Pero sa halip na mahiga si Ferlyn ay tumayo pa siya habang ang mga kamay ay ipinulupot niyang muli sa may batok ni Gavin. Lalong nag-iinit ang katawan ni Ferlyn sa bawat haplos ni Gavin sa kaniyang katawan. Mayamaya pa ay tinulungan pa niya si Gavin sa pag-aalis ng butones ng suot nitong long sleeve polo. Pagkuwan ay agad din iyong hinubad ni Gavin. “Just a second,” wika pa nito nang hiwalayan ang kaniyang labi. Ba

