NASA isip pa rin ni Ferlyn kung seryoso ba si Gavin sa sinabi nito kanina na doon ito sa kaniyang apartment matutulog. Habang naghuhugas ng ilang hugasin sa lababo ay sandali na naman siyang natulala nang maisip ang mainit na tagpo sa kusina ring iyon. Wala ba talagang pinipiling lugar si Gavin? O dahil sila lang naman ang tao sa apartment niya kaya wala iyong kaso rito? Napalunok siya nang maramdaman ang pag-react ng kaniyang katawan sa itinatakbo ng kaniyang isipan. Nagiging makamunduhan na siya. Siguradong minus ten na naman siya sa langit. Nang maramdaman ang pagyakap ni Gavin sa kaniyang katawan, mula sa kaniyang likuran ay napakislot pa siya. “N-naghuhugas ako,” aniya na halos mapigil ang paghinga. Tapos na rin silang kumain at kapwa busog na. “Nagtataka nga ako, kakaunti lang n