“ALAM ko naman na hindi ka maniniwala,” patuloy ni Gavin. “Nasa iyo na kung maniniwala ka ba sa akin o hindi?” Nagbawi ng tingin si Ferlyn. “Hindi ba parang ang bilis masyado, Gavin?” “Tingin ko, mas mabilis ‘yong may nangyayari agad sa atin,” anito na dahilan para mag-init na naman ang pisngi ni Ferlyn. May punto ito. Medyo nakagat niya ang kaniyang ibabang-labi. Twenty-eight na siya pero heto at daig pa niya ang kamatis na bago pa lamang mahihinog. Sandaling ipinikit ni Ferlyn ang kaniyang mga mata at muli ring iminulat. Huminga pa siya nang malalim bago nagawang balingan si Gavin. “Kaya mo bang panindigan ‘yang salitang ‘yan?” “Alin? ‘Yong in a relationship tayo?” Tumango siya. “Sorry. Pero tingin ko sa iyo, Gavin, hindi mo kayang seryosohin ‘yong word na relationship.” “Don’t ju