“AALIS ka ba o hindi?” natatawang untag ni Ferlyn kay Gavin. Heto nga at nakayakap pa sa kaniya habang nakaupo sila sa may salas. Bumuntong-hininga si Gavin. “Five minutes,” hirit pa nito. Napatingin tuloy si Ferlyn kay Sandro na siyang sumundo kay Gavin sa isla sakay ng pinabiling private helicopter ni Gavin dito. Tumango si Sandro sa kaniya bilang pagbibigay sa gusto ng boss nito. Lumabas din muna ito ng bahay at naghintay na lamang sa may balkonahe. Ang mga anak naman nila ni Gavin ay mga nasa school na. Mamayang alas nuwebe naman niya susunduin ang tatlo nilang anak. Kaunting oras lang naman ang inilalagi ng mga ito sa Day Care Center. Yumakap si Ferlyn nang mahigpit kay Gavin. Taimtim niyang panalangin na maging safe ang pagbiyahe nina Gavin papuntang Maynila. Makalipas ang ilan

