NAPAIKTAD pa si Ferlyn nang marinig niya ang pagtunog ng ring tone ng kaniyang cell phone na di-keypad. Agad sumilay ang malawak na ngiti sa labi niya nang kunin ang kaniyang cell phone. Ngunit nabura iyon ng ibang pangalan ang makita niya sa screen na siyang tumatawag ng mga sandaling iyon. Ang suki nila sa inihaw ang tumawag. “Okay po, idi-deliver na rin po ngayon. Salamat po,” aniya bago ibinaba ang cell phone. Binalingan niya si Mang Marcel. “I-deliver na po ninyo ‘yong mga inihaw.” “Sige, ‘Neng,” ani Mang Marcel na pinuntahan na sa kusina ang mga inihaw para i-deliver. Napabuntong-hininga siya. Naiiling naman si Inang Linda nang lapitan siya. “Mamaya, tatawag din ulit ang asawa mo,” wika pa nito sa kaniya. Asawa… kahit na hindi pa sila kasal ni Gavin ay iyon na ang tingin ng lah

