INILIBOT agad ni Gavin ang kaniyang tingin sa beach front ng Ihaw-Ihaw sa Dalampasigan nang makarating sila roon. Umaasam na naroon ang mga bata na nakausap niya kahapon. Pero wala siyang makita. “Mag-da-dine-in po ba kayo?” magiliw pang tanong ng isang babae na sumalubong sa kanilang pagpasok sa ihawan. “Yes,” agad na sagot ni Gavin sa babae. “Pili na lang po kayo ng puwesto ninyo.” “I like it here,” ani Danna na siyang pumili ng lamesa nila na tanaw ang magandang view ng dagat. “Dito na lang tayo,” segunda naman ng kaniyang ina. Naupo na ang mga ito. Apatan ang upuan ng naturang lamesa. Magkatabi ang kaniyang ama’t ina. No choice na naupo naman siya sa karatig na upuan ni Danna. “May fresh buko juice po kami kung gusto rin po ninyo,” anang babae na siyang kumukuha ng kanilang orde