NAKAHINGA nang maluwag ang ina ni Gavin nang makita siya nitong dumating sa beach mansion ng umagang iyon. “Okay ka lang ba, hijo? Ang lakas ng ulan kagabi,” may pag-aalalang salubong sa kaniya ni Mommy Helen. Hinawakan pa nito ang magkabila niyang braso at sinuri siya. Mas okay pa sa okay ang kaniyang pakiramdam ng mga sandaling iyon. “Mommy, I’m fine.” “Ang mommy mo, kulang na lang ay pasugurin sa malakas na ulan ang mga bangkero para puntahan ka sa pinuntahan mong isla,” sumbong pa sa kaniya ng kaniyang Daddy Gabriel. “Mamamatay ako sa pag-aalala sa iyo, anak. Ang sabi pa ng mga kawaksi rito, maliit lang ‘yong isla na pinuntahan mo. Paano kung may malaking alon na tumama roon? Paano ka? Gabi pa naman.” “Mommy, relax. Kita mo naman na buong-buo akong umuwi ngayon dito. Okay lang ‘yo