“BA-BYE po, lolo, lola!” paalam ng mga bata sa lolo at lola ng mga ito na pauwi na sa mansiyon. Bukas sila nakatakdang lumipat muna pansamantala sa beach mansion para makasama sila ng mga magulang ni Gavin. Excited na rin ang mga bata na pumunta roon at makasama ang lolo’t lola ng mga ito. Hihintayin lang nila ni Gavin na makauwi galing sa school ang mga bata bago sila pumunta roon. “Bye mga apo ko. See you tomorrow,” nag-flying kiss pa si Mommy Helen. Nakasakay na ito sa sasakyan. Nakababa lang ang bintana. Ngiting-ngiti rin na kumaway si Daddy Gabriel sa mga apo nito at nagpaalam. Nang tuluyang makaalis ang sasakyan ay pinapasok na rin nila sa loob ng bahay ang mga bata at baka mahamugan pa. “Mag-to-toothbrush na po kami,” ani Charlotte sa kaniya. “Sige, baby. Ihahanda ko na rin ‘