“SALAMAT, Inang Mila. Ingat po sa pag-uwi,” ani Ferlyn na inihatid pa ito sa labas ng bahay niya. Tinulungan siya nito sa pag-aasikaso kanina para sa paghahanda ng hapunan dahil may importante siyang bisita na parating. “Naku, Ferlyn, maliit na bagay. Salamat sa pabalot,” nangingiti pa nitong itinaas ang take out nitong pagkain. “Salamat din po.” Ipinasya na rin ni Ferlyn na bumalik sa loob ng bahay niya nang makaalis na si Inang Mila. Ang mga magulang ni Gavin ay hindi halos umalis sa tabi ng mga apo nito sa may salas. Katulad ni Gavin, hindi rin makapaniwala ang mommy nito na ang mga batang nakita nito sa tabing dagat ay anak talaga ni Gavin. “Blessing in disguise ang pag-aalok ni Mareng Dina na dito kami sa isla magbakasyon kahit ilang araw lang,” pagkukuwento pa ni Mommy Helen ka