“HMMM,” nasasarapang react ng mommy ni Gavin. “Ikaw ang nagluto nito, hija?” baling sa kaniya ni Mommy Helen habang kumakain ng sinigang na hipon. May ngiti sa labing tumango si Ferlyn. “Opo.” “Hindi ako magugutom sa aasawahin ko, mommy. She’s the best cook in town,” pagbibida pa ni Gavin sa kaniya sa ina nito. Nag-thumbs up si Mommy Helen. “I agree, hijo,” sang-ayon naman nito sa sinabi ni Gavin. “You really got my taste buds, hija.” Napangiting lalo si Ferlyn. “Salamat po, Tita.” “Oh, no, no, no. Don’t call me, Tita. Ang dami na ninyong anak ni Gavin para tawagin mo pa akong tita. Call me, mommy. Okay? Masanay ka na rin.” “Ang tagal yatang hinintay ng mommy ni Gavin na may tumawag sa kaniyang mommy,” anang ama ni Gavin na si Gabriel Roussel. Kahit may edad na ay bakas pa rin ang pa