Kabanata 7

1815 Words
Si Ginoong Bilal ang nag-ayos ng hapag-kainan dahil hindi pa makalakad ng maayos ang kaniyang asawang si Rowena. Awang-awa nga ito nang makita niya kaninang umuwi siya dahil hindi makakilos ng maayos. Isa-isa niyang isinalin sa mga bowl ang mga dumating na tatlong putaheng ulam. Adobong manok, paksiw na bangus at sisig na paborito ni Maverick. Ang ina ni Maverick at si Aling Mina ay magkakilala. Kapag nagigipit kasi si Aling Mina ang mag-asawang Jha ang tinatakbuhan nito at hindi sila kagaya ng iba na nagbibigay ng malaking interes dahil gusto nilang makatulong kesa ibaon pa lalo sa problema ang mga taong lumalapit sa kanila. Kaya naman nang tawagan nila kanina si Mina upang magtanong ng lutong ulam nito ay hindi ito tumanggi na ipa-deliver ang ang mga iyon. Tatlong daan at limampung piso nga lamang sana ang halaga ngunit dahil ipapa-deliver ay pinasobrahan ni Ginang Rowena upang ibigay sa uutusan nito. Masarap magluto ni Mina ngunit ang mga ulam na kanilang na-order ay si Lilith ang nagluto nang araw na iyon lalo na ang sisig na itinurong timpla sa kanya ng namayapa niyang Tiyahin. Kampante naman si Aling Mina sa mga pagkaing iyon at alam niyang hindi mapapahiya ang kanyang kainan. Galing sa kanyang silid si Maverick at pababa na ng hagdanan nang makita niya ang kanyang ina at bunsong kapatid. Inaalalayan ni Janina ang kanilang ina papunta sa kusina nang mapansin ni Maverick na halos kaladkarin na ng kanyang nakababatang kapatid ang kanilang ina kaya sinita niya ito. "Dahan-dahan naman Janina baka madapa kayong dalawa sa ginagawa mo." Wika niya. Nagulat ang anim na taong bata sa malakas na boses ng kanyang kuya kaya napahinto siya sa paglalakad at inayos ang pag-akay sa kanilang ina. Nauuna kasi ang kanyang kapatid at mabilis ang lakad, ang ina naman nila'y nakahawak sa balikat ng batang babae at dahan-dahan ang hakbang dahil kumikirot pa ang nasaktan niyang paa. Binilisan na ni Maverick bumaba ng hagdan upang lapitan sila at siya na ang pumalit kay Janina sa pag-alalay sa Ginang. Nakarating sila sa kusina. Pinaghila niya ng upuan ang ina at pinaupo muna bago iniwan. Nakita niyang wala pang mga baso at tubig kaya nanguha muna siya habang abala ang kanyang ama sa pagsasandok ng kanin. Inabutan niya sila ng pares na kutsara't tinidor dahil siya ang nasa malapit sa lalagyan. "Ang bango ng mga ulam, mukhang masarap." Komento ni Rowena nang malanghap ang halimuyak ng mainit-init pang mga ulam sa harapan niya. Naagaw ng pansin niya ang sisig na hindi puro taba. Sumandok siya't tinikman muna iyon at napangiti nang malasahan. "Ang sarap nito anak? Mas masarap pa sa gawa ko." Natatawang puro ni Rowena sa sisig. "Hindi nga? Masarap kaya mga luto mo, ibig mo bang sabihin may sasarap pa ang mga iyon?" Tanong ng asawa niya at hindi naniniwala sa sinasabi nito. "Tikman mo muna kasi. Masarap talaga." Alok niya sa kanyang asawa at inabot ang bowl sa kanya. Sumandok lang kaunti si Bilal dahil hindi naman siya mahilig sa karne at nang matikman ay halos mapa-wow siya dahil timplado talaga at pantay ang lahat ng lasa. Hindi maalat, di nakakalula, pati na rin ang anghang nito ay sakto lang talaga. Napasang-ayon siya ng kanyang misis bigla. Sunod nilang tinikman ang ibang ulam na naroon at panay ang thumbs up nito sa kanyang misis. Pinagsaluhan nila ang masarap na ulam na naroon at si Maverick lang halos ang nakaubos ng sisig. Bigla siyang nagutom at naparami ang kain at dahil nabusog ay kailangan niyang magising bukas ng maaga upang mag-jogging. Inaalagaan niya kasi ang katawan. Nasa lahi nila ang may altapresyon at diabetes kaya pinag-iingat siya ng kanyang mga magulang. Sa sisig lang talaga siya hindi makatanggi na madalas naman na laman ang iniluluto ng kanyang ina at maskara ng baboy. Napabilib din siya ng nagluto ng sisig. Said nila mag-anak ang ulam. Pati ang adobo ay hindi masabaw at noot sa karne ng manok. Solve na solve ang hapunan. Si Maverick na ang naghugas ng mga pinggan at nagpunta naman sa sala ang kapatid niya ang mga magulang. Nanood sila ng palabas sa telebisyon ngunit dinig ni Maverick mula sa kusina ang paksa ng usapan ng kanyang mga magulang habang nanonood. Walang iba kundi ang babaeng tumulong sa kanya sa palengke nang matapilok siya. Akala niya naikwento na nito kaninang mananghalian sila ang lahat, marami pa palang alam ang Mama niya tungkol sa babae. Nasa telebisyon ang mga mata ng asawa niya ngunit ang dalawang tainga ay nasa kanyang misis at napalingon kapag may naririnig na interesante. ***** Maverick's Point of View Nadinig ko mula kay Mama na ulila na raw ang babaeng tumulong sa kanya. Dalawa ang pinapasukang trabaho nito at mag-isa lang siya rito sa Olongapo dahil malayo ang mga kamag-anak sa probinsya na hindi naman daw siya itinuturing na kadugo nila. Nakakaawa. Mas matanda pala ng dalawang taon sa akin ngunit di na lumaki dahil halos five feet lang, walang labis walang kulang. Mukhang madali ngang bitbitin at ilagay sa sako. Mabuti na lang hindi ko ginawa nung napagkamalan ko siyang magnanakaw dahil bukod sa nakakahiya e tiyak na makokonsensya ako ng sobra dahil tinulungan niya si Mama tapos ako naman ganoon pa ang isinukli ko. Unang beses niya palang daw ni Mama nakita ang babae. Sabagay, hindi naman pala labas ng bahay si Mama at madalas ay busy sa mga gawain dito sa bahay namin dahil ayaw niyang manguha ng katulong kahit kaya naman namin bayaran. Gusto niya raw kasi na siya ang magsilbi sa amin ng mga anak niya at kay Papa. Sa ganoong paraan daw kasi ay sumasaya siya. Bawal nga lang siyang magtrabaho ng sobra dahil malalagot siya kay Papa. Naoperahan na kasi siya sa likod, sa spines at bawal ang mabibigat na gawain. Kaya nahinto rin siya sa pagtatrabaho at sa bahay na lang siya't nag-aasikaso ng mga paupahan namin sa tabi. Minsan may pinapapunta siyang maglilinis kapag trip niyang magpa-general cleaning twice a month minsan naman thrice a month. Hindi naman kasing ganda ng buhay namin ngayon ang buhay ng mga magulang ko noong nag-uumpisa pa lamang silang bumuo ng pamilya. Nang ikasal sila ay walang kamag-anak ni Papa ang dumalo na galing sa India. Purong Indiano ang Papa ko at si Mama nama'y isang Pinay. Magkaklase sila sa kolehiyo noon. Pareho ang kurso nilang Civil Engineering at dahil laging nagkikita at ay nagkagustuhan. Gwapo naman kasi ang Tatay ko pero iwas siya sa mga kaklase niyang mga babae dahil bawal siyang makipagrelasyon noon. Balak kasi ng mga magulang niya na ipakasal siya sa babaeng napili nila kaya naman bawal siyang ma-inlove. Alam naman natin kung gaano kapilyo si Kupido. Isa pa'y mabait, maalalahain, malambing, maganda at napakatalino ng Mama niya noong nag-aaral sila. Madalas silang magkagrupo at dahil malayo sa sariling bansa, naghanap din ng mga kaibigan si Papa na pwede niyang malapitan at makausap kapag may problema siya. Nagkataon namang si Mama ang laging nandiyan para sa kanya. Hanggang sa nahulog na ang loob ng Lolo mo. Nilihim nila ang relasyon nila sa lahat ngunit nakarating din sa mga magulang ni Papa na may kinalolokohan siyang babae at siniraan pa si Mama. Dito pinadala mag-aral si Papa ng mga magulang niya dahil maganda raw ang kalidad ng edukasyon rito ngunit nang malaman nilang may karelasyon si Papa na isang Pinay ay labis silang nagalit. Muntik na siyang pauwiin sa kanila pero dahil graduating na siya noon ay pinaglaban ni Papa na hindi siya uuwi. Sinubukan silang paghiwalayin. Naghiwalay sila pero nagkabalikan rin at mas doble na ang ginawa nilang pag-iingat upang walang makaalam na sila pa rin. Sabay silang nanguha ng board exam. Nakapasa si Mama at si Papa nama'y hindi kaya galit na galit ang mga magulang niya lalo na nang malaman na sila na ulit ni Mama at si Mama ang sinisi nilang may gawa na siya ang malas sa buhay ni Papa. Pinilit siyang umuwi sa India ngunit hindi niya sinunod. Alam niya na kasi ang mangyayari. Ipapakasal siya sa babaeng si niya kilala at di naman niya mahal. Kaya ang ginawa ng mga magulang ko e nagpakasal sila. Galit na galit ang lolo't lola ko at itinakwil nila si Papa. Imbes malungkot na itinakwil siya, mas natuwa pa siya. Naging malaya na kasi siya sa kanila. Nag-apply si Papa na maging Filipino citizen, muli siyang sumubok mag-take ng board habang nagtatrabaho bilang manaager ng sa isang malaking hardware store. Si Mama nama'y nakakuha agad ng magandang trabaho dahil nakapasa siya. Nagsama na sila. Nangupahan ng bahay. Tanggap naman si Papa ng pamilya ni Mama. Gwapo e, mabait pa. Nakapasa si Papa sa tulong ni Mama, siya ang nagreview sa kanya at pinagtulungan nila talaga at kasabay ng result ng boarding exam, nalaman ni Mama na buntis siya at ako iyon. Ako raw ang swerte nila dahil noong dumating ako ay sunod-sunod ang swerteng dumating. Nang malaman ng mga magulang ni Papa sa India na may apo na silang lalaki sa nag-iisa nilang ay nag-umpisa na rin nilang kausapin ulit si Papa. Lagi nila akong kinukumusta pero hindi pa rin nila magawang kausapin si Mama na para bang wala siya lagi sa paligid at hindi nila nakikita kapag nag-uusap sa video call. Hinayaan na lang ng mga magulang ko, naniwala silang magbabago rin ang tingin nila kay Mama ngunit kahit ilang taon na ang lumipas ay wala pa ring pagbabago sa pakikitungo nila sa kanya. Hindi na rin umasa si Mama, napagod na rin siyang maghintay at kami na lang ang binigyan niya ng atensyon. Ramdam kong umaasa pa rin siya na magbabago sila kahit hindi niya sabihin. Isang klase kasi si Mama ng tao na napakabait, palakaibigan at kahit nasasaktan na siya'y pinipili niya pang intindihin sila kesa magalit siya sa kanila kaya kung mag-aasawa man ako, gusto ko kagaya niya kahit hindi parehong-pareho. Gusto ko palaban. Si Mama kasi medyo mahina ang loob. Hindi naman amazona, iyon lang na kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya kapag inaapi siya at hindi lang tatahimik sa isang tabi. Tuwing titignan ko ang mga magulang ko na nagtatawanan at naghaharutan. Napapangiti na lang ako. Gusto ko rin magkaroon ng pamilya na gaya ng meron ako ngayon. Gusto ko maraming anak. Tagal ko kasing mag-isa at walang kalaro kaya alam ko ang pakiramdam na walang kapatid pero si Lord na ang bahala, siya ang masusunod at kung ano rin ang gusto ng mapapangasawa ko. Wala pa kasi akong nahahanap, pero bata pa naman ako sa edad na bente siyete kaya enjoy muna ang single life. Darating din tayo d'yan. Sa tamang panahon at tamang tao. Natapos na akong naghugas iisang tao pa rin ang pinag-uusapan nila ngunit ang huli kong narinig kay Mama bago sila tumahimik at tinuon ang atensyon sa pinapanood nila'y gusto niya raw ulit makita ang babaeng tumulong sa kanya dahil gusto niya raw makapagpasalamat man lang nang maayos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD