Gaya ng dati, maagang gumising si Lilith upang maghanda sa pagpasok niya sa kanyang regular na trabaho. Naghanda siya ng almusal. Nagsaing at ininit na lamang ang ulam na kanyang kakainin para sa agahan at ang babaunin para may pananghalian.
Dalangin niyang sana ibigay na ang sahod nila upang makabayad na siya ng renta at hindi na siya kulitin pa ng landlady nila. Natutulilig na kasi ang tainga niya sa paulit-ulit nitong pangungulit. Wala namang balak si Lilith na takbuhan siya o layasan na lang, hindi siya pinalaki ng kanyang Tiyahin nang ganoon at kahit hirap ay pinagsisikapan niya talaga na makabayad ng kanilang mga utang noon.
Dumating siya sa pinagtatrabahuhang pabrika sampung minuto bago ang oras ng simula ng kanilang trabaho. Nagcocommute lang siya kapag papasok dahil nahihiya siyang dalhin ang scooter niya sa trabaho. Lumang-luma na kasi ang maingay baka harangin lang siya ng pulis sa daan dahil may nanghuhuli ng maingay na sasakyan doon.
Binati siya ng ibang mga kasamahan sa trabaho roon. Nilapitan siya ni Marites nang makita siya nito at agad sabi na sana raw magsahod na sila dahil kailangan ng Papa niya nang pagbili ng gamot nito dahil may altapresyon ang kanyang ama.
"Hay sana nga. Ako nga dalawang buwan na rin di makabayad ng renta." Segunda ni Lilith at sabay na silang naglakad papasok sa locker room kung saan iniiwan ang kanilang mga gamit.
"Kaya nga, nakakainis ang landlady mo panaman. Mantakin mong pati si Mama tinatanong niya araw-araw kung nagsweldo na raw ba ako dahil parang nagsisinungaling ka lang daw sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa matandang balyenang iyon. Akala mo naman napakaganda ng mga pinaparentahang mga kuwarto at napaka-peaceful ano. Hay naku! Ginagalit talaga ako ng lumba-lumbang iyon." Litanya ni Marites na halata sa mukha ang inis.
Natawa na lang si Lilith sa mga sinabi nito. Totoo naman kasi akala mo talaga lalayasan siya.
"Hayaan mo na, ang aga para mainis ka. Lunes pa naman din. Ang hirap malunesan ng init ng ulo. Gusto mo bang isang linggo kang ganyan?" Awat ni Lilith sa kanya at bigla naman itong natauhan.
"Kalma na me!" Mabilis nitong sabi at ilang beses huminga nang malalalim upang pakalmahin nang tuluyan ang sarili.
"Ayan, very good." Puri naman ni Lilith sa kanya at tinawanan ito.
Matapos nilang iwan ang kani-kanilang mga gamit ay nagsuot na sila ng apron, mask at rubber gloves. May kanya-kanyang rin silang bota roon kaya kapag pumapasok sila ay kadalasan suot nila ay tsinelas lang ngunit nakamedyas para madali na nila masuot ang bota at di na matagalan sa pag-aayos ng sarili.
Pabrika iyon ng sabon. Kalingan nilang mag-mask dahil may mga pulbong humahalo sa hangin na pwedeng makaapekto sa mga baga nila. Malinis ang pabrikang iyon sa malinis, alaga ang mga empleyado ngunit ngayon ay madalas na ma-delay ang sahod dahil sa dami ng kakompetensiya nila at unti-unting isinusugal ng may-ari ng pabrika sa mga casino ang kanyang pera.
Alam ng lahat na pasara na ang pabrikang iyon. Marami na ang nagbabalak magresign pagkatapos ng kanilang mga kontrata. Maging si Marites at Lilith ay balak na ring maghanap ng ibang mapagtatrabahuhan. Maaring doon pa rin sa siyudad na iyon o sa ibang lugar na basta may makita silang magandang oportunidad.
Nag-umpisa na ang trabaho nila kaya. Bawal mag-ingay dahil masungit ang supervisor. Kahit makipag-usap ay bawal sa kanya.
Mag-uumpisa na rin ang umaga ni Maverick. Bumangon siya ng maaga kahit alas otso pa ang punta niya sa opisina. Magjojogging kasi siya at may isa pa siyang plano. Gusto niyang hanapin kung saan nakatira ang maliit na babae.
Gusto niyang hanapin upang sorpresahin ang kanyang mahal na ina. Ang sabi kasi nito ay isang street lang ang layo ng tititirhan nito sa kanila. Naisip niyang magjogging sa paikot sa lugar nila. Baka sakaling masumpungan niya ang babae ngunit dahil nasa trabaho na si Lilith ay hindi niya ito nakita at dahil na rin sa ibang street siya nagpunta.
Umuwi siya ng bahay ng tagaktak ang pawis at medyo dismayado ngunit unang subok palang naman kaya ayos lang. Dumating siyang handa na ang almusal. Ang Papa niya ang nagluto. Medyo maayos na ang paa ng kanyang Mama ngunit ayaw pa rin siyang pakilusin ng asawa dahil baka ma-pressure raw masyado ang paa niya. Hayaan niya munang tuluyang gumaling.
Wala naman na siyang angal dahil nasesermunan lang siya ng mister kung pumalag siya. Mabait iyon pero iba kung magalit lalo na sa taong ayaw makinig.
Si Maverick na ang gumising sa kanyang nakababatang kapatid. Sarap pa ng tulog nang pasukin niya sa kuwarto nito. Humihilik pa at tulo ang laway.
"Gising na Nina!" Malakas na sigaw niya. Kinalabit at niyugyog niya ang braso nito upang bumangon. Nakailang ulit muna siya bago nito idinilat ang mga mata. Pagmulat nito ay naupo siya. Pinikit niya muli ang mga mata dahil nasilaw siya sa liwanag.
"Maligo ka na. Baka maiwan ka nanaman ng school bus niyo dali." Utos niya rito at agad namang sinunod ng kanyang kapatid. Nang makasigurong nasa loob na ito ng banyo ay saka lang siya umalis. Naligo na rin siya sa sarili niyang banyo at matapos ay nagbihis na saka bumaba upang mag-agahan.
Naroon na ang kapatid niya. Nakaligo na at nakasuot na ng uniporme. Umpisa nanaman ang Mama niya. Paksa nanaman niya ang babaeng maliit na tumulong sa kanya. Napanaginipan niya raw kasi ito. Umiiyak mag-isa at kaawa-awa.
Halata sa mga mata ng Ginang ang awa nito sa babae at iba ang pakiramdam niya raw na para bang may bumubulong sa kanya tulungan ito.
Alam ni Maverick na sariling thoughts lang ng Mama niya iyon. Kakaisip niya sa babaeng iyon ay napapanaginipan na niya tuloy. Madali nitong nakuha ang loob ni Rowena dahil parang nakikita niya raw sa dalaga ang sarili niya noong mag-isa siya sa siyudad nang nag-aaral pa bago sila nagkakilala ni Bilal.
Buo na ang pasya ni Maverick, hahanapin niya ito para matuwa ang kanyang Mama. Gusto niya rin humingi ng paumanhin sa babae dahil sa inasal niya nang una silang magkita. Nahihiya nga siya sa kanyang ginawa.
Matapos mag-agahan ay nauna na siyang umalis para tignan ang trinabaho nila kahapon. Kahit Linggo ay pinapasok niya sila at sinabihan na kahit sa hapon na sila pumasok para makapagpahinga sila nang maayos. Hindi na nga niya sana sila papapasukin ngunit dahil may kailangan pang gawin doon ay sinabi niyang hapon na lang.
Humalik na siya sa ina at kapatid bago umalis at fist bump naman sa kanyang Papa. Sumakay na siya ng sarili niyang sasakyan pagbukas niya ng gate. Awtomatikong bumubukas naman iyon sa pamamagitan ng button.
Nagdesisyon siyang sa ibang kalsada dumaan. Hindi sa usual niyang ruta. Umikot siya sa ibang mga kalsada bago dumiretso sa site dahil nagbakasakali lang siya na baka makita niya si Lilith sa daan na naglalakad papasok sa trabaho nito ngunit wala siyang nakitang punggok na babaeng nalalakad sa daan. Naisip niyang ganoon ulit ang gawin mamaya bago siya umuwi sa kanila baka makita na niya.