Mag-iisang linggo na halos mula nang magsimula si Maverick sa pag-iikot sa kanilang lugar upang hanapin si Lilith. Ginagawa niya tuwing umaga bago pumunta sa kanyang opisina at bago umuwi kapag galing siya sa construction site tuwing hapon. Araw ng Biyernes na iyon nang maisipan niyang mag-jogging naman. Gabi iyon at bandang alas otso na ng gabi. Naisipan niya lang na gabi mag-ikot dahil hindi niya matyempuhan ang dalaga at hindi rin pwedeng makadaan sa ibang mga kalsada ang kotse niya dahil may mga lugar sa kanila na trisikel lang ang kasya sa daan. Naka-sweatpants siya't jacket. Suot ang ang itim na running shoes at sinaksakan niya wireless earphones ang magkabila niyang tainga. Mula sa kanyang silid ay patakbong bumama ito ng kanilang hagdanan at nagpaalam sa kanyang mga magulang na