“I know,” anas ni Romanov pagkatapos kong sabihin iyon. “H-Ha? A-Alam mo? Papa’no?” “I just know. Basta alam ko lang at wala na rin akong nakikita pang dahilan para ipaliwanag sa iyo. Maghihiwalay din naman tayo, Rune.” Natahimik ako. May punto siya. Kahit malaman ko man o hindi kung bakit, wala na iyong halaga sa amin, sa akin dahil dito na magtatapos ang lahat. Sa natirang oras ng byahe ay pareho kaming hindi nagsasalita. Magkahawak-kamay lang kami, ito naka-concentrate sa pagmamaneho habang ako ay nakatitig lang sa labas. Pipinilit kong huwag mag-isip sa ngayon. Gusto ko sanang magpababa sa palengke pero hinayaan ko siya na ihatid ako sa tapat ng bahay gaya ng gusto nito. Nang inihinto nito ang kotse ay binitawan ko na ang kamay niya. “Thank you, Rom. Bababa na ako.” Binuksan