“Edmund Sierra?” ulit ko sa sinabi nito na parang hindi ko narinig nang malinaw kanina. “Edmund Sierra ang pangalan ng tunay na ama ni Theo?” Tumango si Claire at kinuha ang cellphone nito. Ipinakita niya sa akin ang mga Google search na ginawa nito sa lalake. Karamihan sa lumabas ay kasama ni Edmund sina Clarisse at Romanov. “Nagpunta ako sa kompanya nila para hingin ang number niya. Bago pa iyon ay alam ko na ang pangalan niya. I got hold of a yearbook of their batch. Nakita ko siya doon. Hindi siya masyadong kamukha ni Theo kasi halos nakuha ni Theo ang buong mukha ko pero iyong mata at hugis ng mukha niya ay kay Edmund. Nakita ko na rin siya sa wakas, Rune. After years and years of waiting and searching, nakita ko na rin ang ama ng anak ko. Hindi ko alam kung tatanggapin ba niya si Th