Umuwi na ako sa bahay pagkatapos. Nag-text ako kay Claire at nagdahilan dito na may importante akong pupuntahan. Sumagot naman ito na naiintindihan niya ako. Mas mabuti na rin daw iyon dahil napansin niya ang tensiyon sa pagitan namin ni Edmund kanina. Hindi na rin ito nagtanong pa sa paghabol ni Edmund sa akin. Pagdating ko sa bahay ay bukas ang pinto kaya nagtaka ako. Ang alam ko ay may pasok sa opisina ang dalawa. Pero siguro ay maysakit ang isa sa kanila kaya umabsent. Sa naisip ay nagmadali ako sa pagpasok. Sa sofa ay nakaupo si Kendrick at may tinititigan sa cellphone. “Ken, wala kang pasok? Akala ko ba ay may pinapadaling report sa iyo ang superior mo. Bakit ka nandito? Masama ba ang pakiramdam mo?” Umupo ako sa kaharap na sofa at nag-aalalang tiningnan ang kapatid na hindi tum