“Bakit nagbago ang isip mo, Rune? Akala ko ba ay hindi mo tatanggapin kahit kailan ang tulong ko o ng pamilya ko?” Nagtaas ako ng ulo sa ina ng aking ina na nakataas ang kilay na nakatitig sa akin. Nakasuot ito ng mamahaling damit at mga gintong alahas sa katawan na para bang ipinapamukha sa kaniya ang katayuan niya sa buhay. Pag-alis mula sa bahay ay kaagad kong tinawagan ang lola kahit hindi niya ako kailanman ginustong tawagin ito sa paraang iyon at lalong-lalo naman na ayaw ko siyang tawagin ng ganoon dahil sa pag-aabandona niya sa ina ko dahil lang sa hindi niya matanggap ang ama namin. “Ang sabi mo ay tutulungan mo kami. Iyon ang narinig ko mula sa iyo noong malaman namin ang kalagayan ni papa. Bakit, nagbago na ba iyon, lola?” sarkastiko kong tanong dito at inilibot ang tingin sa