ROSETTA FLORES SA nakikita kong reaks'yon ni Boss Darion, parang hindi n'ya kilala ang kapatid n'ya. Nahahalata na namin na asar na asar s'ya kay Boss Krujer at doon na s'ya nagpaalam na umalis na lang para magpahangin sa labas. 'Yan ang pinaalam n'ya sa 'min sa nakasimangot na mukha. Ipinasa ko na kay Rocky ang ginagawa ko sa lababo at kinuha ko na ang anak ko dahil hinahanap na ni Roscoe ang presens'ya ko. "Sigurado po ba kayo na hindi kayo aalis bukas? mukhang importante kasi ang pinapagawa sa inyo ni Boss Darion." Kaharap ko si Krujer habang naka-upo lang kami sa kan'ya-kan'yang bangko. Naka-tulog na ulit ang anak ko sa bisig ko. "Of course. Hindi naman kasi misyon ang pinunta rito ni Darion." Nangunot ang noo ko. "Kung gano'n, ano naman pala?" Tumaas ang kan'yang mga kilay.