ROSETTA FLORES
TUMIGAS ang kanilang mga ubo nang masaksihan ang ginawa ko. “Ako naman si Elias, Rosetta.” Iyan ang pormal na pakilala ng kapitan pero tinitigan ko na lang s’ya at bahagyang niyukuan.
“Pasens’ya na kayo… mukhang… masama ang gising ng dalaga ko…” Natawa ng hilaw si tatay at naramdaman kong siniko ako ni nanay para sawayin ang asal ko.
“Bago ang lahat, ibabahagi ko muna sa inyo ang aking regalo para sa minamahal ninyong anak na si Rosetta…” May tinawag si Matias sa ibaba ng bahay hanggang sa lumitaw ang limang kalalakihan na isa-isang nagsihakbang sa hagdan at pumasok dito sa loob dala ang mga naka-kahon na mga regalong tinutukoy n’ya. Naka-ribbon at magaganda ang ginamit na mga pambalot. Pinaglalapag ng kanilang mga tauhan sa malapad na mesa rito sa sala. Pagkatapos, bumaba na agad sa sila.
“Nagabala pa talaga kayo pero taos puso akong nagpapasalamat…” wika ni Tatay.
“Manang Esmeralda… paki hatid nga ito sa kuwarto ko at… napuno na kasi ang lamesa…” Dali-daling humakbang si Manang palapit sa mesa. Pinagpatong-patong n’ya ang mga kahon at hinakot sa itaas. Nakakaapat s’ya na balik. Doon naman kami umupo sa mahabang upuan at kaharap pa rin namin ang mag-ama.
Si Nanay naman talaga ang sumasalo ng lahat ng mga regalong natatanggap ko galing sa mga lalakeng pinapakilala sa ‘kin ni tatay at hinahayaan ko na lang.
Hinainan din kami ng kape. Sinamahan na rin ng nilagang mais, kamote, saba na saging at kung ano-ano pa. “Kahit ilang oras ang aming ginugol para marating lang itong lambak… hinding-hindi kami nagsisisi at napakaganda nga sa personal ang anak ninyo…” mahinhing sambit ng kapitan.
Halos anim na oras pa naman ang lakarin depende na lang kung saan kayo lupalop nanggaling. “Ilang taon na ulit si Rosetta?”
“Bente tres na ‘yang anak ko, kapitan…” tugon ni Tatay.
Tahimik ko lang na iniinom ang kape pero kanina ko pa napapansin na para na akong hinuhubaran ng anak nitong kapitan. Sa ganitong galawan, lagapak na s’ya sa lupa.
“Mas matanda pala s’ya ng isang taon kay Matias…”
Sila-sila lang ang naguusap pero namaalam muna si nanay na umalis. Umakyat na s’ya roon sa itaas. “Anak, ipasyal mo naman si Ginoong Matias sa hardin mo…” Hanggang sa may ganiyan nang pahayag ang tatay ko. “Mag ikot-ikot kayo roon at para naman… mabigyan namin kayo ng oras para makapagusap... na kayo lang dalawa…”
“Sige po, may kukunin lang ako sa kuwarto ko.” Tumayo na ako at naglakad patungong hagdan. Umakyat na ako sa ika’tlong palapag.
“Tingnan mo, Esmeralda! Mga magagandang bestida!” Nang makarating na ako, mahihinang boses ni nanay kaagad ang mga narinig ko. Nasa loob sila ng kabilang kuwarto.
“Tama nga ang Pinuno… mukhang malalim ang bulsa ng manliligaw ni Rosetta…Pinadalhan pa ng kompletong gamit sa kusina… at itong mga kasuotan… sandals… tsinelas… at alahas… Sana itong lalake na ang sasagutin n'ya...”
“Nako sana nga! Ang arte-arte kasi ng batang ‘yon! Kung ako sa kan’ya, si Matias na ang pipiliin kong mapapangasawa!”
Huminga ako ng malalim habang pinapakinggan ang mga usapan nila. Gusto ko sanang pumasook sa loob ng kuwarto ko pero hindi ko na lang tinuloy. Humugot na lang ako ng maraming hangin at bumaba ulit. “Rosetta, umalis na kayo,” masiglang usal ni tatay. Tumango na lang ako at tumungo na sa naka-bukas na pinto. Nauna akong bumaba pero sinundan naman kaagad ako ni Matias.
Tinahak ko na ang hagdan pababa sa bakuran. Dire-diretso lang ang lakad ko. “Mukhang nagmamadali ka yata, Rosetta?” Hinabol n’ya ako. Tumigil s’ya rito sa tabi ko pero agad akong lumayo sa kan’ya. Natawa s’ya sa akto ko. Hinayaan ko s’yang mag-salita hanggang sa narating na namin ang hardin ko. “Nagpakahirap akong makarating lang dito kaya sana huwag mo akong bibiguin.”
Doon ako napa-tigil sa pag-hakbang at hinarap s’ya rito sa gilid ko. Ganoon din ang kan’yang ginawa. Sinalubong n’ya ang mga mata ko. “Ngayon lang ako nakakita ng isang mataray na ‘di hamak na taga bukid at dukha lang. Ayaw ko pa naman sa mga babaeng ganiyan pero… maganda ka naman at sexy kaya ayos lang sa akin.”
“Ayaw ko rin po sa lalakeng may kamukhang unggoy na nakikita ko lagi roon sa gubat.”
Nanlaki bigla ang mga mata n’ya sa binanggit ko.
“A-Ano ang sinabi mo?!” Tinaasan n’ya ako ng boses.
“Hindi ko po ugaling manakit ng damdamin ng kapwa ko pero hindi ko matiis na hindi kayo sagutin. Ilugar n’yo ang kapangitan ng mukha at ugali n’yo na akala n’yo, porke taga-bukid ako, papatol na ako sa unggoy.” Nanlisik ang mga mata n’ya. “’Wag kayo magalit kasi nagsasabi lang ako ng totoo. Pumili na lang kayo ng ibang liligawan… pero sa iba na lang at hindi kayo puwede sa tribo namin. Wala kang respeto kaya lumayas kayo rito.”
“ULITIN MO ANG SINABI MO AT MAKAKATIKIM KANG BABAE KA!”
Umalingawngaw ang malakas n’yang boses na abot doon sa bahay.
At hindi nga ako nag kamali, ilang sandali lang, narinig ko ang mga mabibilis na mga yabag na palapit sa ‘min. “’Pa, piglan n’yo akong durugin ang bibig ng babaeng ‘to!” Inaakma n’ya akong pagbuhatan ng kamay pero mabilis s’yang pinigilan ng kapitan.
“Ano ang nagyayari rito, Rosetta?!” singhal ni tatay. Pumagitna na s’ya sa ‘min.
“’Yang anak mo! Tinawag akong unggoy!” Natigilan ang kapitan sa hiniyaw ng anak n’ya.
“U-Unggoy?! Anong kabastusan ‘to?!” sigaw n’ya rin sa ‘kin.
“Kapitan, bakit hindi n’yo tanungin ‘yang anak n’yo kung bakit ko s’ya tinawag na unggoy?”
“Aba’t inulit pa talaga!”
“Hijo, tama na! ‘Wag kang gumawa ng eskandalo rito! Aalis na tayo ngayon din! Napakabastos pala ang babaeng ‘yan! Nagkamali kami sa pag punta rito!” Hinila ang anak n’ya palayo sa ‘min.
“Sandali! Kapitan! Ginoong Matias!” Hinabol pa talaga sila ng tatay ko. Saglit akong pumikit ng mariin dahil alam kong malaking gulo na ‘to. Hinahabol pa ng tatay ko ang mag-amang ‘yon, humakbang na ako paalis sa garden ko. Mabilis kong tinahak ang daan pabalik sa bahay at umakyat kaagad ako sa kuwarto ko. Nasa kabilang silid lang ang nanay ko na wala pa s’yang alam sa mga nangyari. Umupo ako sa kama habang pinapakinggan ang pag-halungkat n’ya ng mga regalo roon sa kuwarto n’ya.
“Rosetta!” ‘A ‘yan na. Naka-balik na ang tatay ko. Mukhang bigo s’yang kumbinsihin ‘yong dalawa. “ROSETTA!”
“Rodgrigo, ano ba ang sinisigaw mo riyan?! Nakakahiya sa mga bisita!” singhal ni Nanay. “Ano ba ang problema mo?! Bakit ganiyan ang tono mo?!” Nasa harapan na ng naka-sarado kong pinto ang presens’ya ni Tatay. Lumabas naman si Nanay sa kan’yang kuwarto.
“Rosetta, bakit mo binastos ang anak ng kapitan?!”
“Anong binastos?!”
“Tumahimik ka muna, Rosalia!” pagalit na hiyaw ng tatay ko.
Wala akong naging reaks’yon nang binukan na ang pintuan. “Sagutin mo ako, Rosetta!” Pinagtataasan na ako ng boses. Palihim akong humugot ng maraming hangin bago ko binuga palabas sa bunganga ko. Dahan-dahan akong tumayo at sinalubong ng kalmadong tingin ang tatay ko.
“S’ya ang bastos, ‘tay. Hindi ako makakapayag na ang mukhang unggoy na ‘yon ang ipipilit n’yo sa ‘kin porke mayaman sila. Hindi na nga katanggap-tanggap ang hitsura, mas basura pa sa mukha ang ugali n’ya. Wala s’yang respeto sa ‘kin… hindi lang sa ‘kin, maging sa mga kalahi rin natin kaya hindi ko gustong makita ko ulit ang unggoy na ‘yon, parang awa n’yo na.” Napa-sapo kaagad sa noo ko si Nanay.
“Aba’y napakaboba mo naman talaga, Rosetta!” hiyaw n’ya. “Sa lahat ng manliligaw mo, s’ya lang ang naging todo bigay sa ‘yo! Sarili mo lang ang iniisip mo! Hindi mo naiisip na malaking tulong sa ‘tin ang pamilya nila para mapa-unlad pa ang nayon natin—“
“Bakit hindi n’yo na lang ako hayaan na pumili ng lalake para sa ‘kin? Hindi ‘yong kung sinong maligno at mukhang lamanglupa ang ipapaharap n’yo sa ‘kin… na may ugaling mas masahol pa sa demonyo.” Sumeryoso ang boses ko.
“Rosetta—“
“Umalis na kayo dahil kung hindi, ako ang aalis ngayon.”
“Aba’t talagang—napakamaldita mo talagang bata ka!” Doon na ako huminga ng marahas. Mukhang ayaw pa nila akong tantanan sa kakabunganga nila sa ‘kin kaya mabilis na akong humakbang palapit sa pinto at lumabas na lang ng kuwarto ko.
“Rosetta!” Tinawag nila ako pero dire-diretso lang ang pag-hakbang ko pababa ng hagdan.
Lumabas ako sa bahay. Lumayo na muna ako roon at sa kubo muna ako ni Rocky namalagi.
Anong klaseng mga magulang sila?
Ginagamit lang talaga nila ako sa pansarili nilang interes. Paulit-ulit ko nang sinasabing napapagod na ako sa kanila. Para walang gulo, sinusunod ko ang mga gusto nila pero hindi ibig sabihin na mapipilit nila ako hanggang sa dulo.
Sa kubo na lang ako nagpalipas ng gabi. Ayaw kong umuwi sa ‘min. Babalik na lang ako roon kung lumamig na ang ulo ko.
Ang dami ko pa sanang gawin kinaumagahan pero hindi ko lubos maisip ang trahedyang bubungad sa mga mata ko.
Isang maaliwalas at payapang umaga, bumulabog sa buong nayon ang mga pag sabog at putok ng baril.
Umugong at umalingawngaw sa mga tainga ko ang nakakagimbal na sigawan, hagulgol at pag-iyak.
Nilusob kami ng mga bandido.
Maging ako ay hindi naka-ligtas.
Pinalabas ako ng isang lalake sa kubo. Habang hila-hila ang aking buhok at kinakaladkad sa damuhan, saksi ang mga mata ko kung paano paslangin ang nga walang awang mga bandido ang mga tauhan namin na sumusubok labanan sila.
Tumarak ang daan-daang bala sa kanilang mga katawan. Pinagsama sa pisi para taliin ang lahat ng mga bata. Hiniwalay ang mga matandang uugod-ugod at kaming mga kababaihan, dalaga o may asawa, tinali rin. Habang ang mga kalalakihan, pinosasan. May mga kubong nasunog. Ang daming bangkay na naka-handusay kahit saan man ako tumingin. Akalain mong parang binabangungot lang ako.
Dinala kami ng mga bandido sa malayong parte ng bundok at nagsisimula pa lang pala ang kalbaryo namin.
Araw man, lalong-lalo na kapag tuwing gabi, kumukuha sila ng pagpaparausan sa ‘min. Walang minuto na hindi kami umiiyak. Pagkatapos nilang babuyin ang mga katribo kong mga babae, pinapatay nila at tinatapon sa lawa. Nakakapanindig balahibo ang nakakakilabot na sigaw ng mga ginagahasa nila.
Kamuntik na akong maging biktima pero pumagitna ang tatay ko.
Akala ko katapusan na naming lahat pero dumating ang inaasahan na tulong ng tatay ko galing sa isang organisasyon. Nasagip ang mga katribo ko pero ang dami talaga ang bilang ng mga nasawi.
Ang teritoryo ng mga bandido, naging libingan na ng mga katribo ko.
Hindi ko maipaliwanag ang pagdadalamhati ko habang tinutulungan kong ihatid sila sa huli nilang hantungan. Kabilang na si... Aling Selya… Ang mga batang natamaan ng mga ligaw na bala… Ang mga batang laging umaalay ng bulaklak sa 'kin... hindi ko lubos akalain na mabibigyan ko sila ng buklaklak sa malamig nilang bangkay.
Ramdam ko pa rin ang panginginig ng katawan ko pero ginulat na lang ako nina nanay at tatay. Sapilitan nila akong pinapapasok sa loob ng naging hideout ng mga bandido na naging hideout ng mga sundalong tumulong sa ‘min.
“Pasalamat ka na lang at hindi na ginahasa ng mga bandido! Hindi na masama kung ialay mo ang sarili mo sa boss! Kailangan ng babae ni Boss Darion ngayong gabi! Dadalhin kita sa kuwarto n’ya ngayon din!”
Naka-ligtas nga ako sa kahayupan ng mga bandido pero hindi naman ako naka-takas sa kasamaan ng tatay ko. Ang kaisa-isa n’yang anak, naka-handang ialay ako sa leader ng mga sundalo.
“Ayoko! Bitawan mo ako!” Marahas kong winaksi ang braso ko kung saan ako mahigpit na kinakapitan ng tatay ko. Nang matanggal ‘yon, matulin akong tumakbo palayo sa hideout pero nanlaki ang mga mata ko nang may mabibigat na mga kamay na gumapos sa mga braso ko.
Pag-tingin ko, dalawang suldalo na ang humuli sa ‘kin. “Bitawan n’yo ako!” Nagpupumiglas ako pero sobrang lakas nila para hindi nila ako matangay. Sila na ang humila sa ‘kin palapit sa naka-bukas na pinto.
“”Tay! ‘Nay!”
Nakita ko silang dalawa. Naka-tayo lang sa maliwang na bakuran. Marahas akong umiling-iling. “T-Tulungan n’yo ako! G-Gagahasain nila ako! Tataaay!” Imbes na maawa sila sa ‘kin dahil umiiyak na ako, nasilayan ko pang nginisihan ako ng nanay ko.
Nakaramdam ako ng hapdi na nananalaytay sa puso ko.
Hindi ako tumigil sa kakasigaw hanggang sa napadpad na ako sa ikalawang palapag at binuksan nila ang pinto. Sapilitan nila akong pinapasok sa madilim na kuwarto. “I-Ilabas n’yo ako rito mga walang hiya kayo!”
“Why are you dragging her like that?”
Natigil ako sa kakahiyaw nang umugong ang mahinhin at malalim na boses ng isang lalake. Nang humarap ako, nahinto ang pag-hinga ko at nasilayan ang malabong presens’ya n'ya sa kama. Naka-sandal s’ya sa head board. Sa tulong ng liwanag ng buwan na tumatagos sa kurtina ng bintana, napa-lunok ako ng mariin at sumentro sa ‘kin ang tila umilaw n’yang mga mata.
“Apologies, boss. She’s trying to escape.”
“Don’t let your guard down. Go back to the position and keep patrolling the area.” Um-echo pa ang matigas n’yang boses na nakakatakot pakinggan. Dumoble ang kaba ko.
“Yes, Boss.”
“Bring that woman to me.” Doon na ako hinila ng isang sundalo palapit sa kama.
Nanginginig akong pinaupo sa gilid habang kaharap na itong boss. Lumabas na ang dalawang soldiers at sinara nila ang pinto. Humapdi na ang bawat sulok ng mga mata ko at tumulo na ang mga luha ko. Hindi ko man mas’yadong makita ang mukha n’ya pero alam kong naka-tingin din s’ya sa ‘kin. “B-Boss… p-parang awa n’yo na… ‘w-wag n’yo akong pagsamantalahan…”
“Hold your tears, I am not going to hurt you, young lady.”
Biglang umurong ang mga luha ko. Nagkaroon ng panandaliang katahimikan. “P-Po? H-Hindi n’yo ako gagasahain?”
Bumuga s’ya ng marahas na hininga. “I have a deep laceration on my back and I need someone to clean that wound so stop crying and do the job.”