DARION DEMORGON C4

2235 Words
ROSETTA FLORES ILANG segundo akong natigilan. Nawala ang hapdi ng mga mata ko at nahinto ang pag-tulo ng luha ko. Sa pagkakasabi kanina ni Tatay at sa nakita kong akto ng nanay ko, may maitim talagang balak sa ‘kin ang boss ng organisasyon kaya ako nagpapanic ng husto pero salungat pala sa kinatatakutan ko. Bago pa ako makapagsalita, narinig kong bumuga s’ya ng marahas na hininga. “Alright, I will ask someone else. I do understand why you are reacting that way, but let me clear things right that it’s not what you think it is.” Umugong ang malumanay na malalim n’yang boses sa buong sulok ng kuwarto. “You misunderstood. I should have told the soldiers in the first place.” Sinundan ko ang madilim n’yang presens’ya nang bumaba s’ya sa kabilang bahagi ng kama. “You need a rest, young lady. You must have been emotionally drained seeing those dead bodies everywhere.” Iyan ang binabanggit n’ya habang mabagal s’yang naglalakad patungo sa pintuan. “Maaari kang magpalipas ng gabi rito. I shall see you in the morning.” Binuksan na n’ya ang pinto at lumabas saka sinarado n’ya ulit. Dahan-dahan kong nilapat ang palad ko sa ibabaw ng dumadagundong kong dibdib na ang lakas ng pintig ng puso ko sa loob. Huminga ako ng sunod-sunod. Damang-dama ko ang pag-t***k hanggang sa lalamunan ko. Akala ko katapusan ko na talaga. Mukhang nagkamali nga ako ng pagintindi kagaya ng sinabi n’ya dahil pinilit kasi ako ng tatay ko para pagsilbihan daw s’ya at iba pala ang kan’yang tinutukoy. Wala pa naman ako sa huwisyo ngayon. Mugto pa ang mga mata ako sa kakaiyak at ang dami pa naming ililibing na mga bangkay bukas. Bumuga ako ng marahas na hininga. Minasdan ko ang bintana kung saan ako naka-harap. Mas lalo lumiwanag ang sinag ng buwan na tumatagos sa manipis na kurtina. Hindi ko nasilayan ng maayos ng mukha ng lalakeng ‘yon pero malamang magkikita pa kami bukas. Kumalma na ang katawan ko sa panginginig. Humiga na lang ako sa kama at pinikit ko na ang mga mata ko. Itulog ko muna ‘to dahil pakiramdam ko, mag-c-collapse talaga ako at ilang linggo na rin akong walang maayos na pahinga. Pag-sapit ng umaga, bago sumikat ang araw, bumangon na ako at lumabas ng kuwarto. Wala nang katao-tao sa loob ng hideout na ‘to. Nang maka-labas na ako, doon na lang bumungad sa paningin ko roon sa kalayuan na abala na pala ang mga sundalo. Mano-mano na ulit silang naghuhukay ng mga libingan sa patag at malawak na lupa. Inuna na nila ibiling ‘yong mga namamahong bangkay at sa kondisyon ng hangin ngayon, hindi na gaanong masangsang hindi katulad kahapon na umaalingasaw talaga. Nilakad ko ang daan palapit sa kanila. Hindi pa sumisikat ang araw. Med’yo mahamog pa ang paligid pero itong mga sundalo, pawis na pawis na. Ang mga iilan, basa na ang suot nilang sando at t-shirt. Ang iba, tumutulo ang mga butil ng pawis sa katawan nilang walang saplot pang itaas. Mukhang kanina pa sila naghuhukay. Nahihingal at mukhang pagod na silang lahat. “Magandang… umaga po? May ipaglilingkod po ba ako sa inyo?” Nang marating ko na kung saan sila naroroon, magsihinto sila sa kanilang ginagawa at napa-titig sa ‘kin. “They must be preparing our coffee in the kitchen now… puwede bang ihatid na lang dito?” Hinarap ako ng isang matangkad na lalake habang nagpupunas ng pawis sa mukha gamit ang sarili n’yang sando. “Sige po, masusunod po.” “Thank you.” Pormal silang nagpasalamat saka pinagpatuloy ulit ang paghuhukay. Nilakad ko ang ilang minutong lakarin patungong kusina. Nang makarating na ako, kumatok ako ng dalawang beses sa nakasaradong pintuan at ilang sandali lang, pinagbuksan na nila ako. Bumungad sa ‘kin ang mukha ni Manang. Esmeralda pero sinalubong n’ya ako sa nanlalaking mga mata. “R-Rosetta?” Parang nagulat s’ya sa presens’yan ko. Pag silip ko roon sa loob, napansin kong tumahimik ang nagiingay na mga katribo kong mga babae at napa-dako ang buo nilang atens’yon dito sa pintuan kung saan ako naka-tayo. “R-Rosetta!” Boses ni Aling Martina. “Rosetta! A-Ayos ka lang ba?!” Nakita ko s’yang tumakbo palapit sa ‘kin na agad s’yang binigyan ng daan ni Manang Esmeralda at kaagad akong siniil ng mahigpit na yakap. Kumalas s’ya para pag masdan ako mula ulo hanggang paa. “A-Ang sabi sa akin ng nanay mo… dinakip ka raw ng mga sundalo para ipasok sa kuwarto ng boss dahil naghahanap daw ng babae!” Mabuti pa ‘tong si Aling Martina, may malasakit pa sa ‘kin pero ‘yong sarili kong nanay, nakuha pang ngisihan ako habang hinihila ako ng mga sundalo kagabi. “A-Ayos lang po ako, ‘wag kayo magalala.” Ngitian ko s’ya. “Akala ko mabait ang pinuno nitong sumagip sa ‘tin pero katulad lang pala s’ya ng mga bandido!” sigaw n'ya pa. “Martina, itikom mo ‘yang bibig mo at baka marinig ka pa ng mga sundalo. Mas mabuti pa ‘yong ang boss lang nila ang may kursunada sa mga babae at ang mga sundalo, mga mababait naman at hindi nanghingi ng kahit anong babae kaya manahimik ka. Kagustuhan ng Pinuno natin na ialay ‘yang si Rosetta sa boss para may pakinabang naman ‘yang batang ‘yan. Pasalamat nga s’ya at hindi s’ya nasama sa mga kababaihang nalibing natin… at boss lang ang gumahasa sa kan’ya. Tingnan mo, malaki ang pingkaiba dahil hindi pa s’ya pinatay—“ “Hindi ka pa ba tatahimik o patatahimikin na kita habang buhay?” Biglang bumalot ng katahimikan nang pinutol ko ang pagsasalita ni Manang Esmeralda. Inulit n’ya pa talaga ang mga iilang narinig ko sa tatay ko kagabi. Pumakawala ako ng malalim na buntong hininga. Alam kong mali ang nabanggit ko pero hindi ko na napigilan ang sarili ko. Minsan nakakapagod maging mabait at kinakailangan mong sumagot-sagot sa mga matatanda para tumahimik sila. “Na saan na ang kape ng mga sundalo? Inutusan nila akong ihatid ang mga ‘yon sa pinagtatrabahuhan nila. Akin na.” Humakbang na ako papasok sa loob. Talagang hindi na nag-salita si Manang Esmeralda. Baka nakalimutan n’yang anak pa rin ako ng pinuno? Hindi maganda sa tainga pakinggan ang binato n’yang mga salita laban sa ‘kin. Hindi s’ya marunong mag dahan-dahan sa mga pananalita n'ya. Inasikaso na ni Aling Martina ang mga kape. Pinagsisilid nila sa malaking basket na gawa sa tabla. Pinagkasya nila roon at nag dahan-dahan akong lumabas habang bitbit ko ‘yon. Ang tagal kong nakarating sa hukayan. “Pasens’ya na po kung natagalan… sana sakto pa ang init ng mga kape…” Nilapag ko ang basket sa ibabaw ng malapad na mesa. “Mag kape po muna kayong lahat… Pumila kayo ng maayos para mabahagian ko kayo.” Mabilis nila akong sinunod. Binitawan nila ang mga pala at lumakad palapit sa ‘kin. Pumila nga sila. Isa-isa kong binigyan ang mga sundalo. Nagpapasalamat pa kapag tinatanggap ang tasa ng kape. “Isa na lang ang natira…” mahinang usal ko. Kinapitan ko na ang handle at inangat. “Sino pa ang walang kape riyan?” “Me.” Natigilan ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na ‘yon. Dahan-dahan akong humarap at tiningala ang lalakeng naka-tayo lang sa likuran ko banda. At nahinto saglit ang pag-hinga ko nang masilayan ang maamo n’yang mukha. Parang nanlambot ang mga tuhod ko sa pagkakatitig n’yang parang tutunawin ko. Hindi ko pa nasilayan ang mukha ng taong ‘to pero ang boses, narinig ko na ‘yon kagabi. “Can I have the last cup of coffee, please?” pormal n’yang tanong sa seryosong boses. Doon ako kumurap ng ilang beses. “O-Oo, Sir.” Sabay inabot na sa kan’ya ang kapit-kapit kong handle ng tasa. Kinuha n’ya agad ‘yon sa kamay ko at tumalikod sa ‘kin. “Boss Darion, any update about the tribe’s location?” May lumapit sa kan’ya na isang sundalo. Boss Darion? S’ya nga talaga ang kausap ko kagabi. Sa boses pa lang pero hindi ko naman inasahan na ganito pala s’ya kakisig sa personal. “None, I am waiting for their report, and after that, we will evacuate the refugees to their land. The chief has told me that the bandits destroyed their valley that’s why we need to help them to build their homes again.l” “Yes, Boss. Nakiusap sa amin ang pinuno ng tribong ‘to na matulungan silang kumpunihin ang mga nawasak sa kanilang lambak.” “And their tribesmen were almost wiped out. Most of them have been killed.” Pinapakinggan ko ang mga usapan nila habang nagkakape silang dalawa. Hindi ako sumingit sa usapan kahit gusto kong kausapin si Boss Darion. Nang maubos na ang laman ng mga tasa, nagsibalikan na sa mga gawain ang mga sundalo at hinintay ko munang umalis ang kausap ni Boss Darion. Humakbang na ako palapit sa kan’ya nang dumating na ang pagkakataon ko. “Boss Darion?” Tinawag ko s’ya sa magalang na paraan. Kaagad n’ya akong hinarap at bahagya akong binabaan ng tingin. Nailang ako. Sa mata ko agad s’ya tumititig sa ‘kin kaya sa ibang parte na lang ng mukha n’ya ako tumingin. “Pasens’ya na po sa istorbo pero… pumayag po kayo na matulungan kami hanggang maka-uwi sa nayon namin?” “Yes, I already granted the chief’s request. We will evacuate everyone as soon as my men find the way to get back to the valley.” “Maraming salamat po sa tulong ninyo… Hindi ko alam kung ano ang ibabayad namin sa inyo…” “We are not expecting something in return, though, so that's alright.o” Saglit kong tinikom ang aking bibig. “Kumusta na po pala ang sugat n’yo sa likod?” Bahagyang nangunot ang noo n’ya sa pahayag ko. “How did you know that I am injured— hold on, are you that terrified woman last night?” Parang nadapuan naman ako ng hiya. Natawa tuloy ako ng mapakla. “A-Ah… opo, ako nga po. Pasens’ya na talaga kayo kagabi… inakala ko talagang…” “No, I should be the one who is apologizing. I am sorry that I scared you that way.” “Rosetta? Boss Darion?” Naudlot ang ngiti ko nang marinig ko ang boses ng tatay ko. Sabay namin s’yang binalingan ng tingin at papalapit na pala s’ya sa kinatatayuan namin. Pasalin-salin ang pagkakatitig sa ‘min ni Tatay na parang bang namamangha sa nakikita n’ya. “Chief, good morning,” pormal na bati ni Boss. Tumigil sa aming harapan si Tatay na may nakakadudang ngiti. “Magandang umaga rin, Boss… Ano, kumusta ang gabi n’yo?” “As usual, I always had a rough night. Hindi ako nakakatulog ng maayosa sugat ko.” Natawa si Tatay sabay napa-titig sa ‘kin. “Mukhang naging maganda ang paninilbihan sa iyo ng anak ko kagabi?” Palihim kong kinuyom ang mga kamao ko. “She’s your daughter?” tanong ni Boss. “Oo, anak ko itong si Rosetta at natutuwa akong makita ko kayong dalawang… naguusap,” makahulugang sambit n’ya. Kinakahiya ko na talaga ang tatay kong ‘to. “S-Sige po, aalis na muna ako. Marami pa akong gagawin sa kusina.” Humakbang na ako paalis pero nakakadalawang apak pa lang ako sa damuhan, kinapitan na ni Tatay ang braso ko at hinila ako pabalik sa aking puwesto. Sinalubong ko s’ya ng masamang tingin habang pilit n’ya akong nginingitian. “Dito ka lang sa tabi ni Boss Darion para malibang s’ya at baka may iuutos s’ya sa ‘yo…” marahang wika n’ya saka binalingan ng tingin si boss. “Kung may kailangan kayo, ‘wag na kayong tumawag ng iba at ang anak ko na lang na si Rosetta ang lagi n’yong tatawagin… huwag kayong mag atubili...” “I will, thank you, but she can go now. I will call her if I need her.” Lumapad ang ngiti ng tatay ko. “Dapat lagi s’yang nasa tabi n’yo at isa pa… wala namang ginagawa itong anak ko…” Sa akin ulit napa-titig si Tatay. “Anak, dito ka lang ha? ‘Wag mong iiwan si Boss Darion, maliwanag ba?” Naramdaman kong bahagyang humigpit ang pagkakagapos ng kamay n’ya sa braso ko. “Oo, ‘tay,” mahinahong usal ko. “Ako ang aalis ngayon… dito ka lang.” Binitawan n’ya ako at nagpaalam na kay Boss Darion bago s’ya tuluyang umalis. “Are you sure that you want to stay here with me?” Inayos ko agad ang expres’yon ng mukha ko bago ko hinarap si Boss. “Opo.” Kahit pinagpapawisan na ako sa sobrang inis ngayon, pinilit kong mag-salita ng maayos. “Bakit po? May ipapagawa po ba kayo?” “If you are not busy.” “Hindi po, narinig n’yo naman ang utos sa ‘kin ng tatay ko at naka-handa po akong pag silbihan kayo.” Lalo na ngayong sila ang tagapagligtas namin at isa pa, mukhang matino naman s’ya bilang boss. “If you say so… then can you do my laundry?” “Maglalaba po?” Pormal n’ya akong tinanguan. “Sige po. Gagawin ko na ngayon din.” “Follow me, Rosetta.” Mas nauna s’yang tumalikod at humakbang na agad ko s’yang sinundan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD