ROSETTA FLORES
Sa hideout n’ya ulit ako dinala hanggang sa napadpad kami sa banyo ng kuwartong tinulugan ko kagabi. Huminto ako sa bungad ng naka-bukas ng pinto at tinanaw ko s’yang may hinila roon. “Can you finish that entire basket today?” Pinaharap n’ya sa ‘kin ang kan’yang tinutukoy.
Naka-tambak sa basket ang mga labahin. “Oo naman po. Kung may idadagdag pa kayo, isama n’yo na.”
“Actually I didn’t include my undergarments,” pormal n’yang tugon.
“Isama n’yo na po, ako na ang bahala.”
“Are you sure?” Nasilayan kong inangatan n’ya ako ng magkabilang mga kilay.
“Opo, boss.”
“Very well, kukunin ko na.” Tinanguan ko s’ya at humakbang na palapit sa ‘kin. Binigyan ko agad s’ya ng daan. “Can you look for some… any laundry detergent there?” Sinangayunan ko s’ya nang dumaan s’ya sa gilid ko. Kaagad akong pumasok sa loob ng banyo. May nahanap naman akong mga sabon panlaba.
Pinatong ko na ang isang baretang sabon sa ibabaw ng basket at binitbit na palabas ng banyo. Nakasalubong ko naman si Boss na may dalang plastic bag. “Let me carry that for you.” Bago pa ako maka-tanggi, kinapitan n’ya na ang basket na kapit-kapit ko at inagaw sa ‘kin. “Saan ka nga pala maglalaba, Rosetta? Hindi sapat ang tubig na lumalabas sa gripo...” marahang sambit sa ‘kin.
“May sapa naman dito… doon na lang ako maglalaba.”
“Show me the way and I will take you there.” Um-oo kaagad ako sa utos n’ya.
Mas nauna akong mag-lakad pero hanggang sa sumabay na s’ya sa ‘kin. Nasa tabi ko na si Boss, bitbit pa rin ‘yong basket at plastic bag. Tahimik lang kami habang naglalakad pero hindi ko mapigilan na palihim s’yang pag-masdan. Ngayon lang talaga ako nakakakita ng lalakeng kakaiba ang mukha. Hindi lang si Boss, ‘kun ‘di maging mga tauhan n’ya rin. Pero para sa ‘kin, s’ya ang may pinakamaamong mukha sa lahat ng nasilayan ko.
Lumipas ang ilang mga minuto, narating na namin ang sapa na may mga katribo akong kababaihan na naliligo at naglalaba roon. Hindi ko na hinayaan pang maka-lapit doon si Boss at inagaw ko na mga dala n’ya. “Dito na lang ako, boss… salamat po sa pag hatid.”
“Anong oras ka matatapos, Rosetta?” Tumayo s’ya ng tuwid na agad akong napa-tingala.
“Siguro mga dalawang oras… pinakamatagal na ‘yan… bakit po?”
“If I am free during that hour, masusundo kita pero kapag may ginagawa ako, maguutos na lamang ako ng iba.”
“Hindi na, boss… ‘wag na kayo mag-abala pa. Kayang-kaya ko naman pasanin ‘tong mga labahin…” Bahagyang nangunot ang noo ko nang naging baba-taas ang pagkakatitig n’ya sa ‘kin.
“You have small body features… You will get crushed if you force yourself to carry that basket later. Mabibigat ang mga uniporme ko kapag nababasa, mahihirapan kang buhatin.”
Natawa naman ako ng mapakla sa binanggit n’ya. “Kaya ko na nga, boss… mag tiwala kayo sa ‘kin.”
Ilang segundo s’yang hindi nakapagsalita at tinititigan lang ako hanggang sa bumuga s’ya ng malalim na hininga. “Okay, if you say so. You may proceed now.”
“Sige, boss.”
Tinalikuran na n’ya ako at napansin ko na lang na kumukurba na pala ang mga labi ko habang pinagmamasdan na naglalakad si Boss Darion palayo sa ‘kin. Nang mag-laho na s’ya sa paningin ko, doon pa lang ako tumungo sa sapa. “Rosetta! Maglalaba ka rin ba?!” Nang makita ako ng mga katribo ko, tinawag kaagad nila ako at pumuwesto na lang ako sa kanilang kinaroroonan.
“Inutusan ka rin ba ng mga sundalo na maglalaba?” wika ni Kriselda na agad ko s’yang tinanguan.
Nasa gilid na rin ako ng sapa. Binuhos ko na agad ang mga labahin sa batuhan. Hinayaan kong mabasa. Nasilayan kong biglang naging kulay pula ang tubig. May mga mantsa pala ng dugo ang mga ‘to. Hiniram ko na rin ‘yong batya ni Kriselda at nagbabanlaw na kasi s’ya. “Uy, Rosetta… wala ka bang natitipuhan sa mga sundalo? Hindi ba’t ang guguwapo nilang lahat?”
“Iisipin ko pa ba ‘yan sa ngayon?” Kinukusot ko na ang pangitaas na uniporme ni Boss Darion. Halos hindi tablan ng sabon at nanuot na sa tela ang mansta ng dugo.
“Ikaw naman… tumingin-tingin ka kasi sa paligid mo… Ang guguwapo at ang mamatcho kaya ng lahat ng sundalo… walang tapon!” Naghalakhakan silang lahat at sinabayan ng pagtitili.
“Pero paano na ‘yan, Kriselda? Balita ko bawal silang makipagrelasyon sa kasagsagan ng kanilang misyon… Tingnan mo, kahit ang gaganda natin wala silang pake,” saad naman ni Rita.
“Naku, ang babait nga nila ‘e. Ang giginoo… Ang ibig sabihin lang nito, talagang magaling mamahala ang boss nila at ganito na lang ang pakikitungo sa ‘ting lahat…” tugon ni Kriselda.
Hindi na ako nakisali sa usapan nila. Nahihirapan akong labhan ‘tong uniporme ni Boss. Pinagpapalo ko na ng tabla at inapak-apakan pero konting mansta lang ang natanggal. Lumipas ang halos isang oras at kalahati, nagsiuwian na ang ibang katribo ko. “Rosetta, hindi ka pa ba tapos? Gusto mo tulungan na lang kita?” Inangat ko ng tingin si Kriselda.
“Ako na… sige na, oras na ng tanghalian. Umuwi ka na ro’n.”
“Sige, sabi mo ‘e.” Nagpaalam na s’yang umalis. Nang tumingin ako sa paligid, ako na lang pala ang nagiisa rito. Wala na akong naririnig na boses. Ang pagragasa lang ng tubig. Kumpara sa sapa namin, mas malinaw ang tubig doon pero rito, med’yo malabo. Malinis naman pero may ibang parte kasi na may halong lupa ang buhangin kaya kapag naaapakan, lumalabo ang tubig.
Sinabi ko kay Boss Darion na mahaba na ‘yong dalawang oras pero tatlong oras pala bago ako natapos. Halos magsusugat na ang balat ko sa kamay. Humahapdi. Dahil ‘to sa sabon at matinding pagkuskos. “Natapos ko rin…” Tumayo muna ako at nag inat. Nakaramdam ako ng pananakit ng likod at balakang pero ayos lang dahil naalis ko talaga lahat ng natuyong mantsa ng dugo.
Kinapitan ko na ang magkabilang handle ng basket. Sinubukan kong bitbitin pero halos hindi ko maangat sa sobrang bigat. Ginamit ko na ang puwersa ko para maka-alis ako sa sapa. Pahinto-hinto ako. “I knew it.” Habang nahihingal, tinanaw ko ‘yong nag-salita.
Natigilan ako. “B-Boss Darion…” Inayos ko agad ang tayo ko nang masilayang papalapit na pala s’ya sa kinatatayuan ko.
“You should have waited for me.”
“Pa…sensya na po… Sobrang bigat nga po talaga…” Tumigil s’ya sa harapan ko. S’ya na ang kumapit sa basket at walang kahirap-hirap na binuhat sabay pinasan sa kan’yang kaliwang balikat.
“I told you but you didn’t listen to me.” Sinundan ko ulit s’ya nang lumakad na palayo sa ‘kin. Palihim akong ngumiti. Sinundo n’ya pa ako kahit humindi ako kanina.
Nang marating na namin ang sampayan, doon n’ya ulit ako iniwan at mukhang nagmamadali kasi s’ya pero pinasalamatan ko muna bago tuluyang umalis. Sinasampay ko na ang mga labahan ko. “Rosetta.”
Natigilan ako nang marinig ko ang boses ng nanay ko. Palapit na ang kan’yang mga hakbang na nagmumula sa likuran ko. Hindi ko makalimutan kung paano n’ya ako nginisihan kagabi. “Ano ang kailangan n’yo?” Iyan ang tugon ko nang maramdaman kong huminto s’ya sa likuran ko.
“Bakit ganiyan ang boses mo?” sabat n’ya.
Doon ako humarap sa kan’ya at sinalubong ko s’ya ng seryosong tingin sa mga mata. “Ano pa ba ang inaasahan n’yong maging boses ko pagkatapos n’yo akong ngisihan kagabi? Natutuwa pa kayo dahil akala n’yo, gagahasain ako ni Boss Darion?”
“Akala?”
“Oo, ‘nay… kasi hindi ‘yon nangyari. Mga sundalo sila, hindi mga bandido.”
“Walang nangyari sa inyo ni boss Darion?” tanong n’ya pa.
“Wala. Birhen pa rin ako hanggang ngayon,” sagot ko. “Hindi nangyari ‘yong gusto n’yong maranasan ko. Sa susunod na lang kayo mag diwang.” Marahas kong hinablot ang basket na naka-lapag sa tabi ko at tinitigan ko ulit sa mga mata ang nanay ko. Humugot ako ng maraming hangin. “Sa araw na ‘to, dito na mawawala ang respeto ko sa inyo bilang nanay ko.”
Nilagpasan ko s’ya at nag-lakad palayo sa kan’ya.