"Hindi ko akalain na mayroon pa rin palang tao na gaya mo," walang emosyon na sambit ni Li Xie.
Halos mapatalon naman sa gulat ang babae nang makita niya na bigla na lamang lumabas mula sa dilim si Li Xie.
"Sino ka?! Huwag kang makisali rito! Sa akin ang mana stone na iyan dahil napusuan ko itong ibigay sa kapatid ko!" sambit ni Lin Ai Ying at pinilit na alisin sa usapan si Li Xie.
Alam ni Lin Ai Ying na hindi pangkaraniwan si Li XIe at alam niya na malakas ito dahil sa hindi man lang niya naramdaman ang presensya nito. Ayaw niyang magkaroon ng kaaway na gaya niya at kung magpupumilit ito na humarang sa kaniya ay hindi niya ito hahayaan.
"Dahil lang ba sa napusuan mo ito ay kaya mo gustong kunin ito ng sapilitan sa kaniya? Miss, kung iisipin mo, iyang ibibigay mo sa kaniya ay doble, triple o limang beses pa ngang mas malaki sa makukuha niya sa auction kaya bakit naman nga niya ibibigay sa iyo iyan?" walang emosyon na sambit ni Li Xie.
"Hindi mo ba ako kilala ha?! Ako ay isa sa mga Prinsesa ng imperyong ito kaya magbigay ka nang galang sa akin! Isa pa, kasama ko ang ika-walong Prinsipe ng Imperyo. Gusto mo ba na ipatanggal ko iyang ulo mo sa kaniya, ha?!"
Tumaas naman ang kilay ni Li Xie at kaniyang ipinag-krus ang kaniyang braso. "Una sa lahat, wala akong pakialam kung sino ka o kung sino man ang kasama mo sa lugar na ito. Pangalawa, royalty, noble o commoner man ay kailangan na sumunod sa batas ng Central Market. Pangatlo, para sa kaalaman mo, itaga mo riyan sa maliit na utak mo na ang lugar na ito, ang lahat ng tao rito ay walang pakialam sa kung anong estado mayroon ka sa buhay. Kaya kung gusto mo na manatili rito ng walang problema ay ayusin mo iyang ugali mo!" Lumingon naman si Li Xie sa matandang kaniyang tinulungan. "Umalis ka na," sambit nito.
Matapos magpasalamat ng matandang lalaki ay kaagad itong kumaripas ng takbo patungo sa auction house.
"You! Pinatakas mo siya! Sa akin ang mana stone na iyon!"
"Bakit ikaw ba ang nakakuha?"
"Argh! Isusubong kita sa kuya ko! Sisiguraduhin ko na magsisisi ka!"
Ngumiti naman nang malawak si Li Xie. "Oh? Sige, sabihin mo sa kaniya na I'm so disappointed to him that he- an upright person can tolerate an arrogant person such as yourself. Also, don't forget to tell him that he can take an opportunity he had to take my head if he can," sambit ni Li Xie.
Napanganga naman si Lin Ai Ying nang sabihin iyon ni Li Xie at nang marinig niya ang sigaw ni Lin Xui Ying hindi kalayuan ay kaagad niya itong nilingon. Napangisi siya dahil alam niya na hindi kakayanin ng babaeng iyon na kalabanin ang kaniyang kapatid.
"Brother Xui Ying!" naiiyak na sambit ni Lin Ai Ying.
Napakunot naman ang noo ni Lin Xui Ying. "Anong ginagawa mo rito?"
"Mayroon akong napusuang mana stone at gusto kong iregalo sa iyo iyon ngunit ang lalaki hindi pumayag dahil gusto niya na ibenta ito sa auction house. Tapos may babae na nakisali, malakas siya brother Xui Ying. Ang babaeng iyon-" Lumingon naman si Lin Ai Ying sa kinatatayuan ni Li Xie kanina ay wala na ito roon kaya naman nakitaan ni Lin Xui Ying ng takot ang mukha nito.
"Babae?" takang pag-uulit ni Li Xie.
Tumango naman si Lin Ai Ying at hinawakan ang laylayan ng manggas ni Lin Xui Ying. "Brother Xui Ying, ang babaeng iyon hindi siya ordinaryo. Bigla bigla na lamang siyang sumulpot sa pagitan namin noong lalaki at hindi ko kaagad siya naramdaman. Kung titingnan para siyang kaisa ng dilim- hindi, parang siya mismo ang dilim. Brother Xui Ying, ipaghiganti mo ako, brother Xui Ying! Sabi pa nga niya na kung kaya mong tanggalin ang ulo niya ay gawin mo. Hinahamon ka niya bro-"
Hindi naman natapos ni Lin Ai Ying ang kaniyang sasabihin nang magsalita bigla si Lin Xui Ying.
"Sinubukan mong magnakaw ng bagay na hindi naman sa 'yo tapos ngayon gusto mo parusahan ko ang taong nagligtas sa lalaking nanakawan mo?" sambit ni Lin Xui YIng at hindi na talaga natutuwa sa ginagawa ni Lin Ai Ying. "Lin Ai Ying, baka nakakalimutan mo, ano mang oras pwede kitang iwan sa lugar na ito ng hindi mo nalalaman. Kung hindi mo aayusin iyang ugali mo iiwan talaga kita rito," galit na dagdag ni Lin Xui Ying.
Maraming tao ang nakarinig ng kanilang usapan at dahil doon ay namula sa hiya si Lin Ai Ying. Napakagat ito ng ibabang labi at pinilit niyang kumalma. Iniisip ni Lin Ai Ying ang mga sinabi sa kaniya ng kaniyang ina at ang misyon niyasa oras na iyon ay ang mapalapit kay Lin Xui YIng.
'Lin Xui Ying, darating ang araw na magiging malapit ka rin sa akin. Lahat ng ito, lahat ng ginawa mong pagpapahiya sa akin ay sisiguraduhin ko na babalik sa iyo ng doble.'
Dahil sa inis ni Lin Ai Ying ay lumipat siya ng matutuluyan at wala namang pakialam si Lin Xui Ying doon. Nagbigay lamang siya ng dalawang kawal na magbabantay kay Lin Ai Ying at magsasabi sa kaniya ng mga galaw ng dalaga.
Nang mag-isa na lamang si Lin Xui Ying sa kaniyang silid ay napangiti ito dahil nalala niya na ang babaeng nakausap ni Lin Ai YIng ay ang babaeng kaniyang hinihintay.
"Ganyan ka ba talaga kasaya na malamang narito rin ako?" tanong ni Li Xie habang siya ay nasa kadiliman.
Halos mapatalon si Lin Xui Ying sa gulat at napatingin sa pinanggalingan ng boses. Nakita niya si Li Xie na naglakad patungo sa kaniya at unti unting nakita ni Lin Xui Ying ang maamong muha ni Li Xie.
"Xie..." mahinang banggit ni Lin Xui Ying sa pangalan ni Li Xie.
"What? Miss me?" Nakangiting tanong ni Li Xie at niyaya niya si Lin Xui Ying na yakapin siya.
Nang makita naman ito ni Lin Xui Ying ay kaagad na sinunggaban naman ni Lin Xui Ying si Li Xie nang mahigpit na yakap. Natawa na lamang si Li Xie dahil sa higpit nito at ramdam na ramdam niya ang pagkasabik ni Lin Xui Ying sa kaniya.
Nagkatitigan siilang dalawa at agad na naglapat ang kanilang labi. Sa paglapat ng kanilang mga labi ay ang pag-iinit ng kanilang pakiramdam. Habang lumalalim ang kanilang halik ay nararamdaman naman ni Li Xie ang paggapang ng kamay ni Lin Xui Ying sa katawan ni Li Xie hanggang sa hindi na nila napansin pa na wala na silang saplot at muli nilang pinagsaluhan ang gabi bilang isa.
Nang matapos sila ay nakahiga si Li Xie sa kaliwang braso ni Lin Xui Ying at nakayakap dito. Samantala, si Lin Xui Ying naman ay nakatagilid at yakap rin si Li Xie.
"We meet again," sambit ni Li Xie.
Mahina naman na natawa si Lin Xui Ying. "Akala ko wala ka nang balak pa na kitain ako. Hindi mo ako pinansin sa auction house tapos iniwasan mo rin ako ng dalawang araw," pagrereklamo ni Lin Xui Ying.
"Huh? Iniwasan? Hindi kita iniwan!"
"Kung hindi mo ako iniwasan e bakit hindi mo ako hinanap noong matapos tayong magkita sa auction house? Hindi lang iyon, hindi mo rin ako hinintay noong araw na iyon."
Sandali naman napatigil si Li Xie at saka napaisip. "Hindi talaga kita hinintay dahil ayoko na malaman nila na mayroon tayong koneksyon. Ano mang oras ay malalaman na ng babaeng kalaban ko na narito ako at ayoko na madamay ka sa away na mayroon kami. Panaglawa, abala ako sa paghahanap ng magandang lupa na pagtaniman ng kape rito sa Central Market ngunit bigo ako dahil sa dawalang araw na ginugol ko lahat ng lupa rito ay hindi maaring taniman ng kape," kaagad aman na paliwanag ni Li Xie.
"Hindi mo ako iniwasan?"
"Bakit naman kita iiwasan?" Taas kilay na sambit ni Li Xie. "Ah, oo nga pala, 'yung kapatid mo may sinabi ba siya sa iyo?"
"Huh? Bakit meron ba dapat?" tanong ni Lin Xui Ying.
"Oo, meron. May pinapasabi ako e,"
Ngumisi naman si Lin Xui Ying. "Ano iyon?"
"I told her that I am disappointed with you by tolerating such arrogant brat like her. Also, if you want my head as she said then feel free to take it and that is if you can." Nakangisi na sambit ni Li Xie.
Mahina naman na natawa si Lin Xui Ying. "Hindi ko naman siya hinahayan. Isa pa, dapat ako lang talaga mag-isa ang narito pero dahil sa pabor ni Mother Empress ay napilitan akong isama ang babaeng iyon. Wala siyang magandang mabibigay sa akin at isa pa, kasabwat siya ni Lin Jun."
"Hmm? 'Yan ba 'yung lalaking gusto na pumatay sa 'yo?" Kunot noong tanong ni Li Xie at tumango naman si Lin Xui Ying. "Oh? 'Yun naman pala e, bakit mo pa kasama?"
"Wala akong magagawa. Utos,"
"Pinapabantayan sa iyo?"
"Oo,"
"Then, we can't do something about it. I miss you, I'm glad I see you again. I love you."
Kaagad naman na namula si Lin Xui Ying nang marinig niya ang mga sinabi ni Li Xie at mahina naman na natawa si Li Xie nang makita niya ang reaksyon ni Lin Xui Ying.
"Ano? Hindi mo ako na-miss? Walang I love you, too ba riyan?" pang-iinis naman ni Li Xie.
Hinalikan ni Lin Xui Ying ang tuktok ng ulo ni Li Xie at sinabing, "I miss you, too. I love you, too."