Maaga nang magising si Li Xie at iiwan sana niya si Lin Xui Ying habang hindi pa ito nagigising ngunit nang makasuot na siya ng damit ay kaagad naman na narinig niya ang boses ni Lin Xui Ying.
“Pagkatapos ng mga nangyari sa atin iiwan mo na lamang ako?” tanong ni Lin Xui Ying na may nakakalokong ngiti sa kaniyang mga labi.
Umirap naman kaagad si Li Xie at sinabing, “Magkikita rin naman tayo mamaya sa auction house.”
“Iba pa rin naman kung sabay tayo na pupunta roon,” sambit ni Lin Xui Ying at saka ito umupo.
“Ying, alam mo naman siguro na ayokong malaman ng mga tao rito na may kaugnayan ako sa 'yo. 'Di ba?”
“Alam ko naman iyon, pero bakit? Kinakahiya mo ba ako?”
Tumaas ang kilay ni Li Xie at hindi makapaniwala na tumingin kay Lin Xui Ying. "Nagpapatawa ka ba? Hindi mo ba naririnig ang sinasabi mo?" taas kilay na sambit ni Li Xie.
Kaagad naman na kumalabog ang dibdib ni Lin Xui Ying nang marinig niya ang tanong na iyon lalo pa sa tono na gamit ni Li Xie. Hindi niya alam pero talagang takot siyang magalit ito.
"Nagtatanong lang naman," kinakabahan naman na sagot ni Lin Xui Ying.
"Pwes, hindi ako natutuwa sa tanong mo." Naglakad si Li Xie palapit kay Lin Xui Ying at saka ito naupo sa hita ni Lin Xui Ying. "Hindi naman sa kinakahiya kita kundi dahil sa mga kalaban ko. Alam ko na alam mo na pinaghahanap pa rin ako lalo pa at alam ko na pinapaimbistigahan mo na ngayon ang tiyain ko," sambit ni Li Xie.
Napatango naman si Lin Xui Ying. "Pinaimbistigahan ko nga siya. Galing siya sa Bai Family main branch at isa nga siyang black magic user," sambit ni Lin Xui Ying at hinawakan nito ang kamay ni Li Xie. "Xie, hindi mo ba talaga gusto na tumulong ako?"
Tinitigan ni Li Xie ang mga mata ni Lin Xui Ying at nakita niyang nag-aalala ito. Napabuntong hininga naman si Li Xie dahil alam niya na hindi naman talaga maiiwasan ni Lin Xui Ying ang hindi mag-alala.
Hinalikan ni Li Xie ang labi ni Lin Xui Ying. "Huwag kang mag-alala kung may mga bagay man akong hindi kayang gawin ay sisiguraduhin ko na ikaw ang una kong hihingian ng tulong." Tumayong muli si Li Xie at hinila na rin naman niyang tumayo si Lin Xui Ying. "Tumayo ka na riyan dahil ang arogante mong kapatid mo," dagdag nito.
Kaagad din naman na napasimagot si Lin Xui Ying dahil sa makikisama na naman siya sa babaeng ayaw niyang kasama. Natawa na lamang si Li Xie sa naging reaksyon ni Lin Xui Ying kaya naman lumabas na ito ng silid ni Lin Xui Ying at nasaktuhan naman na nakita siya ni Wang Wei kaya naman inilagay niya ang kaniyang kanang hintuturo sa kaniyang bibig at saka ngumiti na may kasamang pagkindat.
Dahil doon ay kaagad naman na namula ang mukha ni Wang Wei at nagmamadaling bumaba sa ikalawang palapag. Pumasok si Li Xie sa kaniyang silid at ilang sandali pa ay naramdaman na niya na may dumaan sa kaniyang silid at naging maingay sa silid katabi ng silid niya.
'Wews, kung ganiyan kaingay si Li Muen baka nasapak ko na iyon. Mabuti na lamang at kahit na mareklamo siya ay hindi siya ganito kadaldal.'
Rinig na rinig ni Li Xie ang pagkatok at pagtawag ni Lin Ai Ying sa silid ni Lin Xui Ying. Bago pa man siya magtungo sa kaniyang system ay umiling iling na lamang ito.
Naligo at nagpalit lamang ng damit si Li Xie at saka sandaling naglagay ng kaunting palamuti sa kaniyang mukha. Matapos noon ay lumabas na siya at naramdaman niya na wala na sa loob ng gusali sina Lin Xui Ying kaya naman lumabas na rin siya gamit ang bintana. Walang nakakaalam na si Muxie ay ang babaeng nagbebenta ng mga mahahalagang bagay na may kinalaman sa mahika kaya naman wala ring balak si Li Xie na ipaalam ito.
Nang makarating siya sa auction house ay kita niya na mahaba ang pila sa bukana kaya naman kaagad siyang nagtungo sa likod na daanan na para lamang sa mga taong may kakayahan na magbenta ng ilang bagay na mas mahal pa sa pangkaraniwan. Nang makita siya ng guwardiya na nagbabantay ay kaagad niya na tinawag ang isang babae upang ihatid si Li Xie sa kaniyang silid. Ang babaeng ito ay siyang babae na naghatid sa kaniya sa unang pagpunta niya rito.
"Miss, ang silid na iyong gagamitin po ngayong gabi ay ang unang silid na ginamit mo po," sambit ng babae.
Tumango naman si Li Xie. "E ang silid ng Prinsipe at Prinsesa ng Imperyo, saan?"
Nagtaka naman ang babae ngunit nagtanong pa rin ito. "Nag-aalala ka po ba dahil sa ugali ng Prinsesa? Huwag ka pong mag-alala hindi po iyon hahayaan ng Prinsipe. Isa pa po, tatlong silid ang agwat ng iyog silid sa silid nila," kaagad na pagpapaliwanag ng babae.
Tumango naman si Li Xie at hindi niya pinakita ang pagkadismaya sa sinabi ng babae. Hindi siya natatakot dahil sa Prinsesa at dismayado siya dahil hindi man lang niya mariringi kung ano ang mga sasabihin ng Prinsesa para lamang mapalapit kay Lin Xui Ying.
'Tsk, that btch. Kung alam ko lang na malayo sila sa kwarto na gagamitin ko e 'di... sandal-'
Tumigil sa paglalakad si Li Xie at saka naman nagtatakang tiningnan siya ng babaeng maghahatid sa kaniya.
"Miss? May problema po ba?"
"Mayroon bang nagmamay-ari ng silid na katabi ng Prinsesa at Prinsipe?" tanong ni Li Xie.
Umiling naman ang babae. "Wala po," sagot nito.
Kaagad naman na napangiti si Li Xie at sinabi niyang gusto niya na siya ang umukupa nito. Nagtataka man ang babae ngunit wala naman siyang magawa kaya naman inihatid na muna niya si Li Xie sa kaniyang dapat na silid at sinabian itong babalik siya sa ilang sandali lamang. Kailangan niya itong ipaalam kay Lucas.
Nang makarating ang babae sa opisina ni Lucas ay nakita niya na naroon ang Prinsipe kaya naman kaagad siya na nagbigay ng galang. Nakita ni Lucas na nagdadalawang isip ang babae kaya naman kaagad niya itong tinanong.
"May problema ba kay Miss?" tanong ni Lucas.
Kaagad naman na umiling ang babae. "Wa-wala pong problema ang kaso..."
Kumunot naman ang noo hindi lamang ni Lucas kundi pati na rin ni Lin Xui Ying dahil kilala niya kung sino ang tinutukoy ni Lucas na Miss.
"Kaso ano?" tanong ni Lucas.
"Kaso po ang gusto niya ay ang silid katabi ng silid nina Prinsipe Lin Xui Ying at Princess Lin Ai Ying." Yumuko kaagad ang babae at takot na mapagalitan.
Sandali naman na natahimik ang silid at ang narinig na lamang ng babae ay ang pagpayag ni Lin Xui Ying. Dahil doon ay agad agad din naman na umalis ang babae.
Nang makarating ang babaeng maghahatid kay Li Xie sa kaniyang silid ay nakita niya na nagkakagulo sa lugar ni Li Xie kaya naman kaagad na bumundol ang kaniyang kaba sa dibdib. Nang makalapit naman siya at makita kung sino ang magkaaway ay mas lalo pa siyang namutla.
Kasalukuyan na nagbabatuhan ng masasakit na salita sina Lin Ai Ying at Li Xie.
'Akala ko swerte ako ngayong araw dahil narito si Miss pero malas pa rin pala kapag narito ang Prinsesang ito,' inis na sambit ng babaeng maghahatid kay Li Xie sa kaniyang isipan.
"Hindi ko alam kung anong problema mo pero sinasabi ko sa 'yo, 'yan ang kapa na binigay ng aking Mother Empress sa aking ika-walong kapatid na lalaki!"
Ipinag-krus naman ni Li Xie ang kaniyang braso at saka sinabing, "Ano? Tapos ka na ba? Hindi ko ako nasabihan, marunong na pala magsalita ang aso?"
Dahil sa marami rami nang tao ang nasa paligid ay nagtawanan ang mga ito. Alam nila kung anong ugali mayroon si Lin Ai Ying kaya naman maging sila ay hindi natutuwa rito.
Uminit pa ang sagutan hanggang sa nainis na si Lin Ai Ying at sumugod ito. Kung hindi mabilis an kumilos si Li Xie ay sigurado na mapupuruhan siya. Ganoon pa man, nahuli siya ng ilang segundo para umiwas kaya naman natanggal ang nakatakip sa kaniyang ulo at kaagad naman na nakita ng lahat ang aking ganda ni Li Xie.
"Lin Ai Ying!" sigaw ng isang lalaki na nagbigay ng gulat sa puso ng lahat.
'Great, my mysterious vibe is over. Thanks to this certain btch!'
Inis na tininang ni Li Xie si Lin Ai Ying at ibinalik ang nakatakip sa kaniyagn ulo.
"Sa susunod bago ka magsalita alamin mo muna ang mga sinasabi mo. Pangalawa, anong paki ko sa gaya mo? Ano ngayon kung Prinsesa ka? baka nakakalimutan mo, nasa Central Market ka. Para sa kaalaman mo, ang lugar na ito ay walang pinapaburan isa ka mang galing sa mayamang pamilya, royaly, o isa ka mang mahirap. Kung gusto mo na maging maayos ang paninirahan mo rito ang masasabi ko lang ay... ayusin mo ugali mo," inis na sambit ni Li Xie.
Kaagad na nagalit at nagsilabasan naman ang mga ugat ni Lin Ai Ying sa kaniyang ulo.
'Sino ka para ipahiya ako!'
"Brother Xiu Ying! Narinig mo iyon, hindi ba isa iyong insulto sa atin?!"
"Lin Ai Ying! Shut up!"
Napangisi naman si Li Xie nang pamihim. ‘Great, at least alam niya kung paano umarte. Hump! Humanda ka sa aking babae ka. Ngayon na alam na ng lahat ang aking mukha sisiguraduhin ko na mawawalan ka ng alaala.’