A COMMOTION

1088 Words
"Hindi mo ba ako kilala, ha? Kagabi ka pa! Hinayaan mo na ngang makatakas ang lalaking 'yung tapos hanggang dito ba naman?!" sigaw ni Lin Ai Ying. Dahil sa ingay ni Lin Ai Ying ay nagsilabasan ang mga tao sa loob ng ikalawang palapag kung saan ang mga taong naroon ay may mga estado sa buhay. Ito ang gusto mangyari ni Lin Ai Ying, ang mapahiya si Li Xie dahil sa pagpapahiya niya noong gabi na hinayaan niya na makatakas ang lalaking kukuhanan niya ng mana stone. Tiningnan lang naman siya ni Li Xie at hindi naman nagsalita. Hinayaan lamang niya si Lin Ai Ying na magsalita at wala siyang balak na makipaglaban sa kaniya dahil sa maganda ang gising niya. Nagising siya kasama ang kaniyang nobyo, sino ba ang hindi gaganda ang gising? "Ano?! Hindi ka ba magsasalita?! Nahihiya ka ba na ipaalam ko sa lahat ang ginawa mo, ha?!" 'Ano ba itong babaeng ito? Wala ba siyang alam na gawin kundi ang tumahol?' sambit ni Li Xie sa kaniyang isipan. Ipinag-krus ni Li Xie ang kaniyang braso at saka lamang niya tinitigan ang babaeng akala mo ay aso na tumatahol sa kaniyang harapan. Hindi man nila nakikita ang mukha ni Li Xie ay alam na nila na hindi interesado si Li Xie sa mga sinasabi ni Lin Ai Ying. Isa pa, alam din ng mga tao sa ikalawang palapag ng auction house ang ugali ni Lin Ai Ying kaya naman nang ituring ni Li Xie ng ganito si Lin Ai Ying ay palihim silang naging masaya. Ganoon pa man, nag-aalala rin naman sila para kay Li Xie ngunit nang makita nila na wala itong pakialam ay alam nila na may kung ano o sino na nasa likuran ni Li Xie upang siya ay protektahan. "Ang punto mo ay?" walang ganang sambit ni Li Xie kaya naman namula sa galit si Lin Ai Ying. Hindi makapaniwala si Lin Ai Ying na mayroong tao na walang pakialam sa kaniyang buhay at higit sa lahat mayroon pa rin palang tao na hindi siya tinuturing na isang prinsesa. Dahil sa kahihiyan na ito ay mas lalo pang nagalit si Lin Ai Ying at nag-iisip na na gumamit ng dahas. "You! Hindi mo ba ako kilala, ha?! Ako ay isang Prinsesa ng imperyo! Sino ka para hindi ako bigyan ng galang, ha?! You peasant piece of sht!" sandali naman na napatigi si Lin Ai Ying nang makilala niya ang kapa na suot nito. Kaagad naman na napangiti ng nakakaloko si Lin Ai Ying dahil sa nakita niya. Alam niya na ito ang kapa ni Lin Xui Ying na binigay ng kanilang Mother Empress at dahil sa bigay ito ng Empress ay isa itong mahalagang bagay. Hindi basta basta pwedeng suutin ng mga normal na tao lamang ang mga bagay na ito lalo na kung walang pahintulot ng taong pinagbigyan nito. 'Ano na naman kaya ang iniisip ng babaeng ito at ganiyan siya makangiti? Nababaliw na ata ito,' sambit ni Li Xie sa kaniyang isipan. "Hindi ko alam kung ano ang problema mo pero sinasabi ko sa 'yo, 'yan ang kapa na binigay ng aking Mother Empress sa aking ika-walong kapatid na lalaki!" Dahil sa sinabing iyon ni Lin Ai Ying ay kaagad pa na nagkaroon ng mga kuryusidad ang mga taong nanonood. Para sa kanila, kung totoo man ito ay malalaman at malalaman din nila kung anong mayroon kay Li Xie na isang misteryosong babae at sa isa sa mga Prinsipe ng Imperyo. Kung hindi naman ay siguradong makakatikim na naman si Lin Ai Ying ng masasakit na salita galing kay Lin Xui Ying. Kilala nila si Lin Ai Ying at talagang para sa kanila ay bukod sa kaniyang mga nakakatandang kapatid at malalakas na kapatid pati na rin sa kaniyang tunay na ina at sa Empress at Emperor ay wala nang mas mataas sa kaniya. Ito ang dahilan kung bakit hindi magkalapit sina Lin Ai Ying, Lin Xui Ying, Lin Jing, at Lin Rin. Para kina Lin Jing, Lin Xui Ying, at Lin Rin, si Lin Ai Ying ay isang sakit sa ulo na walang ibang ginawa kundi ang ipagmalaki ang kaniyang sarili. Isa pa, para sa kanila wala na silang pakialam pa rito. Alin man sa dalawa parehas lamang nila ito susubaybayan dahil parehas naman sa kanila magbibigay ng magandang palabas. Ngunit ang karamihan sa mga tao na nanonood ay mas gustong makita na nagagalit si Lin Xui Ying kay Lin Ai Ying. Lalo na ang mga taong nakalaban at may sama ng loob kay Lin Ai Ying. Nag-krus naman ng braso si Li Xie at ramdam naman niya na papalapit na ang isang pamilyar na tao kaya naman hindi na niya kailangan pang mag-alala. Ganoon pa man dahil sa nag-umpisa na si Lin Ai Ying sa kaniya ay hindi niya ito papalagpasin. "Ano? Tapos ka na ba? Hindi naman ako nasabihan, marunot na pala magsalita ang mga aso?" Tawanan ng mga tao na nakapaligid ang narinig ni Lin Ai Ying dahilan para mas magalit pa siya hindi lamang kay Li Xie kundi pati na rin sa mga taong nasa paligid. Gusto niyang pugutan ng ulo ang lahat ngunit hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin, hindi niya alam kung bakit walang rumerespeto sa kaniya sa lugar na ito. "You!" Kaagad naman na gumalaw si Lin Ai Ying at kahit naman na nakailag si Li Xie ngunit nahuli pa rin naman siya ng ilang segundo kaya natanggal ang nakatakip sa kaniyang ulo. Dahilan para makita ng lahat ang inosenteng mukha ni Li Xie. Dahil sa bulungan at mga kumento na mayroon ang mga tao kay Li Xie at narinig ito nang kakarating lang na si Lin Xui Ying ay nagpa-init ito sa kaniyang ulo. Lalo pa at ang dahilan nito ay si Lin Ai Ying at hindi niya hahayaan na makawala pa ang babaeng ito. "Lin Ai Ying!" Dahil sa gulat ay napatingin ang lahat at nakita nila si Lin Xui Ying na kakarating lamang. Alam nila na makakapanood sila ng isang magandang palabas kaya naman walang umalis sa kanila at lahat sila ay gustong makita at mapanood ang gagawin ni Lin Xui Ying. Titingnan nila kung sino ang kakampihan ni Lin Xui Ying. Ang kaniyang kapatid na wala sa tamang rason o ang isang misteryosong babae na walang nakakaalam kung sino iyon. "Sino kaya ang kakampihan ng prinsipe?" "Sino kaya ang makakatanggap ng parusa?" Samu't saring mga usapan ang naririnig ni Li Xie ngunit alam niya sa kaniyang sarili kung sino ang kakampihan ni Lin Xui Ying.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD