Natahimik ang paligid at walang may gustong magsalita. Kaagad naman na nahati ang kumpol ng tao at nagbigay ng daan kay Lin Xui Ying at hindi na rin naman kailangan pa ni Lin Xui Ying na huminto sa kaniyang paglalakad dahil sa bilis ng paghati ng kumpol ng tao at pagbibigay sa kaniya ng daan.
"Brother..."
Isang malamig na tingin ang natanggap ni Lin Ai Ying mula kay Lin Xui Ying at hindi naman makapaniwala si Lin Ai Ying na ganoong klaseng trato ang matatanggap niya kay Lin Xui Ying. Ang kaninang ngiti niya ay nagbago at unti unting nawala.
'You dare to give me that kind of treatment? Humanda ka lang at isusumbong kita kay Mother Empress.'
Yumuko naman si Li Xie sa harapan ni Lin Xui Ying upang ipakita ang kaniyang paggalang at kinagulat naman ito ng lahat. Doon ay nakita nila na iba ang trato ni Li Xie kay Lin Xui Ying at nagbigay pa siya nang paggalang.
"Lin Ai Ying, sabihin mo..." sandali na tumigil si Lin Xui Ying at tumingin sa kapatid niya ngunit wala itong kaemo-emosyon. "Ano itong gulo na ginawa mo?" tanong nito.
Napayukom ang kamao ni Lin Ai Ying dahil sa tanong ni Lin Xui Ying. Kung titingnan ay parang isa lamang itong simpleng tanong at kung hindi naman bubusisiin ang kaniyang tono ay masasabing kinakampihan ni Lin Xui Ying si Lin Ai Ying.
"Sabi na nga ba si Princess Ai Ying pa rin ang kakampihan ni Princess Xui Ying,"
"Malamang kapatid niya iyan talagang kakampihan niya."
"Hump! Kung ako kay Prince Xui Ying sasabihan ko si Princess Ai Ying,"
"Sino ba tayo para magsalita ng ganiyan, hinid ba?"
Kung ano anong mga kumento ang binibigay ng mga nasa ikalawang palapag. Mayroong mga nagsabi na ang kakampihan ni Lin Xui Ying ay si Lin Ai Ying, mayroon namang sinasabing si Li Xie ang kakampihan, at mayroon din namang nagsasabi na wala itong kakampihan at parehas bibigyan ng parusa.
Ganoon pa man, walang nakakaalam sa mangyayari kaya naman lahat sila ay naghihintay sa gagawin at sasabihin ni Lin Xui Ying.
"Brother Xui Ying! Hindi ba at nawawala ang iyong kapa? Hindi ka ba nagtataka na ang kapa na suot ng babaeng ito ay ang kapa mo? Hindi ba si Mother Empress ang nagbigay nito sa iyo?" sunod sunod na sambit ni Lin Ai Ying at pinipilit at pinagdidiinan niya ang tungkol sa kapa ni Lin Xui Ying.
Tiningnan naman ni Lin Xui Ying si Li Xie ngunit nakatakip nang muli ang kaniyang mukha na siya namang kinagusto ni Lin Xui Ying. Wala nang makakakita pa sa mukha ni Li Xie at wala nang maghahangad pa rito kaya naman nagustuhan niya ang ginawa ni Li Xie. Ganoon pa man, hindi pa rin mawala sa isipan ni Lin Xui Ying ang ginawa ni Lin Ai Ying dahilan upang makita ng lahat ang mukha ni Li Xie.
"Brother Xui Ying, parusahan mo ang babaeng iyan! Isa pa, wala siyang galang sa akin," dagdag ni Li Xie.
Natahimik ang lahat at hindi nagsalita ang lahat. Lahat ay inaabangan ang sasabihin ni Lin Xui Ying at naghihintay sa kung ano ang kaniyang gagawin.
"Hmm? Hindi mo ba alam na ako mismo ang nagbigay sa kaniya niyan noong una kaming nagkakilala?" walang emosyon na sambit ni Lin Xui Ying.
Kaagad naman kinakitaan ang mukha ni Lin Ai Ying nang pagkagulat. Hindi lamang si Lin Ai Ying ang nagulat kundi pati na rin ang mga taong nasa ikalawang palapag ng auction house kasama na rin si Li Xie.
Hindi makapaniwala si Li Xie na si Lin Xui Ying na mismo ang nagsabi nito sa lahat ng tao sa loob ng ikalawang palapag.
'Lin Xui Ying, humanda ka sakin kapag magkasama na tayong dalawa,' sambit ni Li Xie sa kaniyang isipan. 'But at least you are willing to embarassed your sister than to take her side,' dagdag pa niya.
"Brother, hindi ako ang may kasalanan! Sige, sabihin natin na binigay mo nga iyan pero malay ko ba, 'di ba?! Isa pa, kasalanan pa rin niya dahil siya nagbigay nang galang sa akin!"
Napayukom na lamang ang kamao ni Lin Ai Ying at talagang pinagpipilitan niya ang lahat.
"Hindi ko alam kung anong problema mo sa akin," sambit ni Li Xie at napatingin naman lahat sa kaniya. "Ang sakit na sa tenga ng boses mo," dagdag na sambit ni Li Xie at naghintay ang lahat sa kaniyang sasabihin. "Dahil hindi ka naman marunong umintindi at tumigil sige, pagbibigyan kita. Tutal gusto mo rin naman na malaman ng lahat ang nangyari sa pagitan natin sige, sasabihin ko. Unang una sa lahat, wala kang karapatna na pigilan ang isang tao na magbenta rito sa auction house."
"Pigilan? Wala akong pinipigilan!"
"Oh? Hindi ko alam kung nasaan ang utak mo," dagdag ni Li Xie. "Hindi ko alam kung nasa ulo mo ba ang utak mo o nasa talampakan mo. Unang una sa lahat, sinabihan ka ng lalaki na ibebenta niya ang kaniyang mana stone sa auction pero anong ginawa mo? Kung hindi pa ako nakisali siguradong kawawa ang lalaking iyon. Pangalawa, hindi ba kaya ka narito sa harap ng silid ko ay dahil sa gusto mo akong makausap upang ikaw na mismo ang bibili ng element stone?" Taas kilay na sambit ni Li Xie.
Kaagad naman nagbigay ng masamang tingin si Lin Xui Ying at saka nagtanong, "Totoo ba sinabi niya?"
"Brother, gusto ko lang-"
"Nasaan ka ngayon?" malumanay na tanong ni Lin Xui Ying.
Malumanay ngunit ramdam na ramdam ng lahat ang kakaibang awra na mayroon si Lin Xui Ying. Hindi nila alam kung galit ba ito o kung talagang wala lang sa kaniya ang lahat.
"Hindi ba sinabi ko sa 'yo na sa lugar na ito walang royal-royalties?! Lahat ng tao rito ay pantay pantay at ang mga pagbibigay galang sa lugar na ito ay para lamang sa mga taong talagang karapat dapat! Kung gusto mo na galangin ka sa lugar na ito siguraduhin mo na marunong ka rin gumalang sa iba!"
Halos mapatalon ang lahat sa gulat dahil sa biglaang pagsigaw ni Lin Xui Ying at maging si Lin Ai Ying ay hindi makapaniwala.
'Ah, kung hindi ito matatapos ng maaga siguradong matatagalan pa ang auction.'
Nang bumuntong hininga si Li Xie ay narinig ito ni Lin Xui Ying. Kung hindi lamang marunong si Lin Xui Ying na magtago ng kaniyang reaksyon at emosyon sa sarili ay makikita nila ang takot sa mukha nito.
Pinilit ni Lin Xui Ying na ikalma ang sarili niya at hindi niya alam kung matutuwa ba si Li Xie sa kaniyang ginawa na pagbulgar tungkol sa kaniyang kapa.
'Sana hindi ka galit, Xie.'
"Ngayong alam mo na hindi ko kinuha ang kapa na ito at naliwanag na rin sa harapan ng lahat ang tungkol sa lalaki na gusto mo nakawan ng mana stone. Gaya nang sinabi ko sa iyo noong una nating pagkikita, kung gusto mo na magtagal dito ayusin mo ang ugali mo."
Ramdam na ramdam ni Li Xie ang mana na lumalabas sa katawan ni Lin Ai Ying at isa lamang ang ibig asbihin nito- iyon ay hinahamon niya si Li Xie sa isang duwelo.
Magsasalita na sana si Lin Xui Ying dahil ramdam din niya ang mana na inilalabas ni Lin Ai Ying. Ang ilan sa mga tao sa ikalawang palapag ay naramdaman ang mana ni Lin Ai Ying lalo na ang nasa malapit ngunit ang mga nasa malayo layo ay hindi ito ramdam.
"Oh? Isang nasa biginner stage ay gusto akong hamunin sa labanan ng mana?" Nakangising sambit ni Li Xie.
Dahil doon inilabas ni Li Xie ang kaniyang mana at halos ang lahat maliban kay Lin Xui Ying ay nanginig sa takot. Ramdam na ramdam nila ang mana ni Li Xie at nasa pinaka huling lebel na ito ng specialty stage.
Kaagad na dumugo ang ilong ni Lin Ai Ying at nilapitan naman ito ni Li Xie.
"Sa susunod mamili ka ng kakalabanin mo, ano? Iyong hindi sana malamas upang hindi ka mapahiya." Nakangising sambit ni Li Xie at saka ito tumingin kay Lin Xui Ying. "Ikinagagalak kong makita kang muli Prinsipe Xui Ying huwag kang mag-alala ibabalik ko itong kapa mo."
Dahil sa sinabi ni Li Xie ay palihim naman na pinagpawisan nang palihim si Lin Xui Ying. Hindi niya alam kung seryoso ba si Li Xie sa kaniyang sinabi o hindi.
Umiling naman si Li Xui Ying. "Hindi na kailangan," sambit nito.
Tumango naman si Li Xie at tumingin sa babaeng naghatid sa kaniyang silid. "Okay na ba ang silid na hinihingi ko?" tanong ni Li Xie.
Kaagad naman na tumango ang babae, "Okay na po."
"Ihatid mo na ako roon," sambit ni Li Xie.
Hanggang sa mawala sa kanilang paningin si Li Xie ay hindi pa rin naman nawawala ang kaba na kaniyang nararamdaman. Ang mana ni Li Xie ay naiwan sa paligid at hindi sila makapaniwala na sa edad ni Li Xie ay nasa specialty stage na ito.
"Get your punishment later," sambit ni Lin Xui Ying at saka ito nagsimula nang maglakad.