Nakaabot ang pangyayari sa ikalawang palapag sa unang palapag kaya naman kaagad itong naging usap usapan ng mga tao na nasa ika-unang palapag. Alam nila ang ugali ni Lin Ai Ying at wala na rin sa kanila ang mga ginagawa nito kahit na ito ang una niyang pagkakataon na makatapak sa Central Market.
Hindi lang iyon, si Lin Ai Ying ay kilala bilang isang aroganteng prinsesa na wala nang ibang alam gawin kundi ang ipakalandakan sa lahat na isa siyang prinsesa, na dapat lamang siya na mabigyan ng maayos na pakikisama, kung ano ang ayaw niya iyon ang ayaw niya.
Dahil sa ganoong ugali ni Lin Ai Ying ay marami siyang nakakaaway at marami rin ang naiinis sa kaniya. Hindi lamang sa kaniyang ugali kundi pati na rin sa kaniyang pilit na pakikipaglapit sa mga malalakas na tao sa palasyo gaya na lamang ni Lin Xui Ying, Lin Jing, at Lin Rin.
Kaagad din naman na humupa ang usap usapan dahil sa pag-akyat ng isang lalaki sa stage at nagsabi na magsisimula na ang kanilang pagpapa-auction.
Tahimik ang lahat nang ilabas na ang unang bagay na ia-auction at ang mga nasa unang palapag ay naghahanda na rin para rito. Hindi man nila makuha ang pinaka magandang bagay nanibinebenta pero para sa kanila ay basta may nabili silang magagamit nila.
Ang mga lower at mid item ay kaagad na naubos at nang mag umpisa na ang bidding sa higher item ay kaagad na naramdaman ng lahat ang tensyon hindi lamang sa unang palapag kundi pati na rin sa ikalawang palapag.
“Ang unang item sa higher part auction!” sigaw ng lalaking tagapagsalita at mayroong isang babae na may hawak na lalagyanan at may takip ito.
'Hmm? Isang potion at isang pills?' takang tanong ni Li Xie sa kaniyang isipan.
“Come to think of it, may sinabi si Muen sa akin about sa kaniyang personal alchemist,” mahinang sambit ni Li Xie sa kaniyang sarili.
Ipinikit ni Li Xie ang kaniyang mata at pinakiramdaman ang paligid maliban sa silid ni Lin Xui Ying at ng kapatid nito na si Lin Ai Ying.
‘Hmm? Mag-isa lamang siya?’
May pinindot naman si Li Xie na bagay at kaagad din naman na pumasok ang babae na naghatid sa kaniya.
“Ang tao na nasa silid ng numero dos, gusto kong sabihin mo sa kaniya ang pangalan na Muen numero trese. ”
“Papapuntahin ko po siya rito o papalipatin na po?”
“Palipatin,” kaagad na sagot ni Li Xie.
Kaagad naman na tumango ang babae at saka ito umalis ng silid.
‘Kinakabahan ako. Dalawang misteryosong babae ang magsasama sa isang silid? Kilala kaya ni Miss X ang babaeng nagbenta ng pills?’ tanong ng babae sa kaniyang isipan.
Samantala sa silid ni Lin Xui Ying ay napakunot ang kaniyang noo nang maramdaman niya na may ibang pumasok sa silid ni Li Xie. Hindi niya mawari kung isa itong babae o hidni ngunit alam niya na mayroong ibang tao na kasama si Li Xie sa loob ng silid nito.
'Sino kaya iyon?' sambit ni Lin Xui Ying sa kaniyang isipan.
"Brother Xui Ying..."
Malamig na tiningnan ni Lin Xui Ying si Lin Ai Ying at saka nito sinabing, "Maghintay ka ng parusa mo,"
"Bakit ako paparusahan ang babaeng iyon hindi?!" galit na sambit ni Lin Ai Ying.
"Una sa lahat, ikaw ang unang nagsimula ng away. Pangalawa, labag sa batas ng auction house ang ginawa mo. Pangatlo, hindi mo kilala kung sino ang kinakalaban mo. Magpasalamat ka na lamang na wala siyang ginawa sa iyo,"
"Isa akong prinsesa! Bakit ako ang paparusahan!?"
"Prinsesa ka man o hindi sa lugar na ito wala iyon! Kaya kung ako sa iyo manahimik ka na lamang diyan at manood!" galit naman na sambit ni Lin Xui Ying.
Kaagad naman din na umiwas nang tingin si Lin Ai Ying nang makita niya ang masamang tingin sa kaniya ni Lin Xui Ying. Habang nakatago ang kaniyang kamay ay iniyukom niya ang kaniyang kamao. Hindi akalain ni Lin Ai Ying na mas pipiliin ni Lin Xui Ying ang ipahiya siya sa maraming tao at bigyan siya ng parusa kaysa sa babaeng isang beses pa niya nakita.
'Lin Xui Ying, kapag ako naging paburito ng Empress sisiguraduhin ko na hinding hindi mo ako magagalaw sa lahat ng bagay na gagawin ko! Sisiguraduhin ko rin na makakatikim sa akin ang babaeng iyon kahit saan siya magtago na lugar!'
Ramdam ni Lin Xui Ying ang sama nang tingin ni Lin Ai Ying ngunit nagkunwari na lamang siya na hindi niya ito naramdaman at pinanood lamang ang mga bagay na inaakyat sa entablado.
***
"Ikaw ay si?" tanong ng babaeng nakakapa rin nang makapasok ito sa silid ni Li Xie.
"Ikaw ba si Xu Lei Mei?" derektang tanong ni Li Xie. Kaagad naman na napa-atras si ang babae at naghanda sa kaniyang gagawin. Nang makita naman ito ni Li Xie ay kaagad niya na ibinababa ang nakatakip sa kaniyang ulo. "Huwag kang mag-alala, alam ko ang tungkol sa 'yo dahil kay Li Muen," sambit nito.
"Ikaw ay si?" pag-uulit ni Xu Lei Mei nang makita niya ang mukha ni Li Xie.
"Li Xie," sambit nito at kaagad na bumalik naman sa isip ni Xu Lei Mei ang tao na sinabi sa kaniya ni Li Muen na makakatulong sa kaniya. "ALam ko na alam mo ang tungkol sa akin," sambit ni Li Xie at itinuro ang upuan sa tabi niya. "Maupo ka. Rito ka na manood kasama ko," dagdag pa niya.
"Eto na ang pinakahihintay ng lahat!" sigaw ng tagapagsalita at kaagad na naghiyawan ang mga tao sa ibabang palapag. "Ang unang item!" dagdag na sigaw pa nito at saka naman nakita sa entablado ang babaeng mayroong may hawak na unan at nakatakip ito. "Eto ay isang mana bracelet! Ayon sa ekspertong sumusi ng pulseras na ito, ang pulseras na ito ay mayroong mana sa loob na kung saan ang taong nakasuot nito ay maililigtas sa ano mang kapahamakan. Kahit na isa pang ancient magic user ang manakit sa iyo ay maililigtas ka nito ng tatlong beses!"
Umingay naman ang paligid at hindi makapaniwala ang lahat dahil dito. Alam nila na ang mga lumang mga kagamitan na naiwan ng mga kanilang ninuno sa mga ruins ay talagang kakaiba at sigurado ang lahat na ang taong nagbenta nito sa auction house ay siyang pumasok sa ruins at nakakuha nitong kayamanan na ito. Dahil dito ay kaagad naman na nagsihanda ang mga tao sa ikalawang palapag.
Para sa mga nasa unang palapag, ang mga bagay na ino-auction na mga higher item ay ang mga bagay na kung saan silang pinaglalabanan ng mga nasa ikalawang palapag. Ang mga tao sa ikalawang palapag ay mga mayayaman at may mga kakayahan kaya naman alam nila na ang mga ganitong bagay ay talagang nakakapag-agaw ng pansin sa kanila.
"Ang simula ng bidding ay limang daang gold coins at tataas ng isang daang gold coins! Ang bidding ay magsisimula na!"
Nang sambitin ito ng tagapag-salita ay mayroon kaagad na mga nagbid at hindi ito naawat hanggang sa makaabot ng malaking halaga.
"Isang milyon at limang daang gold coins!" sambit ng nasa numero singko sa ikalawang palapag.
Tahimik ang lahat sa unang palapag dahil sa laki ng pera na inilabas ng nasa numero singko sa ikalawang palapag at talagang pinagapapawisan an sila sa laki nito.
"Isang milyon at limang daang gold coins sa ika-limang kwarto sa ikalawang palapag! Mayroon pa bang magbibid?!" sigaw ng tagapgsalita.
Nang wala nang magsalita ay kaagad nito inanunsyo na ang mana bracelet ay pag-aari na ng nasa ika-limang kwarto sa ika-dalawang palapag. Kaagad naman na bumaba ang babaeng may hawak ng mana bracelet at ibinigay ito sa isang lalaki na isang eksperto sa pakikipaglaban at saka siya naglakad patungo sa ikalawang palapag upang ihatid ang mana bracelet sa lalaking nagmamay-ari nito.
Samantala, sa silid nina Li Xie ay kitang kita ni Xu Lei Mei ang ngiti ni Li Xie.
"Sa 'yo ang mana bracelet na iyon? Hindi ba isa kang magic user? Bakti hindi mo iyon gamitin?" tanong ni Xu Lei Mei.
Ngumiti muna si Li Xie bago sagutin ang tanong ni Xu Lei Mei, "Hmm~ let's see..." Taimtim na tinitigan ni Li Xie ang mga tao sa ibaba at saka ito nagpatuloy sa kaniyang sasabihin. "Wala ako nitong paggagamitan. Mayroon akong mas magandang pantakas kaysa sa pulseras na iyan."
"Hindi lang 'yun ang binenta mo?" takang tanong ni Xu Lei Mei.
Tumango si Li Xie. "Kailangan ko ng sariling pera upang makapaghiganti," sambit nito at napatingin naman siya kay Xu Lei Mei. "Ikaw rin, hindi ba?"
Hindi naman sumagot si Xu Lei Mei ngunti alam niya na iyon din ang gagawin ni Xu Lei Mei kaya ito nasa Central Market. Dahil ang mga Xu na pamilya ni Lei Mei ay nasa Maqi Kingdom din ay kailangan din niya magkaroon ng pakpak rito.
Ang sumunod naman na ipina-bid sa entablado ay ang isang kwintas na mayroong malaking mana sa loob na pwedeng gamitin sa pagtakas. Isa rin itong sensasyon sa mga naroon dahil ang ganitong klaseng bagay ay isa sa mga bagay na ginagamit ng kanilang mga ninuno. Ganoon pa man, walang ni-isa sa imperyo ang kayang gumawa na ng ganoong gamit at iyon ang pinanghihinayangan ng lahat.
Ang pulseras ay nabili sa presyong isang milyon at limang daang ginto, ang kwintas naman ay nabili sa isang milyon at dalawang daang ginto.
"Now, one of my highlight," sambit ni Li Xie at napatingin naman sa kaniya si Xu Lei Mei ngunit hindi nagsalita.
"Ang mga qi user diyan humanda na kayo!" sigaw ng tagapagsalita at lahat ng mga mayroong kinalaman sa qi sa ikalawang palapag ay kaagad na natuon ang tingin sa babaeng papalapit. "Ang item ngayon ay isang..." Tinanggal ng tagapagsalita ang nakatakip at kitan niya ang dalawang aklat ng qi technique. "Ang dalawa sa labing limang aklat ng mga qi user noon ay natagpuan na at narito ngayon sa entablado!"
Malakas ang mga naging usapan hindi lamang sa unang palapag kundi pati na rin naman sa ikalawang palapag. Hindi alam ng mga nasa unang palapag kung magkano ang magiging bidding nito pero alam nila na malaki ito. Samantala, ang mga tao naman sa ikalawang palapag ay hindi alam kung ang kukunin ba nila ay ang dalawang qi technique na ito o ang elemental stone na pinaka huling ilalabas.
Dahil alam ng mga tao sa ikalawang palapag na masyadong magiging mahal ang elemental stone ay kaagad nilang napag-isip isip na ang kukunin na lamang nila ay ang qi technique book na ito.
"Ang umpisa ng bidding ay dalawang daang milyong gold coins!" Nagbulungan naman ang mga tao sa ika-unang palapag at hindi nila akalain na ganito kamahal ang umpisang bidding. "Ang dagdag ng bidding ay..." kaagad naman na pinutol ng tagapagsalita ang kaniyang sasabihin. "Bahala kayo sa idadagdag! Ang bidding ay mag-uumpisa na!"
"Dalawang milyon!"
"Dalawang milyon at isang daan!"
"Dalawang milyon at isang daang libo!"
"Dalawang milyon at tatlong daang libo!"
Tumaas nang tumaas ang bidding at hindi naman makapaniwala ang mga tao sa unang palapag kundi pati na rin si Xu Lei Mei na nasa tabi ni Li Xie.
'Isa nga talaga siyang negosyante gaya nang sabi ni Li Muen,' sambti ni Xu Lei Mei sa kaniyang isipan.
"Tatlong milyon! Mayroon pa bang hihigit sa tatlong milyon?!" tanong ng lalaking tagapagsalita.
"Limang milyon," malumanay na boses mula sa pinaka dulo ng ikalawang palapag.
Kaagad naman na napapitlag si Xu Lei Mei at napatingin naman sa kaniya si Li Xie.
"Kilala mo?" tanong ni Li Xie.
Tumango naman si Xu Lei Mei, "Fiance."
Napangisi na lamang si Li Xie at saka niya pinindo ang isang bagay nang matapos niyang suutin muli ang pantakip niya sa kaniyang ulo.
"Miss?" tawag ng babae.
"Ang qi book technique, ang taong nakabili noon ay si?"
"Ang heneral po ng imperyo, si General Cheng Diwei po," sagot ng babae at pinagpapawisan naman ang kaniyang palad. "May problema po ba?" tanong nito.
Umiling si Li Xie at sinabing, "Walang problema. Huwag na ninyo kunin ang kaniyang bayad at ibibigay ko na lamang ito sa kaniya kung libre. Kung magtanong kung bakit sabihin mo na dahil kay XLM."
"XLM?" takang pag-uulit ng babae.
"Alam na niya iyan," sagot ni Li Xie.
Hindi na rin naman nagtanong pa ang babae at saka na ito umalis at sumama sa lalaking may dala ng item ni Cheng Diwei.
"Bakit mo ginawa iyon?" takang tanong ni Xu Lei Mei.
"Hindi ko alam pero pakiramdam ko malaki ang maitutulong niya sa iyo," sambit ni Li Xie at tumingin kay Xu Lei Mei. "Sana hindi mo masamain," dagdag nito.
Umiling naman si Xu Lei Mie. "Hindi, nagulat lanag ako."
"Good."