Ah! Mayaman na kaagad ang nagbenta ng mga item na iyon!"
"Hindi, mali ka. Mayaman na talaga ang taong nagbenta nito at wala lang sa kaniya ang mga item na ito,"
"Tama ka diyan. Kung hindi siya mayaman siguradong kaya niya na sarilinin ang item na ito at dahil mayaman na siya ay gusto niyang ibigay na ito sa iba nang kumikita dahil wala na nga sa kaniyang kwenta ito."
Samu't sariling mga opinyon ang naririnig ni Li Xie mula sa unang palapag at hindi niya maiwasan na hindi matawa nang mahina. Maging si Xu Lei Mei ay hindi rin maiwasan na hindi matawa dahil kilala niya si Li Xie.
"Miss Xie, sa tingin mo ba mas malaki ang kikitain mo sa element stone?" tanong ni Xu Lei Mei.
Sandali na napaisip naman si Li Xie, "Hmm~ malaki man o hindi sa limang milyon ang kada tatlo sa element stone okay na," sambit nito.
Mahina naman na tumawa si Xu Lei Mei. "Hindi ka nga kulang sa pera," mahina nitong sambit.
"Pera? Kailangan ko lang naman iyan para sa mga taong babayaran ko kung sakali na mag-uumpisa na ako sa plano ko," sambit ni Li Xie at nangalumbaba. "Ikaw? Anong plano mo sa heneral na narito?" tanong naman ni Li Xie.
Hindi naman kaagad na sumagot si Xu Lei Mei at ibinalik ang kaniyang tingin sa entablado na walang tao. Lahat ay nagtataka kung bakit matagal ang tagapagsalita at hindi kaagad inilabas ang pinaka item na hinihintay ng lahat.
"Hindi ko pa alam," sambit ni Xu Lei Mei. "Hindi naman siya kasama sa plano ko," dagdag pa niya.
"Kung hindi siya kasama sa plano e 'di hayaan mo na lamang muna siya," sab ni Li Xie at pinindot ang isang bagay.
Kaagad naman na dumating ang babae na naghatid kay Li Xie. Kinakabahan ito dahil parehas na misteryoso sina Li Xie at si Xu Lei Mei at wala silang kaalam alam kung sino ang dalawang babaeng ito. Isa pa, pakiramdam ng babae ay hindi mga pangkaraniwang tao ang mga ito.
"Miss X? Mayroon ka po bang kailangan?" tanong ng babae.
"Gusto ko sana na ibenta ang element stone na isang set. Ang limang red elemental stone ay ibebenta bilang isa at ganoon din ang iba," sambit ni Li Xie.
Kaagad naman na nagulat ang babae ngunit kaagad din naman siya nagsabi na makakarating ito kaagad sa nakakataas. Hindi lamang ang babaeng pumasok ang nagulat sa ginawa ni Li Xie kundi pati na rin naman si Xu Lei Mei.
"Nagtataka ka ba kung bakit ko ginawa iyon?" tanong ni Li Xie kay Xu Lei Mei at tumango naman si Xu Lei Mei.
"Hindi ba at mas malaki ang iyong kikitain kung ibebenta mo sila ng tig-iisa?" takang tanong Xu Lei Mei.
Ngumitinaman si Li Xie. "Hindi ka naman nagkakamali riyan. Talaga ngang mas kikita ako sa ganoong paraan ngunit hindi yon ang habol ko," tumigil si Li Xie sa pagsasalita at ngumiti ng nakakaloko. Doon naman napagtanto ni Xu Lei Mei na talagang magkadugo nga si Li Xie at Li Muen. Parehas kalkulado ang kanilang mga galaw na wari mo ay ano mang oras ay mahuhuli sila.
"Anong habol mo?" tanong ni Xu Lei Mei.
"Kung ibebenta ko ng tig-iisa ang elemental stone ay sasabihin ng mga tao rito sa taas na mayroon pa silang pagkakataon na makahawak sa kahit na isa rito at bababa nang kaunti ang pera na matatanggap ko at hindi nila seseryosohin. Ngunit kung ang elemental stone ay ibebenta ko ng set ay mas magkakaroon sila ng kagustuhan na mapasakamay nila ang mga ito. Mayroon lamang apat na klase ng elemental stone. Ibig sabihin, apat na tao lamang sa dalawampung silid namaroon sa ikalawang palapag ang makakakuha nito," paliwanag ni Li Xie.
"Ohh~" sambit ni Xu Lei Mei at napa-palakpak ng mahina.
Nang umakyat na ang tagapagsalita sa entablado ay kaagad naman nagsihinaan ang boses ng mga tao at nadagdagan ang kanilang pagkasabik sa mga susunod na mangyayari. Hindi maiiwasan ng mga tao sa ikalawang palapag ang magkaroon ng alitan at dahil pare-parehas silang may mga estado sa buhay ay walang makakapigil sa mga ito. Hindi lang iyon, naghihintaya ng mga tao sa unang palapag kung sino ang makakakuha sa mga elemental stone.
"Ipagpa-umanhin kung natagalan kami," sambit ng tagapagsalita at nagbigay ng isang ngiti sa mga tao. "Ngayon, ang pinaka-item ngayong gabi," sambit nito at mayroong apat na babae na umakyat sa entablado.
"Sht! Huwag mong sabihin na mayroong apat na elemental stone sa mga iyan?!"
"Ang isang elemental stone ay sobra sobra na ang tulong mga tao na mayroong kaparehas na elemento! Kung mayroon ngang apat na elemental stone ibig sabihin magiging grabe ang labanan ng mga pamilya ngayon!"
"Apat na elemental stone?! Maari na gawing heirloom ang isa rito,"
"Kung apat iyan e 'di apat lang din ang makakuha sa mga tao sa ikalawang palapag!"
Dahil doon ay naging maingay ang mga tao sa unang palapag at maging ang mga tao sa ikalawang palapag ay ramdam ang tensyon na mayroon sa kanilang palapag.
"Ang unang elemental stone!" sigaw ng tagapagsalita at hinawakan niya ang takip sa unang item. "Red elemental stone!"
Nang tanggalin ng tagapagsalita ang takip ay kaagad na napasinghap ang mga tao sa unang palapag dahil hindi nila akalain na ang unang makikita nila ay limang elemental stone!
Ang mga nasa ikalawang palapag naman ay hindi maiwasan na mapatayo at mapatitig sa elemental stone na nasa entablado. Ramdam na ramdam nila ang lakas ng mana na nasa loob ng elemental stone. Ang mga mayroong apoy na elemento ay hindi maitago ang kanilang pagkasabik at talagang pinilit ang kanilang mga magulang na makabili ng kahit na isang piraso para sa kanila.
"Ang elemental stone ay hindi kaagad basta basta nauubusan ng mana sa loob," sambit ng tagapagsalita at maging siya ay hindi maitago ang pagkasabik sa kaniyang mukha. "Ang isang magic stone ay kayang suportahan ang mahigit isang daang tao na may kaparehas na elemento sa loob ng isang dekada!" bulalas ng tagapagsalita at kaagad din naman napasinghap ang lahat at hindi makapaniwala sa kanilang mga narinig.
Dahil sa impormasyon na iyon ay hindi maiwasan na magduda tungkol dito at isa na rin naman ito sa inaabangan ng mga taga auction house at dahil doon ay kaagad silang nagsalita.
"Akala ninyo ay hindi totoo? Maari ba namin malaman ang tungkol dito, Prince Lin Xui Ying?" Nakangitina sambit ng tagapagsalita.
Kaagad naman na napangisi si Li Xie nang marinig niya ito at napakibit na lamang ng balikat.
"Totoo ang sinabi niya," sambit ni Lin Xui Ying at narinig naman ng lahat sa buong auction house ang boses niya. "Ang isang elemental stone ay talagang makakatulong sa mahigit isang daang tao sa loob ng isang dekada," sambit ni Lin Xui Ying.
Dahil doon ay umalingawngaw ang ingay sa loob ng auction house at ang mga tao naman na nasa labas at malapit sa auction house ay kaagad na napapitlag dahil sa ingay na nagmula sa loob ng auction house. Lahat sila ay nagtataka kung ano ang nangyayari sa loob.