ELEMENTAL STONE WAS SOLD! [2]

1081 Words
Ang lahat ay naghihintay sa kung ano ang mangyayari at lahat ng mga ito ay talagang nasasabik sa kung sino ang mananalo sa bidding. Nang magsasalita na sana muli ang tagapagsalita ay mayrong isang babae na lumapit at saka may binulong sa tagapagsalita dahilan upang magtaka ang mga tao. Nang makita naman ng lahat ang gulat ng tagapagsalita ay kaagad na nakaramdam ng kuryusidad sa kung ano ang sinabi ng babae sa lalaking tagapagsalita. Tumikhim ang tagapagsalita at saka ito ngumiti sa lahat. "Ayon sa nagdala ng item na ito sa auction house..." sandali na tumigil ang tagapagsalita at tumingin sa silid ni Li Xie. "Gusto niyang ibenta ang mga elemental stone ng set!" Kaagad naman na mas nadagdagan ang tensyon sa ikalawang palapag at hindi makapaniwala na gagawin ito ng may-ari ng elemental stone. Samantala, si Lin Xui Ying naman ay hindi napigilan ang matawa dahilan upang mapatingin sa kaniya si Lin Ai Ying at napakunot ang noo nito. 'Nababaliw na ba ang isang ito? Hump!' Kaagad naman na mas lalong nadagdagan ang ingay sa loob ng auction house nang tanggalin na rin ang nakatakip sa tatlo pang mga elemental stone. Limang fire element at tig tatlong wind, earth, at water element. Nang makita ito ng mga tao ay hindi sila makapaniwala dahil ito ang unang pagkakataon na makakita sila ng maraming elemental stone. "Ah! Hindi ko man mahawakan ang mga elemental stone na iyan ngunit masaya ako na nakita ko ito!" "Maari ko itong ipagmalaki sa buong pamilya ko!" Iba't ibang opinyon ang mayroon sa nang palapag ngunit ang mga nasa ikalawang palapag naman ay hindi na alam ang kanilang gagawin. Pinagpapawisan sila at gustong gusto na mapasakanila ang mga elemental stone. "Umpisahan natin sa elemento ng hangin!" sigaw ng tagapagsalita. "Ang bidding ay mag-uumpisa sa tatlong milyong ginto! Umpisahan na!" "Brother Xui Ying, gusto ko niyan!" "Kung gusto mo ay magbid ka. Pera mo ang gamitin mo," kaagad na sambit ni Lin Xui Ying. Hindi naman napigilan ni Lin Ai Ying ang mapanganga dahil sa sinabi sa kaniya ni Lin Xui Ying. Isa lamang ang ibig sabihin nito, walang balak si Lin Xui Ying na tulungan siya sa pag bid. 'Lin Xui Ying, humanda ka talaga sa akin kapag naging mas malakas ako sa 'yo!' Kaagad naman na natahimik si Lin Ai Ying nang umabot na sa limang milyon ang bidding hanggang sa walong milyon at hindi niya nakuha ang elemental stone na may hangin na elemento kung saan ito ang kaniyang elemento. Dahil sa galit niya ay kaagad na lamang na lumabas si Lin Ai Ying at umalis ng auction house. Hindi naman ito pinansin pa ni Lin Xui Ying at pinanood na lamang ang bidding hanggang sa matapos ang pagpapa-bid ng apat na elemental stone. Wala siyang kahit na isang kinuha rito dahil wala nang bisa sa kaniya ang mga elemental stone at wala rin naman siyang balak na pagbigyan si Lin Ai Ying na makakuha ng isa dahil sa alam niya kung anong klaseng ugali ang mayroon ito. Lahat nang nakakuha at nanalo sa bidding ay nagdiwang at ang mga hindi naman ay nagsisisi na hindi sila nagdala ng mas malaking pera upang mapanalo nag bidding. Kaagad naman na nagpaalam si Xu Lei Mei kay Li Xie at saka ito umalis at ilang sandali pa ay mayroong blone na buhok na pumasok sa silid at napatingin naman sa kaniya si Li Xie. "Si Xu Lei Mei?" tanong nito. "Oh~ ikaw ba si General Cheng? Wala na siya, nakaalis na." Kaagad naman na napabaling ang tingin ni Li Xie sa lalaki na nasa likod ni Cheng Diwei. "General Cheng, anong problema mo?" "Prince Xui Ying! Hinahanap ko lamang po ang kasama ni Miss kanina rito sa loob ng kaniyang silid," sambit ni Cheng Diwei at kaagad na tumingin kay Li Xie. "Maraming salamat," sambit nito. "Kung ang isang Alchemist na babae ang tinutukoy mo nakita ko siyang dumaan sa likod ng auction house. Kung bibilisan mo ay mahahabol mo pa siya," sambit ni Lin Xui Ying. Wala nang pasabi si Cheng Diwei at nagmamadali na itong umalis. Mahina naman na natawa si Li Xie at isinara naman ni Lin Xui Ying ang pinto. Nang makalapit naman si Lin Xui Ying ay kaagad niyang binigyan ng halik si Li Xie. "Hindi ko akalain na makakakuha ka ng mga elemental stone," sambit nito. "Hindi ko iyon kinuha," sambit ni Li Xie at niyakap si Lin Xui YIng. "Binigay iyon ni Dale sa akin," dagdag niya. "Ni Dale? May mga kayamanan si Dale?" gulat na tanong ni Lin Xui Ying at napatigil din naman kaagad. "Kung sabagay, isa siyang guardian beast talagang marami siyang kayamanan," dagdag nito. "Ah, may ibibigay pala ako sa 'yo," sambit ni Li Xie at lumayo ng kauti kay Lin Xui Ying. Kaagad naman na nakita ni Li Xie ang pagtataka sa mata ni Lin Xui Ying at napangiti naman si Li Xie. Kaagad na lumabas ang isang staff sa kamay ni Li Xie at hindi naman makapaniwala si Lin Xui Ying sa nakikita niya. Ang staff ay isa sa mga mahahalagang bagay ng mga magic user at dahil sa pagkawala ng mga magic user sa isang ekspedisyon ay nawala na rin ang mga nagagagawa ng mga staff at dahil na rin mahirap humanap ng elemental stone ay unti unti na rin nawala ang staff hanggang sa humina na ang mga magic user. Ang staff ay ang bagay na nagpapalakas ng mga atake ng mga magic user at dahil sa iilan na lamang ang mga staff sa imperyo ay tanging ang mga sinaunang pamilyang may magic user lamang ang may staff. Maging ang mga Royalties ay walang magandang staff sa kanilang treasury. "Nakita ko ito sa mga kayamanan ni Dale at ikaw kaagad ang naisip ko," sambit ni Li Xie at ngumiti kay Lin Xui Ying. "Hindi ko kailangan ng staff, alam mo iyan. Kaya ibinibigay ko sa iyo ito," dagdag ni Li Xie. Sa lahat ng magic user na nakilala ni Lin Xui Ying si Li Xie lamang ang hindi na kailangan ng staff. Sa magic core pa lamang ni Li Xie ay alam na kaagad ni Lin Xui Ying na isang malakas na magic user si Li Xie at kahit na walang gamit na staff ay malakas na ang kaniyang mga atake. Hindi pa man niya ito nakikita ng personal pero base sa magic barrier na nilagay ni Li Xie sa North Moutain ay isa talagang malakas na magic user si Li Xie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD