"Sinasabi mo ba na gawa ng black magic ang nangyari kay Dufeng?" tanong ni Li Chao nang makita niya ang kaniyang kapamilya na kasalukuyang namumuno sa kanilang pamilya sa Maqi Kingdom.
Nakatulala lamang si Dufeng nang hindi pa nakakalayo sa kanilang mansyon sa Maqi Kingdom ngunit nang makalabas sila ng Maqi Kingdom ay bigla na lamang nakatulog si Li Dufeng. Noong una ay nag-alala ang kapatid nito na kasama sa paglalakbay pati na rin ang asawa nito ngunit nang makita nila na mahimbing lamang ito natutulog ay hinayaan nila.
Ngunit nang hindi ito magising ay nag-alala sila at hindi na nila alam ang kanilang gagawin. Napasapo na lamang si Li Chao sa kaniyang noo dahil wala sa kanilang mansyon si Li Muen kung saan maaring makatulong sa kanila sa pag-alam kung anong nangyari kay Li Dufeng.
"Brother Chao, ano na pong gagawin natin?" nag-aalalang tanong ng kapatid na lalaki ni Li Dufeng.
"Sa ngayon kailangan na muna natin na makahanap ng paraan upang mai-alis ang black magic sa katawan ni Dufeng," sambit ni Li Chao at napaisip ito. "Mayroon bang ibang tao na nakakalapit sa kaniya?" kaagad na tanong ni Li Chao.
Umiling naman ang kapatid na babae ni Li Dufeng. "Bukod sa kaniyang ikalawang asawa at anak nito ay wala na. Hindi rin naman nakakauwi si Li Mao dahil masyado pa siyang abala sa Royal Institute," kaagad na paliwanag ng kapatid na babae ni Li Dufeng.
"Kung ganoon ang ikalawang asawa lamang ni Li Dufeng ang maaring gumawa nito. May iba ba kayong napapansin?"
"Kapag malayo kay Li Dufeng ang asawa nito ay talagang gumaganda ang pakiramdam ni Li Dufeng ngunit kapag naman malapit ang kaniyang asawa ay natutulala ito at wari mo ay wala sa sarili," pag-uulat naman ng asawa ng kapatid ni Li Dufeng.
Pinag-usapan nila ang maaring gawin kay Li Dufeng at naisipan nilang maganap ng mga taong maaring lumutas sa problema na ito. May iilang magic user si Li Chao at maari niyang tanungin ang mga ito tungkol sa itim na mahika at magtanong tanong kung paano ito mapapawalang bisa.
HIndi ito madali alam nila iyon ngunit hindi rin naman sila titigil para hindi ito mawala. Hindi nila titigilan dahil si Li Dufeng ay parte ng kanilang pamilya at hindi nila hahayaan na mayroong magtangka sa buhay ng bawat isa sa kanila. Hindi lamang ang sasabihin ng tao sa kanilang pamilya ang dapat nilang bantayan kundi pati na rin ang mga taong gagamitin ito upang makapaghiganti o hindi kaya ay maagaw ang mga bagay na nasa kanila.
Kung hindi dahil kay Li Muen ay hindi sila magkakaroon ng pagkakataon na mas umangat pa kaya naman kailangan ni Li Chao na magtanong muna sa kaniyang mga anak dahil may mga posisyon ang mga ito sa pamilya. Sina Li Muen, Li Junli, at Li Baejin ay hindi lamang isang anak ng master at mistress ng main family ng Li Family. Isa sila sa mga nagbigay ng karangalan sa pamilya kaya naman marapat na hingiin ang kanilang opinyon tungkol sa bagay na ito.
"Master Chao?" sambit ng isang elder ng Li main family.
"Elder Ruiz, mayproblema ba?"
"Hindi ko alam kung tama ito o kung totoo itong nabalitaan ko ngunit mayroon daw isang doktor na kumakalat ngayon sa Maqi Kingdom. Ang doktor na iyon ay napagaling ang mga malulubhang sakit at sinasabi rin naman na mayroon din siyang nailigtas na mayroong itim na mahika sa kaniyang pasyente."
Kumunot naman ang noo ni Li Chao ngunit kaagad din naman na nagbigay ng utos si Li Chao na kung maari ay hanapin ang taong ito at magtanong kung maari ba nitong tingnan si Li Dufeng. Sinabi rin naman ni Li Chao na alamin kung ano ang kundisyon ng doktor na ito at huwag pilitin ang taong iyon at huwag na huwag gagamitin ang estado ng Li family para lamang mapapayag ang doktor. Hangga't maari ay gusto ni Li Chaoo na walang masabing hindi maganda ang mga tao sa kanila lalo pa at gumaganda ang posisyon ni Li Muen sa buong imperyo.
Walumpu't isang araw na ang nakakalipas simula noong magbigay sa auction si Li Xie ng elemental stone. Sa loob ng walumpu't isang araw na nakalipas ang limang araw roon ay nanatili siya sa loob ng North Forest sa gitna ng North Mountain kung saan tiningnan niya kung maayos na ang kalagayan ni Dale.
Nang makita ni Li Xie na maayos na ang kalagayan ni Dale ay kaagad na rin naman niya na ginawa ang mga dapat niyang gawin. Nag-meditate siya upang kumuha ng mana sa lawa at kaagad diin naman siya nakaalis na sa specialty stage. Kung mayroon mang makakakita sa kaniyang mabilis na pag-advance ay siguradong magugulat ang mga ito.
Umalis na rin si Li Xie sa lugar nina Wang Cain at sinabi nitong uumpisahan na niya ang paglalakbay patungo sa isang lugar kung saan siya dapat magpunta. Kaagad naman din na naiyak si Wang Wei ngunit kaagad din naman tumigil nang sabihin ni Li Xie na bibisita siya kapag natapos na ang lahat nang dapat niyang gawin.
Limang araw na ang nakalipas nang makaalis si Li Xie sa lugar nina Wang Wei at sa kaniyang system siya nagpapalipas ng gabi.
Kasalukuyan ngayon si Li Xie na nasa isang lugar kung saan wala gaanong tao at ang lugar na iyon ay masasabing delikado para sa mga taong walang kakayahan na ipagtanggol ang kanilang sarili. Kanina pa pinagtitinginan si Li Xie ngunit dahil sa kaniyang kakaiba at nakakatakot na awra ay walang nagtatangka na lumapit sa kaniya.
"Xie?"
Kaagad naman na napalingon si Li Xie at napanganga nang makita niya si Lin Xui Ying na may kasamang isang lalaki.
"Ying..."
"Bakit ka narito?"
Ipinatong ni Li Xie ang kaniyang kanang siko sa mesa at inilagay naman nag kaniyang kanang pisngi sa kaniyang kanang palad.
"Sa tingin mo?" tanong ni Li Xie at nagbigay ng nakakaloko na ngiti.
Mahina naman na natawa ang lalaking kasama ni Lin Xui Ying at sinamaan naman niya ito ng tingin.
"Hello, brother-in-law," pagbati naman ni Li Xie at kaagad naman na napatigil si Lin Jing sa pagtawa.
Napangisi ito at nagustuhan ang tinawag sa kaniya ni Li Xie. Alam ni Lin Jing ang relasyon sa pagitan nina Li Muen at Li Xie kaya naman nang tawagin siya ni Li Xie na brother-in-law ay malaking bagay na ito sa kaniya dahil alam din ni Lin Jing kung gaano kaimportante si Li Xie sa buhay ni Li Muen.
Umupo si Lin Xui Ying sa tabi ni Li Xie at sa harapan naman ng dalawa si Lin Jing
"Narito lang naman ako para bumili ng impormasyon," walang gana na sambit ni Li Xie habang nakangalumbaba at saka bumuntong hininga. "Pero hindi ko akalain na hindi nila ako papansinin dahil lamang isa akong babae. Kung hindi kayo dumating ay baka napasabog ko na ang lugar na ito," dagdag naman ni Li Xie.