INFORMATION [2]

1197 Words
Kaagad naman na napalunok ng laway sina Li Jing at Lin Xui Ying. Sa oras na iyon ay alam nila na mayroon talagang pinagkatulad si Li Xie at Li Muen. Parehas silang nakakatakot kung magsalita dahil parang para sa kanilang dalawa ay madali lamang ang pagpatay. "Anong impormasyo ba ang gusto mong malaman? Baka may maibigay ako," sambit naman ni Lin Jing. Tumango naman si Lin Xui Ying. "Kilala ni brother Jing ang may-ari ng lugar na ito kaya marami siyang alam," kaagad na sambit ni Lin Xui Ying at inilagay ang kaniyang braso sa balikat ni Li Xie. "Tungkol lang naman kay Bai Borie," sambit ni Li Xie at ramdam na ramdam ng dalawa ang galit na mayroon sa boses ni Li Xie. "Hmm? Isa ring Bai?" sambit ni Lin Jing na walang emosyon. "Hindi ba mga Bai rin ang kalaban ni sister-in-law?" tanong ni Lin Xui Ying. Doon ay napagtanto ni Li Xie na iisang pamilya lamang ang kalaban ni Li Muen at Li Xie. Tumango naman si Lin Jing. "Dahil sa nag-uumpisa na si Mu'er sa kaniyang plano ay malapit nang bumagsak ang Bai Family ngunti kung ang problema mo ay si Bai Borie mukhang mahihirapan ka," kaagad na sambit ni Lin Jing. Kumunot naman ang noo ni Lin Xui Ying ngunit alam na ni Li Xie kung ano ang tinutukoy ni Lin Jing. "Dahil ba sa isa siyang black magic user?" tanong ni Li Xie at kahit na alam niya na tungkol nga doon ang sinasabi ni Lin Jing ay gusto niya itong maikumpirma. Tumango naman si Lin Jing. "Oo, dahil nga roon. Kung manghihingi ng tulong ang mga Bai kay Bai Borie ay siguradong mahihirapan si Mu'er na kalabanin sila. Ngunit dahil abala si Bai Borie sa iyo kaya hindi niya magawang tulungan ang mga Bai," sambit ni Lin Jing at napaisip naman si Li Xie. "Sa tingin ko ay hindi talaga eksperto si Bai Borie sa itim na mahika," sambit ni Li Xie at seryosong tumingin kay Lin Jing. "Pero kung eksperto man siya ay hindi ko pa rin naman siya papakawalan. Sisiguraduhin ko na manghihingi siya ng awa sa akin," dagdag pa ni Li Xie at ngumiti ng nakakaloko. Kaagad na nakaramdam ng takot ang dalawa kaya naman nagkatinginan si Lin Jing at Lin Xui Ying. Nalaman nila na may pagkakapareho ang babaeng minahal nilang dalawa, parehas sina Li Xie at Li Muen na hindi hinahayaang apak apakan sila. LI FAMILY MANSION Unti unting bumabalik sa dati na katawan si Li Liu at kahit na mabagal ito ay talagang makikita nito na nagiging maayos na ang kaniyang pakiramdam. Ito ay dahil sa magic user na may ginawa upang pigilan ang soul eating mana backlash na lamunin ang buong katawan ni Li Liu. "Madam," sambit g isang lalaki na bigla na lamang pumasok sa loob ng silid ni Li Liu at tinawag si Bai Borie. Bago lumabas ay tumingin muna si Bai Borie sa kaniyang anak na si Li Liu na natutulog at saka ito tuluyan nalumabas sa silid ng kaniyang anak. "Mayroon ka bang magandang balita?" tanong ni Bai Borie. Kaagad naman na tumingin sa kaniya ang lalaki. "Sasabihin ko kung bibigyan mo ako ng mainit na kama ngayong gabi," sambit ng lalaki na may nakakalokong ngiti. Kaagad din naman na ngumiti si Bai Borie at nagtungo sa isang silid na walang nagamit. Kaagad naman na naghubad ng damit si Bai Borie at hindi na rin naman nag-alinlangan pa ang lalaki at kaagad din itong naghubad ng damit at nagsimula na silang pagsaluhan ang gabi. Malalim na ang gabi nang matapos na gawin ni Bai Borie at ng lalaki ang kanilang p********k at kasalukuyan silang nakahiga at walang saplot sa isang kama. "Ngayon sabihin mo sa akin ang magandang balita," sambit ni Bai Borie. "Buhay si Li Xie at nalaman ko na kung nasaan siya ngayon," sambit ng lalaki at kaagad na napaupo si Bai Borie. "Nasaan?" "Central Market. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya roon ngunit siguradong may hindi magandang nanyari sa kaniya kaya siya naroon," sambit ng lalaki. "Mukha ngang naibalik na niya ang kaniyang kakayahan na gumamit ng mana dahil sa kilala siya bilang isang magic user sa lugar na iyon. Ganoon pa man, hindi siya kilala bilang Li Xie kundi bilang Muxie," pagbabalita ng lalaki kay Bai Borie. Kaagad naman na napayukom ng kamao si Bai Borie at matalim ang kaniyang tingin. Nakatitig lamang ang lalaki kay Bai Borie at napangiti ito sa kaniyang nakita. Para sa lalaking ito, kahit na anong utos pa ang gawin niya o impormasyon na kukunin niya basta makasiping niya si Bai Borie ay wala lamang sa kaniya. 'Li Xie, dahil sa ginawa mo sa anak ko hinding hindi ko hahayaan na makatakas ka sa kamay ko. Sisiguraduhin ko na iiyak ka at magmamakaawa sa akin!' "Madam, mayroon ka bang gustong ipagawa?" tanong ng lalaki. Hindi na sinabi ng lalaki na hindi na niya alam kung nasaan na ngayon si Li Xie dahil ayaw niyang masira ang magandang araw ni Bai Borie. Isa pa, hindi naman mahirap na hanapin ang babaeng kagaya ni Li Xie at alam niya na hindi pa rin naman bumabalik sa dati ang kapangyarihan ni Li Xie. "Wala muna sa ngayon. Gusto ko lamang na sundan mo si Li Xie at alamin kung sino at saan siya nagpupunta. Sigurado ako na magbabalik din siya rito," sambit ni Bai Borie at pumaibabaw sa lalaki dahilan upang magkaroon sila muli ng gagawin. 'Heh~ maganda pala na laging maganda ang balita na binibigay ko sa babaeng ito dahil siya mismo ang nagkukusa na gumalaw.' Nakangiti na sambit ng lalaki sa kaniyang isipan. CENTRAL MARKET Humiwalay na si Lin Jing kina Li Xie at Lin Xui Ying dahil mayroon pa raw pupuntahan ang dalawa. Alam ni Lin Jing na gusto lamang na makasama ni Lin Xui Ying si Li Xie kaya naman hinayaan na lamang niya ito. Pumasok si Li Xie at Lin Xui Ying sa loob ng system ni Li Xie kaagad naman nilang ipinagdami ang kanilang labi. Ang bawat halik na binibigay nila sa isa't isa ay marahas at kitang kita ang pagkasabik nila sa isa't isa. Hindi na rin naman nagtagal ay wala na silang saplot at naging isa na rin sa kama ni Li Xie. Nang matapos sina Li XIe at Lin Xui Ying ay kaagad naman na sinabi ni Lin Xui Ying na unti unti na nila na napapabagsak si Lin Jun. "Oo nga pala," sambit ni Lin Xui Ying at napatingin naman sa kaniya si Li Xie. "Hmm?" "Sikat ka na bilang si doktor Lx ah," sambit nito. "Kailangan," sambit ni Li Xie at tumingin sa kaniyang kasintahan. "Oo nga pala, magiging isa rin akong mang-aawit sa susunod na araw. Ang unang pag-awit ko ay gaganapin sa pinaka malaking entabdo rito sa Central Market," Nanlaki naman ang mga mata ni Lin Xui Ying. "Bakit?" "Dahil kailangan ko ng bagong aydentidad," sambit ni Li Xie at niyakap ng mahigpit si Lin Xui YIng. "HUwag kang mag-alala wala naman makakakita sa mukha ko," dagdag nito. Hindi na nagawa pa ni Lin Xui Ying na magreklamo at pumayag na lamang siya sa gusto ni Li Xie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD