MAKE THEM YOUR PEOPLE

1396 Words
Dalawang araw na ang nakalipas nang magsimulang makilala si Li Muen bilang isang misteryosong mang-aawit. Sinadya ni Li Xie na baguhin ang kaniyang awra pang hindi malaman ng lahat na siya ang mga ito. Napangalumbaba na lamang si Li Xie sa isang mesa habang naghihintay siya ng kakainin niya. Nasa may bintana siya sa ikalawang palapag ng kainan kaya naman kitang kita niya ang mga galaw ng mga tao. Habang naghihintay ng makakain ay narinig niya mga usap usapan tungkol sa kaniyang mang-aawit na aydentidad na pinangalanan niyang Xien. 'I guess it was a success? Though halos hindi na ako pakawalan ni Lin Xui Ying nang matapos akong kumata dahil pakiramdam daw niya ay inaakit ko ang lahat,' sambit ni Li Xie sa kaniyang isipan. "Miss Xie? Eto na po ang iyong pagkain," sambit ng babae na nagdala ng kaniyang pagkain. Isang regular na tao si Li Xie sa kainan na iyon at kilala rin siya bilang isang galanteng babae dahil nagbibigay siya ng pasobra sa mga taong nag-aabot ng kaniyang makakain. Kaya naman tuwang tuwa ang mga tauhan ng kainan na iyon kapag naroon na si Li Xie. "Salamat," sambit ni Li Xie at nilagyan niya ng dalawang gold coins ang tray ng pagkain. "Sa 'yo iyan, huwag mo ibibigay kahit kanino." Nakangiti na sambit ni Li Xie. Kaagad naman na yumuko ang babae. "Maraming maraming salamat po," sambit nito at saka siya umalis at hindi na inabala pa si Li Xie. 'Great, dahil sa banta sa akin ni Lin Xui Ying hindi ko na magawang kumanta pa sa lugar na ito. Ngunit hindi ko rin naman maaring iwan ang pagkanta,' sambit ni Li Xie sa kaniyang isipan at nagsimula nang kumain. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata upang namnamin ang kaniyang pagkain ngunit sa kaniyang pagpikit ay ang pagtalas naman ng kaniyang mga pakiramdam. Ramdam na ramdam niya ang dalawang pares ng mata na nakatitig sa kaniya at pinapanood nag mga galaw niya. 'Hmm? Nahanap na kaagad ako ng babaeng iyon?' sambit ni Li Xie. Alam ni Li Xie na ang may-ari ng dalawang pares ng mga mata na iyon ay pinadala ni Bai Borie na kaniyang tiyahin dahil ramdam na ramdam niya ang itim na mahika sa dalawang ito. Hindi man ito ramdam ng lahat ngunit siya, bilang isang magic user ay alam niyaa ng pinagkaiba ng mga mana. Alam ni Li Xie na hindi lamang siya ang magic user sa loob ng kainan na iyon sa ikalawang palapag at alam din naman ni Li Xie na alam ng mga ito na may kinalaman ang dalawang pares ng mata na naramdaman ni Li Xie sa isang black magic user. Ang mga magic user ay hindi maganda ang trato sa mga black magic user dahil walang ibang ginawa ang mga ito kundi ang manakit at kalabanin ang kanilang prinsipyo. "Great." Bulong ni Li Xie sa kaniyang sarili at hindi na lamang niya muna pinansin ang dalawang lalaki. Ninamnam ni Li Xie ang kaniyang makakain at kaagad din naman na umalis nang matapos siya. Hindi niya kayang manatili roon dahil alam niya na manganganib ang buhay ng mga normal na tao. Nagkunwari lamang si Li Xie na walang nararamdaman at nagpatuloy lamang sa kaniyang paglalakad. Nang lumiko si Li Xie sa isang iskinita ay kaagad naman na pumasok siya sa kaniyang system. Ramdam ni Li Xie mula sa kaniyang system na ang dalawang may-ari ng pares na mata y nagtataka at hinahanap siya. Samantala, ang dalawang tao naman na sumusunod kay Li Xie ay napamura na lamang nang makita nilang bigla na lamang nawala si Li Xie sa kaniyang harapan. "Sht! Saan naman nagpunta ang babaeng iyon!?" inis na sambit ng lalaki na kulay pula ang buhok. "Hump! Kahit naman na mawala siya rito ngayon ay hindi pa rin naman siya makakatago sa atin. Ano mang oras ay mahahanap pa rin naman natin siya," sambit naman ng lalaki na kulay kayumangi ang buhok. Parehas ang dalawang lalaki na ito na nakasuot ng kulay itim na takip sa kanilang mukha. Nang marinig naman ito ni Li Xie ay kaagad siyang lumabas sa kaniyang system at tinapunan ng dalawang flying knife ang dalawang lalaki at kaagad din naman na tumama ang dalawang flying knife sa tagiliran ng dalawang lalaki. "You!" sigaw ng lalaking kulay pula ang buhok. Itinaas ni Li Xie ang kaniyang dalawang kamay na wari mo ay sumusuko ngunit ang kaniyang mga mata ay nakangiti kasabay ng kaniyang bibig. "Kahit na anong gawin ninyo ay hindi kayo makakagalaw," sambit ni Li Xie at naglakad siya patungo sa dalawang lalaki. "Mayroon akong nilagay sa dagger ko para hindi kayo makagalaw," dagdag ni Li Xie at ngumiti ito ng nakakaloko sa dalawang lalaki. Ang ngiting binigayni Li Xie ay nagbigay ng kakaibang kilabot sa katawan ng dalawang lalaki at takot sa kanilang mga puso. Sa mga oras na iyon hindi nila alam kung bakit nila tinanggap ang trabaho na iyon gayong hindi naman pala isang ordinaryong tao ang kanilang papatayin. "Kung sasabihin ninyo sa akin ang totoo baka magbago ang isip ko at hindi ko na kayo patayin," sambit ni Li Xie at saka siya umupo sa harapan ng dalawang lalaki. "Pero kung hindii ninyo sasabihin sa akin ang totoo baka rin naman bigyan ko kayo ng isang pahirap na hihingiin na lamang ninyo ang mamatay," sambit ni Li Xie. Hindi dahil sa pananakot ni Li Xie nakaramdam ng takot ang dalawang lalaki na papatay dapat kay Li Xie kundi sa ngiti nito. HIndi nila alam ngunit may kung ano sa mga ngiti ni Li Xie na nagbibigay ng kilabot sa kanila. Ang ngiti na ganito ay sinanay kina Li Xie at Li Muen simula pa noong mga bata sila. Ito ay isa sa kanilang mga kakayahan na hinasa sa kanila ng organisasyon upang makaramdam ng takot ang kanilang mga taong papatayin. "Si Bai Borie ba ang nagpadala sa inyo?" tanong ni Li Xie at hindi naman kaagad nagsalita ang dalawang lalaki. "Hindi lang kayo makakagalaw pero makakapagsalita pa rin naman kayo. Kaya kapag hindi kayo nagsalita sisiguraduhin ko na may kalalagyan kayo," sambit ni Li Xie, ngumiti ito ng nakakaloko sa dalawang lalaki at kaagad naman na napalunok ng laway ang dalawa. "Si Bai Borie ba ang na sa inyo rito?" pag-uulit ni Li Xie sa kaniyang tanong. "Hi-hindi..." sambit ng lalaking kulay kayumangi ang buhok. "Hindi namin alam kung iyang taong iyan nga ang nagpautos sa amin ngunit isa itong lalaki... lalaki siya ngunit hindi namin siya kilala." Kumunot ang noo ni Li Xie at kaagad naman na mayroong mukha na dumaan sa kaniyang isipan. "Ang lalaking ito ba ay mayroong nunal sa ibaba ng labi?" Kaagad naman na tumango ang dalawang lalaki at kaagad na napaisip si Li Xie at ngumiti. 'Sht! Sht! Sht! Kapag nagkaroon ako ng pagkakataon na makatakas dito hindi ko na kakalabanin ang isang ito!' sambit ng kulay pulang buhok na lalaki sa kaniyang isipan. 'Kung makakatakas ako sa babaeng ito gusto ko maging tagasunod nito!' sambit naman ng lalaking may kulay kayumangi na buhok. "Ano pinagawa sa iyo?" tanong ni Li Xie. "Batayan ka raw namin at iulat sa kanila ang lahat ng iyong gagawin," sambit ng lalaking kulay kayumangi ang buhok. Pinag-aralan ni Li Xie ang mga emosyon ng mga mata ng dalawang lalaki. Ang isa ay gusto lamang tumakas at makalayo sa kaniya at ang isa naman ay handa na maging tauhan niya. Dahil doon ay kaagad na tumarak sa dibdib ng lalaking kulay pulang buhok ang isang dagger ni Li Xie na mayroong lason at kaagad naman din na binawian ng buhay ang lalaki. "Bibigyan kita ng pagkakataon," walang emosyon na sambit ni Li Xie at saka niya tiningnan ang lalaking kulay kayumangi ang buhok. "Kapag ako ay trinaydor mo sisiguraduhin ko na mas hihilingin mo pa na mamatay na lamang. Ngunit kung ako ay hindi mo tatraydorin ay sisiguraduhin ko na maganda ang kakalagyan mo." Tumayo si Li Xie. "Bumalik ka sa lalaking iyon at iulat mo na wala akong ibang ginawa rito kundi ang magtrabaho at may hinahanap ako. Kung nagtanong kung sino sabihin mo na si Doctor Lx," sambit ni Li Xie. Kaagad naman na nagningning ang mga mata ng lalaki. Alam niya na mas maganda ang kaniyang magiging buhay kung susundan niya si Li Xie at alam niya na mas mapoprotektahan siya nito kaya naman na mas pipiliin niya si Li Xie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD