"Hanggang kelan ba tayo rito?" tanong ni Lin Xui Ying sa kaniyang ika-siyam na kapatid na lalaki na si Lin Jing.
Kasalukuyan silang nasa border
kasama sina Li Junli at Li Baejin. Dahil sa isa siyang magic user at isa siya sa pinaka malakas na kilala ni Lin Jing na magic user na makakatulong sa kaniya ay isinama niya ito sa border. Hindi lang iyon, ang Emperor din mismo na kanilang ama ang nagsabi na sumama si Lin Xui Ying sa border.
Kasalukuyan ngayong nakangalumbaba si Lin Xui Ying at nakatingin sa mga kawal na nagsasanay at nakikipagtagisan ng lakas sa bawat isa.
"Hanggang sa matapos ang digmaan laban sa Dark Empire," kaagad naman na sagot ni Lin Jing.
Napatingin naman sa kaniya si Lin Xui Ying, hindi makapaniwala ito sa mga sinab ng kaniyang kapatid.
"Brother Jing, hindi ka ba nangungulila sa iyong minamahal na si Miss Muen? Bakit parang wala lamang ito sa 'yo?" tannog ni Lin Xui Ying.
Narinig naman ito ni Li Baejin at napatingin ito kay Lin Jing at hinihintay ang sagot. Samantala, hindi naman kaagad na sumagot si Lin Jing dahil kung bibiglain niya ay baka magalit ang dalawang kapatid ni Li Muen at humindi sa relasyon nilang dalawa.
"Unang una sa lahat, hindi totoo na wala akong nararamdaman na pangungulila. Pangalawa, nag-uusap kami lagi at pinapadalahan niya ako ng sulat. Pangatlo, mas may alam pa nga ako sa pangyayari ng minamahal mong si Miss Xie kaysa sa 'yo e," kaagad naman a sambit ni Lin Jing.
Nang marinig naman ito nina Li Junli at Li Baejin ay hindi nila naiwasan na hindi maiyak. Sa oras na iyon, ang puntos ay kay Lin Jing.
Napanguso naman si Lin Xui Ying dahil alam niya na si Li Muen mismo ang nagsasabi sa kaniya tungkol sa mga nangyayari kay Li Xie. Pangalawa, nagsusulat din naman siya para kay Li Xie hindi lang niya alam kung saan niya ito ipapadala dahil wala namang permanenteng lugar si Li Xie.
"Oo nga pala," sambit ni Lin Xui Ying at napatingin ito kay Lin Jing. "Nahuli na ba ninyo ang mag traydor na mayroon dito sa kampo?" pagbabago niya ng usapan.
Sandali naman na natahimik sa loob ng kanilang tent at kaagad na nagpaliwanag si Lin Jing na hindi pa nila nahahanap ang taong traydor sa kampo. Ganoon pa man, mayroon na silang pinaghihinalaan at ang hinihintay na lamang nila ay ang paggalaw nito.
"Kung sino man iyan siguradong hindi magiging maganda ang lagay niyan," kumento ni Lin Xui Ying na kaagad din naman na sinang-ayunan ng magkapatid na sina Li Junli at Li Baejin.
Kilala nila si Lin Jing at kung mayroon man na hindi sumusunod sa kaniyang gusto o mayroon mang sumusuway ay talagang pinaparusahan niya. Hindi isang normal na parusa dahil ang parusa na binibigay ni Lin Jing ay parusa kung saan hihilingin ng taong iyon na mamatay na lamang siya.
CENTRAL MARKET
Habang naglalakad lakad si Li Xie at tumitingin tingin sa paligid ay mayroong kumupulan ng tao siyang nakita. Mayroong sumisigaw ngunit hindi niya ito gaano naririnig at dahil may lahing pagka-chismosa rin si Li Xie ay lumapit siya at naki-usisa.
"Anong problema?" tanong ni Li Xie sa isang babae.
"Mayroong isang tao na taga-Imperil Capital na narito ngayon at nanghihingi ng tulong kung saan maaring makita si Miracle Doctor Lx," kaagad na paliwanag naman ng babae.
"Ano bang alam natin sa doktor na iyon? Bigla na lamang naman iyong sumusulpot at nawawala. Ni isa nga rito sa atin ay walang nakakaalam kung nasaan ang doktor na iyon," pakikisali naman ng isang lalaki sa usapan nina Li Xie.
Tiningnan ni Li Xie ang babaeng nakaluhod sa gitna ng kumpulan at mayroon itong bata na kasama na yakap yakap niya. Kitang kita ni Li Xie ang pagkadesperada ng babaeng nakaluhod at lumuluha mailigtas lamang ang bata na kaniyang yakap yakap.
Parang mayroon namang kirot na sumundot sa dibdib ni Li Xie. Bilang isang doktor at bilang isang tao na pilit nang tinatakasan ang dating trabaho, hindi kaya ni Li Xie na makita nang matagal ang babaeng umiiyak.
"Um... bakit hindi mo subukan na maghintay sa caffee and inn shop?" sambit ni Li Xie at kaagad naman na napatango ang lahat.
"Oo, nabalitaan ko na ang nagbibigay ng coffee bean sa coffee and inn shop ay si Doctor Lx," sambit naman ng babae na nakausap ni Li Xie.
"Kung doon kayo maghihintay ay baka magkaroon kayo nang pagkakataoon na makita siya," sambit naman ng lalaki.
Dahil sa pangunguna ni Li Xie ay kaagad naman din na nabuhayan ng loob ang ina na nagmamakaawa. Ganoon pa man, pinaalalahanan pa rin naman siya ng mga tao na hindi nila alam kung talagang magpapakita si Doctor Lx dahil kilala ito bilang isang misteryosong doktor.
Nang makalayo si Li Xie ay bumili siya ng makakaanin at saka ito nagpunta sa coffee and inn shop. Hindi na siya naroon bilang si Muxie kundi bilang si Li Xie. Dahil sa hindi na niya tinatakpan ang mukha niya ay may iilan na nakakakilala sa kaniya dahil isa namang malakas na magic user si Li Xie.
"Hello, Miss Xie. Kumusta ka?" tanong ng isang tagapagsilbi sa coffee and inn shop.
"Hello, ayos lang ako medyo naging abala lang sa ilang bagay. Si Wang Wei nga pala nasaan?" kaagad na hanap ni Li Xie kay Wang Wei.
Bukod kay Wang Wei at sa magulang nito ay wala nang nakakaalam pa sa tunay na pagkatao ni Li Xie at dahil sa tikom din ang bibig ng pamilya ni Wang Wei ay naging malapit si Li Xie sa kanila. Hindi lang iyon, tinuturing na rin nina Wang Cain at Ah Mu si Li Xie bilang isang kanilang anak at kapatid na rin naman ang turing ni Wang Wei kay Li Xie.
"Naroon siya sa kaniyang opisina, Miss Xie," kaagad na sambit ng tagapagsilbi at saka ito umalis upang magtungo sa isang kusturmer at ibigay ang kaniyang binili.
Wala na rin namang pasabi ay nagtungo na si Li Xie sa opisina ni Wang Wei at hindi na rin naman siya binigyan pa ng tingin ni Wang Wei dahil alam na nito na si Li Xie ang taong pumasok.
"Wei,"
"Hmm?"
"Mayroon bang mag-ina na nagpunta rito upang magpalipas ng ilang araw?"
Hindi naman tinapunan ni Wang Wei ng tingin si Li Xie at abala pa rin naman ito sa pagbabasa ng mga dokumento na kaniyang hawak hawak.
"Hmmm~ mayroon," sagot ni Wang Wei at kaagad naman na ibinigay kay Li Xie ang isang makahulugang tingin.
"Kilala mo ako," sambit ni Li Xie.
Kumunot naman ang noo ni Wang Wei, "Huwag mong sabihin na magpapakilala ka roon bing si Lx?" tanong ni Wang Wei.
Nagkibit balikat naman si Li Xie at saka sinabing, "Wala namang masama, 'di ba?"
"Pero sister Xie, ang karamdaman ng bata-"
Hindi naman natapso ni Wang Wei ang kaniyang sasabihin dahil inilagay ni Li Xie ang kaniyang kanang hintuturo sa labi ni Wang Wei upang tumigil ito sa pagsasalita.
"Ako na ang bahala roon,"
"Hindi ka ba niyan mapapahamak?"
"Mukha bang mayroon na akong karamdaman na hindi nagagamot?" Nakangising tanong ni Li Xie at puno ng kumpyansa ang kaniyang mga mata.
Sa huli ay kahit na anong sabihin o gawin pa ni Wang Wei ay wala na siyang nagawa pa kay namna hinayaan na lamang niya si Li Xie. Lumabas si Li Xie sa opisina ni Wang Wei at mayroong nagtanong kung saan ang punta kaya naman sumagot si Li Xie na matutulog siya.
Ang totoo ay hindi. Isa lamang itong rason upang hindi magduda ang mga tao sa paligid. Dahil sa biglaang paglabas ni Lx at biglaang pagkawala ni Miss X pati na rin ang biglaang paglabas ni Xien at Li Xie, ang mga tao ay nagtataka at binabalot ng kanilang mga kuryusidad dahil sa pagkatao ng mga ito.
Sa bandang huli, inalis nila si Li Xie sa listahan na maaring iisang tao lamang ang mga ito. Si Li Xie ay kilala sa Maqi Kingdom dahil sa kaniyang walang katumbas na lakas at talagang hinahangaan siya bilang isang magic user at maraming nakakaalam sa mukha nito kaya naman hindi na nila pinagdudahan pa si Li Xie.
Nang makarating si Li Xie sa kaniyang silid ay kaagad naman siyang kumuha ng kaniyang Doctor's gown at naglagay ng guwantes sa kaniyang dalawang kamay. Nang makapagbihis siya sa kaniyang pananamit bilang isang doktor ay palihim na naman siyang umalisi sa kaniyang silid gamit ang bintana nito.
'Good thing at mayroon akong sariling silid sa lugar na and also, good thing na ang binigay sa akin ay ang dulong parte ng gusali kung saan walang katao tao kapag ginagamit ko ang bintana,' sambit ni Li Xie sa kaniyang isipan.
Parang namamasyal lamang si Li Xie na naglalakad bilang si Doctor Lx sa gitna ng Central market at nagkukuwanri na wala siyang kaalam alam sa mga nangyari sa lugar na ito lalo na sa mag-inang nagmakaawa lahat.
"Doctor Lx?"
Napalingon naman si Li Xie sa tumawag sa kaniya at nakita niya ang isang bata na lumapit sa kaniya.
"Mayroon pong isang ginang kanina na nagmamakaawa at nagtatanong kung saan ka niya maaring makit." Tumingin ang batang babae sa kaniya at nakita ni Li Xie ang sakit at pagdadalamhati sa mga mata nito. "Nakita ko po na desperado na ang ginang at sinabi rin po ng lahat na nakasaksi na maghintay siya sa coffee and inn shop. Naroon po ang ginang at naghihintay sa iyo. Salamat po," sambit ng batang babae.
Magsasalita pa sana si Li Xie bilang si Doctor Lx ngunit hindi na niya nagawa pa dahil bigla na lamang tumakbo papalayo sa kaniya ang batang babae na nagsabi sa kaniya. Ilang sandali pa ay mayroon na rin namang iilan na nagsasabi sa kaniya kaya naman tumango si Li Xie at nagkunwari na dadalawin na niya ang ginang na sinasabi nila.
Nang makarating si Doctor Lx sa coffee and inn shop ay kaagad itong pinagtinginan at nang makita na rin naman siya ng mga tauhan ni Wang Wei ay kaagad na tinawag ng isa sa kanila si Wang Wei, ang isa naman ay ang mag-asawang sina Cain at Ah Mu ang tinawag, at ang isa naman at huli ay tinawag ang ginang na nagsabing tawagin siya kapag narito na si Doctor Lx.