Nang makabalik si Li Xie sa Central Market ay kaagad siyang dumeretso sa auction house kung saan niya kinuha ang mga ginto na kaniyang kinita.
"Hindi na namin binawasan pa iyan para sa interes na mayroon kami. Sapat na sa amin na binigay mo sa 'min ang tiwala," sambit ni Lucas at saka niya inabot ang isang lalagyanan na puno ng ginto.
Tumango na lamang si Li Xie at saka siya nagpanggap na inosente para makapagtanong. "May nangyari ba habang wala ako? Marami atang naalis dito sa Central Market."
Kaagad naman na tumikhim si Lucas at tumingin sa paligid bago siya nagsalita, "Mayroon kasing kakaibang nangyari sa North Mountain. Dahil doon ay maramiing nagtatangka na magpunta roon ngayon."
"Hmm? Sa North Mountain? Sayang hindi ko nasaksihan," sambit ni Li Xie.
"Saan ka ba nagtungo at hindi mo nakita?" tanong ni Lucas.
"Kabaliktaran ng dereksyon ng North Mountain," sambit ni Li Xie at naupo siya saka ipinag-krus ang kaniyagn hita. "Kung alam ko lang hindi na muna ako bumisita sa babaeng iyon," pagkukunwari na sambit ni Li Xie.
Kailangan ni Li Xie na alisin ang kahit na anong bakas na magtuturo sa kaniya sa nangyari sa North Mountain. Bukod kay Lin Xui Ying ay wala nang iba pang nakakaalam sa kaniyang kakayahan at kung makakarating man kay Lin Xui Ying ang balitang ito ay alam na nito kaagad na si Li Xie ang dahilan nito lalo pa at sa pinaka gitna ng North Forest sa North Mountain.
"Mayroon ka pa bang ibebenta?" Nakangisi na sambit ni Lucas.
Dahil sa sinabi ni Lucas ay napangisi naman si Li Xie. "Mukhang alam mo na kung bakit hindi pa ako umaalis,"
"Pakiramdam ko lang," sagot ni Lucas at umupo sa upuan sa harapan nilang dalawa ni Li Xie. "Ano na ang ibebenta mo ngayon?"
Binigyan ni Li Xie si Lucas ng isang seryosong tingin na dahilan upang maging seryoso rin si Lucas. Hindi niya alam kung bakit naging seryoso si Li Xie ngunit alam niya na mayroong sasabihin na hindi ordinaryo ito.
"Bago ko ibigay ang ibebenta ko," sambit ni Li Xie at saka siya nangalumbaba. "May mga naririnig ako tungkol sa mga element stone. Gusto ko lang malaman kung anong meron dito, kung saan ito gamit, kung magkano ito binebenta?" sunod sunod na tanong ni Li XIe.
Kumunot naman ang noo ni Lucas dahil sa tanong ni Li Xie. Hinimas himas ni Lucas ang kaniyang baba at napatingin sa kisame iniisip kung ano ang tamang salita na gagamitin niya.
"Element stone..." pag-uulit ni Lucas at saka ito seryosona tumingin kay Li Xie."Hindi ko alam kung saan mo narinig iyan ngunit ang element stone ay hindi madali na makuha. Sa pagkakaalam ko ay ilang daang taon na ang nakalipas at naging kakaunti na ang element stone. Kung ako ang tatanungin, siguro ang mayroon lamang nito ngayon ay ang mga royalties. Para naman sa presyo nito, kung ibebenta sa auction ay aabot ito ng isang daang milyong ginto pataas. Para naman sa gamit, mas mapapalakas ng element stone ang elemento ng isang magic user. Alam naman natin na isa lamang elemento ang mayroon ang bawat magic user kaya naman kung mayroon nga niyan sa auction house siguradong maraming dadalo at makikigulo."
Nang makita ni Lucas ang kakaibang ngiti sa labi ni Li Xie, kahit na natatakpan ang mga mata ni Li Xie ay nakita niya ang kakaibang ngiti nito. Kinilabutan siya ngunit kaagad naman niyang napagtanto ang ibig sabihin ng mga ngiti ni Li Xie.
"Miss... huwag mong sabihing..."
Hindi naman napagpatuloy pa ni Lucas ang kaniyang sasabihin at kaagad na inilagay ni Li Xie ang mga magic stone na nakuha niya sa mga kayamanan ni Dale. Nang ilabas ni Li Xie ang limang pula na element stone ay nanlaki ang kaniyang mga mata, nang sinunod naman ang tatlong kulay dilaw na element stone ay mas lalo siyang nagulat. Nang ilabas naman ni Li Xie ang kaniyang mga magic stone ay halos himatayin na si Lucas.
"Miss..."
Mahina namang natawa si Li Xie dahil hindi na makapagsalita pa si Lucas. "Sabihan mo ako kapag nakabawi ka na, ha?" pang-aasar na sambit ni Li Xie kay Lucas.
Hindi agad basta basta nakabawi Lucas at nang makabawi naman siya ay kitang kita ang kaniyang pamamawis.
"Miss, sandali lang ha? Kailangan ko lamang tawagin nakatataas," sambit ni Lucas.
"Okay," sagot naman ni Li Xie.
Kaagad din na umalis si Li Xie at hindi rin naman nagtagal ang paghihintay ni Li Xie dahil kaagad niyang naramdaman na mayroong tatlong tao na papalapit sa silid kung nasaan siya. Kumunot naman si Li Xie nang maramdaman niya ang isang pamilyar na mana.
'Hmm? Don't tell me...'
Nang bumukas ang pinto ng silid ay kaagad naman na napangiti si Li Xie dahil hindi siya nagkamali na ang taong pamilyar na mana na kaniyang nararamdaman ay ang lalaking gustong gusto niyang makita. Hindi naman siya binigyan ng tingin ni Li Xie dahil sa hindi niya gusto malaman ng mga tao na kilala niya si Lin Xui Ying at sa puntong iyon ayaw niya na malaman niya na may kinalaman siya sa kahit na sinong royalties.
"Miss... eto po si Sir Mak ang namumuno ngayon sa Central Market Auction House at ito naman po ang Ika-walong Prinsipe ng Imperyo, Lin Xui Ying."
Tiningnan lamang sila ni Li Xie at tumango. Nang makita ni Lin Xui Ying ang naging reaksyon ni Li Xie ay parang may kung anong sakit sa dibdib siyang naramdaman. Hindi niya akalain na ganito ang magiging reaksyon ni Li Xie sa kanilang pagkikita. Ganoon pa man, ginawa pa rin ni Lin Xui Ying ang kaniyang makkaya upang hindi ipakita kay Li Xie ang kaniyang nararamdaman lalo na sa dalawang tao na kasama nila sa silid.
"Miss.. saan mo ito nakuha?" tanong ni Mak.
"Bakit ko naman sasabihin kung saan?" walang emosyon na sagot ni Li Xie.
Kaagad naman na tumikhim si Lin Xui Ying at naunang maupo kaysa kay Mak. "Mak, hindi naman ata tamang tanungin mo siya ng ganiyan," sambit ni Lin Xui Ying at seryosong tiningnan si Li Xie.
'Oh gosh! Kung hindi ko napigilan ang sarili ko baka napatalon na ako at niyakap siya!' sambit ni Li Xie sa kaniyang isipan at pinilit na ikinalma ang sarili.
Nang makita naman ni Lin Xui Ying ang palihim na ngiti sa kaniya ni Li Xie ay napangiti na lamang siya at nawala ang pagkaseryoso sa kaniyang mukha.
"Miss, sigurado ka ba na ibebenta mo ito? Sa nararamdaman ko ay isa ka ring magic user."
Umirap naman si Li Xie. "Magic user o hindi wala akong paggagamitan niyan kaya ibebenta ko na," walang galang na sambit ni Li Xie.
Pinagpawisan naman si Lucas dahil sa pagsagot ni Li Xie. Hindi niya alam kung anong meron sa utak ni Li Xie at ganito ang pakikipag-usap niya kay Lin Xui Ying na isa sa mga Prinsipe ng imperyo.
Tumikhim naman si Lin Xui Ying. "Okay sabi mo e." Tumingin si Lin Xui Ying kay Mak. "Mak, dahil isang malaking bagay itong ibebenta gusto ko na sa susunod na araw na ito i-auction. Gusto ko na magbigay ka ng sapat na pagbabalita tungkol dito dahil gusto ko na mas tumaas pa ang benta ng aking auction house.
'Huh? What did he say? Akin?'
Hindi magawang magtanong ni Li Xie at nakinig na lamang siya sa usapan ng dalawang tao. Nang makita naman niya na wala na siyang kailangan pang gawin ay kaagad itong nagpaalam. Nang makalabas siya sa silid ay kaagad siyang nagpunta sa pinaka madilim na parte ng auction house at hinintay na makaalis si Lin Xui Ying.
Agad agad na nakalabas si Lin Xui Ying sa silid ngunit hindi niya nagawang abutan si Li Xie. Kaagad naman siyang napalatak ng dila at hindi niya gusto ang ginawa ni Li Xie.
'Xie, kapag ikaw nahuli ko lagot ka sa akin.'
Pinanood lamang ni Li Xie si Lin Xui YIng na maglakad papalayo sa kaniya at napangiti na lamang siya at pinigilan ang kaniyang sarili.
'It was nice to see you again.'