Gabi na nang makarating na sina Li Xie, Li Hu, Li Merna, at Qin Fan. Kaagad silang naghanap ng pinakamalapit na inn na maaari nilang matuluyan. Nahiwalay ng kwarto si Li Hu at sama sama naman sa iisang kwarto sina Li Xie, Li Merna, at Qin Fan sa kwartong mayroong tatlong higaan. "Xie, gagalaw ba tayo kaagad ngayong narito na tayo?" tanong ni Li Hu nang pagbuksan siya ng pinto ni Li Merna. Nakita niyang naka-upo si Li Xie sa kaniyang higaan. Tiningnan naman ni Li Xie si Li Hu at saka napa-isip. "Sa tingin ko mas mabuti muna na magmanman na muna tayo kahit na saglit," kaagad na sambit ni Li Xie. "Matagal tagal ko na rin naman pinapunta si An Ni dito at mayroon na ata siyang maibabalita sa akin," dagdag pa niya. Nagulat naman si Li Hu at Li Merna. "Narito si An Ni? Hindi ba masyadong del