Sa buong byahe ay tanging ang plano lamang nila ang kanilang naging usapan. Napagdesisyunan nina Li Hu at Li Merna na umayon sa plano ni Li Xie dahil hindi naman pangkaraniwang magic user ang kanilang makakalaban. Isang black magic user ang kanilang kalaban kaya naman hindi sila maaring pumalpak. Nang matapos na rin naman talakayin nina Li Xie ang kanilang plano ay unti unti na rin naman niyang tinuruan sina Li Merna, Qin Fan, at Li Hu ng mga mahika na hindi na kakailanganin pa ng mahabang pagcast ng spell. Isa ito sa nakikita ni Li Xie na hindi magandang katangian ng mga magic user dahil mayroon silang mahabang chant bago mabuo ang kanilang mga gustong gawin sa mana. Gabi na nang mapagdesisyunan nila na magpahina na muna at si Li Hu at Li Merna ang nakatoka ngayon na maghanap ng makak