Halos mapasabunot na lamang si Li Xie sa kaniyang sarili nang hindi niya makita ang nag-iisang sangkap upang magawa na niya ang gamot para kay Dale. Hindi niya alam kung nasaang parte na ito ng gubat at hindi rin naman niya magawang maiwan nang hindi binabantayan si Dale dahil sa pinsala na mayroon ito.
Napahilamos na lamang si Li Xie ng kaniyang palad sa kaniyang mukha dahil sa inis na kaniyang nararamdaman. Naiinis siya dahil hindi niya alam ang kaniyang gagawin at hindi pa nagigising si Dale simula noong makatulog ito.
"Dale?" tawag ni Li Xie nang makalapit siya sa kaniyang guardian beast. "Dale, hindi ko mahanap ang Ice frozen flower, saan ko ito makikita?" nag-aalalang tanong ni Li Xie at hinimas niya ang bandang ilong ni Dale.
'Sa may bangin malapit sa pinaka dulo ng lawa,' dinig ni Li Xie na sambit ni Dale.
Napatingin si Li Xie kay Dale at hindi naman niya nakitang dumilat ito. Napailing na lamang si Li Xie at saka ito tumayo at naglakad papalayo, papalabas sa kweba.
Hindi alam ni Li Xie kung guni-guni lang ba niya na narinig niya ang boses ni Dale ngunit sinunod pa rin naman niya ang narinig niya mula kay Dale at sa may bangin nga sa dulo ng lawa ay mayroong isang kulay asul na bulaklak na akala mo ay nanigas sa yelo.
"Ito na ata ang hinahanap ko," sambit ni Li Xie sa kaniyang sarili.
Marahan niya itong kinuha at naramdaman niya ang lamig na dumaloy mula sa kaniyang kamay patungo sa bawat dulo ng kaniyang katawan. Nakaramdam man siya ng pagkalamig ngunit agad naman niya itong inalis sa kaniyang diwa dahil alam ni Li Xie na hindi ito ang tamang oras para bigyan ng pansin ang kaniyang sarili.
Nang makarating siya sa kweba ay nakita niyang nakahimlay pa rin si Dale. Nag-aalala man ngunit may tiwala si Li Xie kay Dale. Alam ni Li XIe na hindi ito ang unang pagkakataon na naging ganito ang kalagayan ni Dale at alam ni Li Xie na mayroon pang mga mas malalang nangyari kay Dale kaya naman malaki ang tiwala niya kay sa guardian beast na kaya nitong lampasan ang nangyayari sa kaniya ngayon.
"Dale? Maaari ka bang dumilat muna? Inumin mo lamang ito," sambit ni Li Xie nang matapos niyang gawin ang gamot niya.
Ang mga halamang gamot na mayroon sa mundong ginagalawan ni Li Xie ngayon ay hinahaluan niya ng gamot sa dati niyang mundo. Hindi lamang iyon, hinahaluan din Li Xie ng kaniyang mana ang gamot na kaniyang ginagawa kaya naman alam niya na kahit hindi pa perpekto ang kaniyang nagawa ay gagana ito kahit papaano.
Inilabas ni Li Xie ang iba't ibang uri ng kaniyang mga pangtahi at inumpisahang linisin ang mga malalalalim na sugat ni Dale at matapos noon ay tinurukan niya si Dale ng pampamanhid upang hindi nito maramdaman ang sakit ng kaniyang pagtahi sa mga malalalim na sugat ni Dale.
"Hindi ko talaga maintindihan ang mga tao rito!" inis na singhal ni Li Xie dahil alam naman niya na nakikinig sa kaniya si Dale. "Kung gusto lamang nila ng mga halamang gamot o mga mamahaling bato na narito bakit hindi nila hingiin ng maayos? Dahil ba gusto nila na ubusin ang lahat? Napaka swapang naman niila!"
Napakagat na lamang ng ibaba na labi si Li Xie at saka niya pinilit na ikalma ang kaniyang sarili dahil alam niya na nararamdaman din ni Dale ang galit na kaniyang nararamdaman.
Sa tatlong araw na nananatili si Li Xie sa pinaka pusod ng North Forest ay wala siyang ibang ginawa kundi ang asikasuhin at tulungan si Dale na makabalik sa lakas nito. Dahil hindi pangkaraniwang beast si Dale at isa itong guardian beast na malapit nang mag-advance patungo sa dragon ay talagang mabilis ang kaniyang paggaling. Lalo pa at hinahaluan din ni Li Xie ng kaniyang healing mana ang mga gamot na pinapainom niya kay Dale.
"Kumusta ka, Dale?" tanong ni Li Xie nang makapasok siya sa kweba at nakita niyang nadilat na si Dale.
'Mabuti na ang lagay ko kung ikukumpara ko noong isang araw,' kaagad na sagot ni Dale at tinitigan nito si Li Xie. 'Sigurado ka bang napatay mo ang dalawang lalaki na nakatakas?' tanong nito.
Ibinaba na muna ni Li Xie ang mga nakuha niyang halamang gamot at saka ito lumingon kay Dale at sumagot, "Oo, ako mismo ang pumatay sa kanilang dalawa at walang ni isang makakaalam dahil wala namang natira sa kanilang katawan."
Hindi naman kaagad naintindihan ni Dale ang sinabi ni Li Xie ngunit nang pilit niya itong intindihin ay bigla namang kinilabutan ang buo niyang katawan. Hindi niya akalain na mas nakakatakot pa pala si Li Xie kaysa kay Lin Jing.
"Sa ngayon huwag ka munang lalabas sa barrier na ginawa ko," sambit ni Li Xie at tumingin naman sa kaniyang muli si Dale. "Ang mana sa barrier na ginawa ko ay galing din naman dito sa loob at hindi rin ito lumalabas kaya naman paikot ikot lamang ang mana sa barrier," paliwanag ni Li Xie at nang matapos niyang dikdikin ang mga halamang gamot na nilagyan niya ng kaunting mga gamot sa dati niyang mundo at mana ay inihain niya ito kay Dale. "Hindi ko alam kung anong plano mo pero sana sa susunod kung may hindi magandang mangyayari magsabi ka," dagdagnito.
Kaagad naman na ininom ni Dale ang binigay sa kaniyang gamot ni Li Xie nang walang pag-aalinlangan. Kahit na anong ihain sa kaniya ni Li Xie ay iinumin niya dahil alam niya na para sa kaniya ang lahat ng iyon.
'Xie, nagkita ba ulit kayo ni Xui Ying?'
Napatigil naman sandali si Li Xie saka ito umiling. "Hindi pa. May tamang oras para riyan," kaagad na sagot ni Li Xie.
Hindi naman na nagsalita pa si Dale at hinayaan na lamang niya si Li Xie. Ramdam na ramdam ni Dale ang pangungulila ni Li Xie pati na rin ang pagkasabik niya kay Lin Xui Ying ngunit ganoon pa man ramdam din naman ni Dale ang pagpipigil ni Li Xie.
Napagtanto ni Dale na mayroon pang mas mahalagang kailangan gawin si Li Xie kaysa sa pagmamahal niya kay Lin Xui Ying.
'Master Xie...'
"Bakit?"
'Paano mo nalaman na may nangyari sa akin?'
"Hmm~" napa-isip sandali si Li Xie at saka ito ngumiti kay Dale. "Hindi ko alam, e. Basta mayroong nagsasabi sa akin na magtungo ako sa iyo. Noong una ang akala ko ay dahil sa wala na akong mga halamang gamot na magagamit ngunit nang makalapit ako sa North Moutain at makapasok sas North Forest ay doon ko napagtanto na ang lahat ng iyon ay hindi totoo. Kaya ako nasa lugar na ito ngayon ay dahil sa iyo," pagpapaliwanag naman ni Li Xie.
Nilaro ni Li Xie ang kaniyang kulay puti na apoy at nang makita naman ito ni Dale ay hindin iya maiwasan ang hindi kilabutan. Ang puting apoy ay hindi mainit kapag napadapo sa katawan ng kalaban kundi napakalamig na akala mo ay tinutusok ka ng libo libong karayon.
'Kelan ang alis mo, Master Xie?' mahina namang tanong ni Dale at saka siya pumikit.
"Sa susunod na araw. Limang araw lamang ako maaring manatili rito at ang tatlong araw ay nilaan ko upang mapagaling at mapaayos ang lagay ko." Tumayo naman si Li Xie. "Hindi ako salat sa pera ngunit kailangan ko ng pera. Dale, may mga bagay ka ba na pwedeng ibenta ko?" tanong ni Li Xie.