FALLING IN LOVE WITH MY BAYAW-CHAPTER 26

1307 Words

"MAY problema ba, babe?" nag-aalalang untag sa kaniya ni Samuel Junior habang nasa biyahe na sila pauwi. Marami silang nadadaanang bakas na iniwan ng kaaalis lamang na bagyo. May mga nagtumbahang puno, mga sasakyan at bahay na lumubog sa baha, mga basura, at marami pang iba. May mga ilang lugar pa ang baha pa rin pero ligtas naman ang pauwi kina Micah. Nakangiti na umiling lang ang dalaga nang lingunin niya ang nobyo. "Wala naman, babe." Pero ang totoo niyan, simula nang umalis sila sa farm ay iniisip na niya ang tungkol sa mga napag-usapan nila ng kaniyang ina. Para kung sakali mang tumawag uli ang private investigator at sabihing nahanap na nga nito ang ama nina Xia at Xandra, makakapagdesisyon na agad siya. At alam niya kung ano ang sasabihin sa mga bata pagdating niya sa bahay. G

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD