“HIJA, relax…” sabay na pinisil ng kaniyang mama at papa ang nanlalamig na kamay ni Micah habang hinihintay nilang bumaba sa kotse nito ang private investigator. Dahil kadarating lang nila sa farm at ayaw pang umuwi ng mga bata kaya pinakiusapan ng dalaga na ito na lang ang pupunta roon para dalhin ang mga impormasyong kailangan niya. Dadagdagan na lang niya nang doble ang napag-usapan nilang halaga sa kanilang kontrata. “Tama ang mama mo, hija. Relax ka lang,” segunda naman ng kaniyang ama dahil naramdaman din ng mga ito ang panginginig niya. Kinakabahan siya sa mga matutuklasan niya. Lalo at nakapag-isip-isip na si Micah na kapag napatunayan niya na karapat-dapat namang maging ama sa mga pamangkin niya ang taong nahanap ng private investigator niya, ibibigay na niya ang full custody