SAMANTHA’S POV “NO! Hindi ka puwedeng sumama kay Samantha,” mariing wika ni Cherry Mae nang lapitan niya si Carlos. Makikita ang galit sa kaniyang mga mata nang balingan niya ako. “Bakit mo ba kasi niyayaya ang asawa ko na sumama sa’yo? Ikaw na rin ang nagsabi na bawal siyang mapagod, ‘di ba?” The nerve of this woman! Muntik ko nang hindi mapigilan ang aking sarili at gustong-gusto ko nang sugurin si Cherry Mae. Sa isip ko ay kanina ko pa hinila at sinabunutan ang kaniyang buhok. Gusto ko siyang kalbuhin, sampalin. Pero pinili kong huwag na lang gawin alang-alang kay Carlos. Nasa part na ak ngayon na unti-unti ko nang nakukuha ang loob ng aking asawa at maibalik ang mga nawala niyang alaala. Ayokong kahit ang katiting na pag-asang kinakapitan pa ay nawala kapag inuna ko ang aking emosy