DOC CARL’S POV “SAMANTHA!” Napabalikwas ako ng bangon dahil nanaginip ako ng masama tungkol kay Samantha. Hindi malinaw sa panaginip ko kung ano ba talaga ang nangyari sa kaniya. Ngunit narinig ko ang umiiyak na boses niya at humihingi ng saklolo. Agad akong bumangon mula sa kutson na inilatag ko sa sahig. Pagkatapos kong sulyapan sina Cherry Mae na tulog na tulog sa tabi ni John Carlo ay lumabas na ako ng aming silid para puntahan naman si Samantha sa silid nilang mag-ina. Ilang beses akong kumatok pero walang nagbubukas o kahit sumasagot man lang. Inisip ko pa noong una na baka mahimbing lang ang tulog niya dahil anong oras na rin. Pero hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong kinabahan. Lalo lang tumindi ang pag-aalala ko sa kaniya at kay Baby Ellie kaya naisipan kong gamitin