Wala akong ibang ginawa buong maghapon kundi ang basahin ang script na ibinigay sa akin ni Mr. Muller. Manghang-mangha ako sa kung sino man ang gumawa ng script dahil kapani-paniwala ito, lalo na kung paano kami nagkakilala. “I used to be his secretary, but he told me to stop working as soon as we got engaged after a year of being in a relationship with him,” basa kong muli sa nakasulat. “He told me to just focus on our relationship and ready myself to become his wife.” Napailing na lang ako dahil ang sweet ng dating ng nakasulat doon. Ilang beses kong inulit-ulit ang lahat ng mga nakasulat sa script hanggang sa ma-memorize ko lahat ng laman no’n. Bilib na bilib pa ako sa sarili ko dahil nakaya kong i-memorya ang lahat nang ‘yon. Habang nagbabasa ay nakarinig ako ng tatlong katok sa pin