“Opo. Pasensya na po talaga at hindi ko na kayo nahintay. Kinailangan ko lang po talagang bumalik agad dahil may emergency sa kompanya at kailangan ang presensya ko,” palusot ko sa aking ina at rinig na rinig ko ang buntong hininga niya mula sa kabilang linya. “Hayaan n’yo po, kapag nagkaroon ako ng bakanteng oras ay uuwi ako riyan sa atin at nang makapag-usap tayo nang maayos,” dagdag ko bago nakagat ang labi ko dahil hindi ko mapigilan ang pagsikip ng dibdib ko. Ang hirap talagang magsinungaling pero wala akong magagawa. Ito lang ang tanging paraan para masiguro kong hindi masisira ang kinabukasan ng pamilya ko; na makakatulong ako sa kanila lalo na sa aspetong pinansyal. Kaya kong ibaba ang sarili ko at lunukin ang pride ko masiguro lang na may maiaabot akong pera sa pamilya ko. Nang