Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may mabigat na dumantay sa tiyan ko. Hindi ko na nga alam kung anong oras ako nakatulog kagabi, nagising pa ako nang maaga. Agad akong nagmulat ng mata at tiningnan kung ano ang pumatong sa tiyan ko pero natigilan ako nang makita ko ang braso ni Mr. Muller. Doon ko lang din naramraman ang mainig niyang hininga na mahinang tumatama sa aking leeg. Bigla akong natuod. Hindi ko alam kung dapat ba akong gumalaw dahil baka magising siya at akalain na naman niyang ako ang unang yumakap sa kanya. Napabuga na lang ako ng hangin bago nagdesisyon na muling ipikit ang mga mata ko at hintayin na lang siyang magising at nang malaman niyang siya talaga ang naunang yumayakap. Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko nang mas hilain niya ako palapit sa kanya. Damang

