CHAPTER 9 - AUTOGRAPH

2196 Words
Ding! Pinauna ko muna si Ms.Cathy sa pagpasok sa elevator. Agad akong sumunod sa kanya pagkapasok niya. “Oh, Stella… huwag mong kalimutan ‘yung number one rule natin sa CEO’s Office, ha?” “Oo naman, Ms.Cathy. Promise.” Nginitian ko pa si Ms. Cathy para maramdaman niya ang sinseridad ko sa pangako ko. “Uuwi ka na rin ba?” “Ah, dadaan muna ako sa Marketing. Nandoon kasi ang bag ko. Hindi ko nakuha kanin kasi from HR, isinama na ako agad ni Ms. Joyce sa office ninyo. Saka, hinihintay ako ng kaibigan ko, sabay kasi kami lagi umuuwi.” Pinasadahan ako ng tingin ni Ms. Cathy na para bang hinahanap niya sa katawan ko kung may dala akong bag. Tapos ay pinanlakihan niya ako ng mga mata. Wala kaming kasabay na ibang empleyado sa elevator dahil may thirty minutes pa bago ang oras ng uwian. Nagpaalam lang si Ms. Cathy kay Brandon na uuwi na siya kaya maaga kaming nakaalis sa sixth floor. Perks of being the CEO’s Secretary. “Stella. Huwag ka nang magkuwento dun, ha?” “Yes, Ms. Cathy. My lips are sealed,” umakto pa ako ng pag-zipper ko sa bibig ko, “confidential,” dagdag ko pa, tapos ay nag-thumbs up ako sa kanya. “Huwag kang ma–late bukas, ha?” paalala uli ni Ms.Cathy sa akin. Ngumiti ako sa kanya, “Ms. Cathy, kanina mo pa ipinagbibilin ‘yan. Unli?” Pabiro niya akong inirapan. “Para makulitan ka sa akin. Ewan ko lang kung malimutan mo pa.” “Pero sa hapon ka pa naman wala di ba?” “Oo. Pero huwag kang masanay na nale-late. Paano kung whole day ang leave ko o kaya sa umaga ako wala? Eh, ang aga pumapasok ni boss lagi.” “Pansin ko nga ‘yan,” mahinang sabi ko dahil sinabi ko iyon para sa sarili ko lang. “Ano ‘yun.Stella?” tanong ni Ms. Cathy Ding! “A-Ah, sabi ko… napansin ko na bababa na pala ako, Ms. Cathy.” “Oo nga. Nasa second floor na tayo,” sagot ni Ms. Cathy, na mukhang hindi naman narinig iyong unang sinabi ko. “Bye, Ms. Cathy!” pagpapaalam ko sa kanya, sabay labas ko na ng pintuan ng elevator. Hindi na ako lumingon sa kanya, tuloy-tuloy na akong naglakad papunta sa opisina ng Marketing Department. Agad na hinanap ng mga mata ko si Leslie. Wala siya sa mesa niya, kaya inilibot ko ng tingin ang kabuuan ng kuwarto. Nakita ko siya sa may zerox machine habang abala sa pagpo-photocopy doon. Dali-dali akong naglakad papunta sa direksyon niya. Ang plano ko sana ay gulatin siya, pero may isang empleyado doon na biglang tinawag ang pangalan ko. “Oy, Stella! Maghapon kang nawala, ah! Saan ka nagpatay-oras?” Hindi ko alam kung dahil ba sa nalikhang ingay ng taong iyon o dahil narinig ni Leslie ang pangalan ko, kaya lumingon siya s gawi namin. “Ay, hindi po ako tumambay, Mam.In-assign po ako ng HR sa sixth floor,” malumanay kong sagot, kahit na medyo na-offend ako sa sinabi niya. Nalukot ang mga kilay niya. “Ano naman ang gagawin mo doon sa sixth floor?” “Eh, sino po ba ang nag-oopisina sa sixth floor?” balik-tanong ko sa kanya. Bahagyang naging iritable ang itsura niya. “Alam ko! Ang CEO’s Office. Ginagawa mo akong tanga, ah?” Napansin ko ang pagpipigil ni Leslie sa pagtawa niya habang nakatingin sa amin. Binalewala ko iyon, at baka maakusahan pa kami ni Leslie na palihim na nag–uusap. Pinilit kong magpakahinahon sa kausap ko. “Ang tanong ko sa iyo… kung ano ang ginawa mo doon. Eh, dito ka naka-assign sa Marketing, di ba? Late ka na nga dumating kanina, maghapon ka pang nawala,” may kaunting pagtataray niyang tanong. “Ay, Mam… pina-akyat lang po ako ni Mam Leah kanina sa HR pagkadating ko. Malay ko po bang doon ako ia-assign ng HR sa CEO’s Office.” Pinilit ko pa ring ngumiti. Ayaw kong may maisagot akong hindi maganda dahil iniingatan kong magkaroon ng negative feedback sa evaluation ko. Minabuti kong lampasan na siya at puntahan na si Leslie. Na bagaman at nakatalikod sa akin ay halatang–halata ko naman ang palihim niyang pagtawa dahil sa pagtaas-baba ng mga balikat nito. “Huwag mong pigilan ‘yang tawa mo, baka maging utot ‘yan,” seryosong sabi ko kay Lesie pagkalapit ko sa kanya. “Ano ba kasi’ng ginawa mo diyan kay Mam Edna at mainit ka lagi sa kanya?” mahinang tanong sa akin ni Leslie sa pagitan ng mahinang pagtawa niya. Kahit na wala naman akong maalala na ginawa ko kay Mam Edna, napaisip pa rin ako. Nang sigurado na ako na malinis naman ang konsensiya ko, nagkibit-balikat ako, bago nagsalita. “Ewan ko diyan. Ni hindi ko nga siya kinakausap.” “Baka naman may manliligaw ka pala rito sa Verizon na type niya,” nakangiti pa rin na tanong ni Leslie. “Wala akong manliligaw dito, pwede ba?” nakataas ang isang kilay na sagot ko. “Eh, boyfriend?” tanong uli ni Leslie. Pinanlakihan ko ng mga mata si Lesiie kahit hindi naman niya nakikita dahil doon siya nakatingin sa mga papel na ginagawan niya ng kopya. “Leslie? Wala pa akong boyfriend!!” impit na sagot ko. May nanunuksong ngiti sa mga labi na niilingon ako ni Leslie. “Wala pa? Bakit? Hindi ka pa naka-first base sa super ultimate crush mo? Na kaninang umaga lang ay minumura mo naman sa isip mo sa inis mo?” Napamaang ako. “Leslie?” Mabilis kong tiningnan ang paligid. Baka kasi may nakikinig sa usapan namin ni Leslie. Nakakahiya! “Itiigil mo na nga iyang bibig mo!” impit na saway ko sa kanya, “malalagot pa tayo niyan kapag nagkataon.” “Fine. Sorry na po, Ms.Stella…” nakangiti pa ring sagot sa akin ni Leslie. Alam ko namang inaasar lang ako ni Stella. Pero mahirap nang mapag-initan kami ng mga empleyado rito sa Verizon. “Shut up na, Leslie!” impit na saway ko. “Magkuwento ka na!” excited naman ngayon na sabi nya sa akin. Pinandilatan ko uli siya ng mga mata. “Hindi makapaghintay?” Pero tinawanan lang ako ni Leslie. “Bilisan mo na, Saktong five mag-out na tayo. Sa labas ko na lang ikukuwento, habang kumakain tayo.” Namilog ang mga mata ni Leslie, ”libre mo?” Saglit akong natigilan, pero agad din akong tumango. “Oo na. Sige na. Tumahimik ka lang,” napipilitang sagot ko, “pero ‘yung budget meal lang, ha?” “Wow! Pina-advance ka ba ni CEO ng allowance?” Mariin kong ipinikit ang mga mata ko “”Leslie…” INALIS ko ang mga bag namin ni Leslie sa ibabaw ng mesa nang makita kong parating na siya. Nasa isang sikat na fastfood chain kami ngayon para sa pangako kong libre ko sa kanya. Palibhasa ay uwian na sa mga opisina at eskwelahan kaya puno ang nasabing fastfood. Kaya si Leslie na lang ang pumila para mag-order ng kakainin namin, at ako naman ang nag-abang ng mababakanteng mesa. “Here’s your order, Ms. Stella,” seryosong sabi ni Leslie habang inilalapag sa ibabaw ng mesa ang in-order niyang mga pagkain namin. “Leslie, pwede ba… tigilan mo na ‘yang Ms. Stella na ‘yan. Hindi na aa nakakatuwa,” kalmado pang sabi ko habang inililipat mula sa tray papunta sa mesa ang mga pagkain. “Sige na. Hindi na. Eto naman,” naupo na si Lesie sa tapat ko, “binibiro lang, eh…” nakangiting sagot ni Leslie, habang tapos ay binuksan na ang wrapper ng burger sandwich niya na libre ko lang naman. Inirapan ko muna siya bago ako kumuha ng dalawang piraso ng fries mula sa lalagyan at saka padaskol na isinubo ko iyon sa bibig ko. Bigla akong napapikit nang mariin nang maramdaman ko ang init nun at mapaso ang dila ko. “Mhu-init!” reklamo ko, sabay dampot sa baso ng softdrink ko at uminom. Narinig ko ang pagtawa ni Leslie habang umiinom ako. Kaya naman sinamaan siya ng tingin sa akin nang maibaba ko ang baso ng softdrinks ko sa ibabaw ng mesa. “Nilibre ka na nga, pinagtawanan mo pa ko “ sita ko sa kanya. Pero nginitian lang niya ako. “Ito naman… magkuwento ka na, bilis! Wait. Paano ka na-assign dun? Ni-request ka ba ni SUC?” Napatigil ako sa pagkagat sa burger ko. “SUC?” taka kong tanong. “Like, duh?” umikot ang mga mata ni Leslie, “super ultimate crush. Anobey? Di naman nating pwedeng banggitin ang totoo niyang initials, baka may makarinig pa sa atin na taga office. Pinoprotektahan lang kita, friend!’l” Saka ko lang kinagatan ang burger ko nang nalaman ko na ang ibig sabihin ng SUC. “So, eto nga–” “Ay, wait! Bakit pala hindi mo tinanggap iyong alok ni Kai na sumabay tayo ngayon sa kanya pauwi? Malay mo, baka siya pa ang nanlibre sa atin nito.” Nilunok ko muna ang pagkaing nasa bibig ko bago ako nagsalita. “Mamili ka - libreng food saka hatid o kuwento?” “Ay, oo nga pala…” pagkatapos ay tumawa siya, “ang engot ko. Pero siyempre, hindi ko ipagpapalit ang chika, ano?” pag-amin niya. “Alam mo, itatanong ko dapat ‘yan kanina kay Ms. Cathy. Nakalimutan ko na pa lang itanong.” “Ang alin?” “Kung bakit ako ang na-assign doon. Sa dinami-dami ng mga empleyado at trainee sa Verizon, bakit nga ako? Di bale, papasok pa naman siya bukas ng umaga. Itatanong ko talaga ‘yan sa kanya.” “Baka ikaw ang ni-request ni SUC para iyon ang maging punishment mo sa pagsagot mo sa kanya kaninang umaga…” Hindi ko maalis na hindi isipin iyong sinabi na ‘yun ni Leslie habang ngumunguya ako. Posible naman ‘yun. “Hindi ba kayo nag-usap ni SUC? Hindi ka in-interview man lang?” Marahan akong umiling nang sunod-sunod. ‘Hindi… si Ms. Cathy lang ang humarap sa akin mula nung pagdating ko doon. Nasa loob lang siya ng office niya. Tapos nung lumabas, kasama si Kimberly.” Bakit ba parang pagkakarinig ko sa tono ng boses ko, eh parang masama ang loob ko? Eh, ano naman sa akin kung magkasama sila ni Kimberly doon sa loob ng opisina niya at kung ano’ng ginagawa nila roon. Wala naman kaming relasyon para mag-emote ako. Hindi naman ako girlfriend para mapa-apekto. Ganun talaga eh, hindi ka naman crush ng crush mo! Natigil sa ere ang pagsubo ni Leslie ng fries dahil binalingan niya ako. Sumimangot muna ako bago ako sumagot, “si Kimberly Bernal,” sagot ko sa mahinang boses. Mahirap na. Baka may makarinig sa akin dito na tagahanga niya, at maapaaway pa ako. Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Leslie. Hmp! Exag! “Seriously??” hindi makapaniwalang tanong ni Leslie. Dumampot ako ng isang piraso ng fries. Isinawsaw ko ang ibabang kalahati nun sa catsup. “Hindi nga, Stella? Siya talaga iyong nakita mo kanina?” ulit ni Leslie. Itinigil ko ang pagdawdaw ko nung fries sa catsup, at saka tiningnan si Leslie. “Kung ayaw mong maniwala, eh di huwag,” sagot ko, tapos ay isinubo ko na ang fries na hawak ko. “Galit agad? Para naninigurado lang…” “Iyong endorser ng Verizon. Tama?” “Oo nga. Siya nga ‘yun. Ay, sayang naman… hindi ko natiyempuhan iyong idol ko…” hinayang na hinayang na komento ni Leslie. “Idol mo ‘yon?” hindi ko rin mapaniwalaang tanong. “Oo. Bakit?” Nagkibit-balikat ako, tapos ay sumubo uii ng fries. “Kino-confirm ko lang,” sagot ko, tapos ay uminom ako ng softdrinks. Humaba ang nguso ni Leslie. “Sana man lang, tinext o chi-nat mo ako, para nakapagpa-autograph ako.” Bahagyang tumikwas ang isang kilay ko. “As if naman magagawa mo ‘yun kapag nakita mong kasama niya si SUC,” sabi ko sa kanya. “Eh di, kapag napahiwalay siya kay boss.” “Kaso, siya mismo ang kapit-tuko kay boss, eh.” Nakita ko sa mukha ni Leslie na mukhang magpo-protesta siya sa sinabi ko kaya inunahan ko na siya. “Huwag ka nang umapela. Ako mismo ang nakakita,” iitnuturo ko pa ang sarili ko. Inirapan ako ni Lesllie, “Hmp! Okay, fine…” pagsuko niya. Pagsuko sa ngayon. “Okay lang... Marami pa namang pagkakataon. Tutal, nandiyan ka sa office ni SUC from time to time, maisisingit mo naman siguro ang pagpapapirma ng autograph kay Kimberly.” “Excuse me? At bakit ako ang magpapapirma ng pa-authograph mo? Gusto mong maging mas lalo akong mainit kay SUC? Baka ipatanggal na lang ak bigla nun!” reklamo ko pa. “Kung pwede lang ba na ako, eh. Why not? Baka nga kamo bukod sa autograph, makapagpa-picture pa ako." “Iaabot mo lang naman sa kanya iyong item, tapos pipirmahan na niya,” “Basta. Huwag na muna umasa. Tatawagan na lang ktia kapag may pgkakataon.” ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD