CHAPTER 10 - FIRST DAY

1126 Words
Good morning, love! Good morning, love! Good morning,love! Agad akong napabalikwas ng bangon nang marinig ko ang recorded na boses ni Brandon Hizon na nagsisilbing tunog ng alarm ko sa umaga. Hindi ako pwedeng mahuli sa trabaho ngayong araw. Gusto kong mabigyan ng magandang impresyon si Brandon, at para mabura sa isip niya iyong huli naming hindi magandang engkuwentro sa elevator kahapon. Ang balak ko sana kagabi ay baguhin na ang tunog ng notification sound ng alarm clock ko. Pero sa Sabado ko na lang papalitan. Makakapaghintay naman. Inabot ko ang telepono ko na nakapatong sa katabing study table, at saka pinatay ang tumutunog pa ring alarm. Katulad ng nakasanayan, nilingon ko ang poster ni Brandon na nasa dingding katabi ng kama ko. Pero kung dati ay nakangiti ko iyong binabati, tiningnan ko lang iyon ngayon. Aalisin ko na rin sana itong poster niya dto kagabi bago ako matulog. Pero napagpasyahan kong bumili na lang muna ng ipampapalit ko bago ko alisin. Iyon nga ba talaga ang dahilan, Stella? Tanong ko sa sarili ko. Kinapa ko ang damdamin ko habang nakatingin ako sa seryosong mukha ni Brandon. May nabago ba? Crush ko pa rin ba siya? Napadako ang tingin ko sa mga mata niya. Pakiramdam ko ay nakikipagtitigan ako ngayon kay Brandon. Parang bigla tuloy akong nabalik sa eksena namin sa elevator kahapon. Ganito rin ang nakita ko sa mga mata niya habang pinagsasabihan niya ako. Ngayon ko lang napansin. May lungkot sa mga mata niya. Tila may malumbay na mensahe ang mga ‘yon na gustong iparating, pero parang pinipigilan o sadyang ayaw ipaalam. Tila may malungkot silang mga kuwento na piniling huwag na lang ibahagi. Pilit kong inihiwalay ang tingin ko sa poster niya, kasabay ng pangako ko sa sarili ko na aalamin ko kung ano ang mensahe o kuwentong nagtatago sa mga mata ni Brandon Hizon. NAGMAMADALI ang mga hakbang ko. Maaga pa naman, pero gusto ko talagang mas maagang makarating sa CEO's office kaysa kay Brandon. “Kuya guard, dumating na ba si Sir Brandon?” tanong ko agad sa guard na naka-assign ngayon sa Employees’ Entrance. “Wala pa, Stella.” “Good. Maunahan ko siya today,” nakangiting sagot ko sa guard.. Sumaludo naman siya sa akin. Siya rin iyong guard na napagalitan ni Brandon dahl sa akin. Lihim kong ipinagpapasalamat at nandito pa rin siya at may trabaho pa. Derecho na agad ako sa pila ng elevator. Sa sixth floor na lang ako magsi-CR. “Stella.” Nilingon ko iyong tumawag sa akin. Agad akong napangiti nang nakita ko siya. “Kai…” “Ang aga, ah!” nakangiting sabi sa akin ni Kai nang tumabi siya sa akin. “Oo nga, eh. Sa CEO's Office kasi ako naka-assign ngayon.” Napansin ko ang biglang pagkawala ng ngiti ni Kai. May nasabi ba akong hindi maganda? Binalikan ko sa isip ko iyong isinagot ko kay Kai. Wala akong maalala na may iba akong sinabi sa kanya maliban sa kung saan ako naka-assign ngayong araw. Gusto ko sana siyang tanungin kung may problema ba, pero bumukas na ang pintuan ng elevator. Halos mapuno ang laman ng elevator. Pero sakto naman sa huling sakay para sa amin ni Kai. Nagtaka ako nang hindi sumunod sa akin si Kai papasok sa elevator. “Kai,tara na,” yaya ko sa kanya. “Ah, sige. Maghahagdan na lang ako,” sagot niya na bahagyang nakangiti. “Kasya pa!” sabi ko sa kanya, sabay tingin ko sa espasyo sa kanan ko, dahilan para bahagyang umusod ang nakatayo sa espasyong itinuro ko. Ngayon ay medyo mas malaki nang di-hamak ang bakanteng espasyo. “Okay lahg,” sagot ni Kai sabay taas ng isang kamay sa ere paharap sa aming mga sakay ng elevator na para bang humihingi siya ng paumanhin. Dahil doon, meron nang nakasakay na pumindot na sa buton para magsara na ang pintuan ng elevator. Nagtataka man ako sa ikinilos ni Kai, pero ipinagwalang-bahala ko na lang. Baka may sapat na dahilan lang talaga siya para sa mga aksyon niya kanina. Ako na lang ang naiwan sa elevator dahil nag-iisa lang naman ang opisina ng CEO sa ika-anim na palapag. Nang bumaba nga ang mga empleyado sa fifth floor ay may pagtataka at pasimpleng tinitingnan nila ako. Akala siguro nila ay naliligaw ako ng palapag na bababaan. Hindi ko na lang pinansin ang mga tingin nila. Naiintindihan ko naman na ang alam lang kasi nilang umaakyat sa sixth floor ay ang CEO at ang sekretarya nito. Ding! Katulad ng bilin sa akin ni Ms. Cathy, pagkalapag ko ng bag ko, kinuha ko na ang susi ng opisina ni Brandon sa lihim nilang taguan nito. Sa pamamagitan ng susing iyon, binuksan ko ang opisina ni Brandion at saka pumasok sa loob. Ingat na ingat ako sa mga kilos ko, baka mamaya ay nakatingin si Brandon sa CCTV dito at pinagmamasdan ang kilos ko. Binuhay ko ang aircon ng kuwarto niya, tapos ay pinunasan ko ang mesa niya. Hinugasan ko na rin ang baso niya, pinatuyo, at saka inilagay sa gilid ng mesa niya kung saan talaga ito naka-puwesto. Pagkatapos nun ay nag-isip muna ako kung may kailangan pa ba akong gawin dito sa loob. Nang wala na akong maisip sa mga ibinilin ni Ms. Cathy ay ipinasya kong lumabas na. Mahirap na. Baka mamaya pag-isipan naman ako ni Brandon ng masama. Pinatay ko na muna ang mga ilaw, bago ko binuksan ang pintuan para makalabas na. Pero nagulat ako nang mabungaran ko siu Brandon sa labas ng pintuan at aktong bubuksan din ang pinto. Hindi ako agad nakapagsalita sa pagkabigla. Mukhang si Brandon ay nagulat din. Hindi ko napigilan ang sarili kong titigan ang mukha niya. Hindi ko akalaing ganito kaganda ang umaga kapag ganitong ka-guwapong nilalang ang masisilayan mo. Ilang taon na nga ba si Brandon? Sa pagkakatanda ko ay twenty-five, going on twenty-six. Pero ang mukha niya ay pwedeng ipantay sa mga kaedaran kong mga lalaki. Baby face kasi ito, sa kabila ng maninipis na buhok niya sa mukha at bigote. “Ms. Stella!” Napapitlag ako nang marinig ko ang baritono niyang boses. “S-Sir. Yes, Sir?” Matik na nakagat ko ang ibabang labi ko. Pumalpak na naman ako kay Brandon. Samantalang wala akong ginawa mula kagabi kung hindi maghanda nga para sa araw na ito para makapagbigay naman ako sa kanya ng magandang impresyon. Pero ano na naman ‘to? Hay… Nakita kong umiling nang bahagya si Brandon. “Never mind. Leave my office now,” mahinang utos niya, pero para sa akin ay matalas ang dating. Nagbigay siya ng daan para makadaan ako. Pero sa sobrang tense ko siguro sa kapalpakang ginawa ko ngayong paghaharap uli namin. Muli na naman akong nakagawa ng katangahan. “Ayyyy!” ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD